Nabasa ko lang ito sa isang comment sa most engaged status update ko sa Fb, ang relationship status change.
Sabi mg isang commenter, kapag niloko ko daw si Soprano One, kakantahan daw niya ako ng base. Siguro, gwapo tong si kuya commenter, dahil sa lahat ng tono sa choir, ang bass ang pinakagwapo. Kaya nga naimbento ang AGAWAN BASE (BASS).
So ayun na nga.
Ang naging sagot ko, “kasama ba sa panloloko ang araw-araw na jokes at pagpapatawa?” Hindi niyo naitatanong, kilala ako sa office bilang pinaka sa mga pinaka pagdating sa mga hirit at mga banat.
Dyan binigkas ni kuya commenter ang title ng blogpost na to. Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinagot ng diretso ang Yes or No question ko. Hindi naman mahirap sumagot ng Oo. Si Soprano One nga, napa-Oo ko na.
Wala naman tayong point sa post na ito, – bukod sa gusto kong sabihin na hindi ako magsasawang pangitiin ka. Hindi lang si Soprano One pati na rin ang mga nagbabasa ng blog na to.
Isang ngiti sa osang araw, good vibes yun.
Isa pa, gusto ko lang din ipakita ang selfie ko na to. Maganda kasi ang lighting sa kalsada namin kaninang umaga.
Oo nga pala, exception nga pala si Enrile. Hindi siya aatakihin sa Puso kasi, wala naman siya Puso.
Joke lang sir JPE.