Pinaasa ka na ba ng katagpo mo?
Nakapag set ka na ba ng date na kinancel ng ka-date mo at nabasa mo lang ang message niya nung nasa meeting place ka na?
Nasabihan ka na ba ng tropa mo na “game ako sa outing”, pero last minute e makakatanggap ka ng “something came up”.
Nakakapikon di ba?
Well, sorry kayo pero hindi ganyang drawing ang natanggap ko kanina. Yung drawing na natanggap ko, nakakatuwa. First time ko makaranas ng ganitong drawing.
Hindi ko alam kung ano amg meron ke Soprano One at tinamaan siya ng pagka-artist niya. Naapektuhan ata ng init ng summer o nakalanghap ng alikabok ng Kalentong. Natamaan ata ng lintik.
O baka naman umepekto ang gayuma. Effective pala ang katas ng pinagpawisang salawal.
Salamat sa sketch na to. Alam ko, nahirapan kang ipantay ang eyebags ko. Alam kong nagdalawang isip ka sa placement ng nunal ko sa ilong. Alam kong sinukat mo ng mabuti ang panga ko. Alam ko rin na ilan beses mo pinagisipan kung lalagyan mo ng white hairstrands ang oasis kong buhok.
Promise, iingatan ko to. Ipapa-frame ko pa at isasabit sa kwarto. Ito na rin ang gagamiting kong portrait na nakapatong sa kabaong para makita ng mga apo natin kung gaano ka gwapo ang kanilang lolo pepi.
At sa susunod na drawing mo, sana magkasama naman tayo.
PS. Yung mga friends ko na drawing, pagpatuloy niyo yan. Hindi lahat, kasing-creative ninyo gumawa ng palusot.