Bakit Ka Ba Tumatakbo?

“Enjoy siya, lalo pag kasama ang barkada!” – squadgoals president
“Para ma-spot natin ang race bib ng mga chicks” – babaerong runner
“To become healthy” – sagot ng friend natin na overweight
“Dahil hinahabol ako ng pulis” – pag snatcher ang tinanong.

“Ayoko na maiwan ulit” – pag Kampeon Ng Pagibig
“To live longer and enjoy the company of my daughter” – Dingdong Dantes
“I want to partake my knowledge, and inspire our first Gold Medal Olympian” – Coach Rio.

Marami tayong kanya-kanyang mga hugot sa pagtakbo. May kanya-kanya tayong dahilan, but we all come together para sa isang goal… ang makalagpas sa Finish Line.

Kampeon Ng Pagibig for Runrio Trilogy 2017

Kampeon Ng Pagibig for Runrio Trilogy 2017

Promking, ang ikalima sa mga KnP with Afroman Coach Rio

Promking, ang ikalima sa mga KnP with Afroman Coach Rio

This is what the Run Rio Trilogy is all about. It creates space, a venue, a fiesta, a gathering specifically for running. This is its 7th year of THE Trilogy, and it’s legs will be named after their longest distances; namely 21k, Afroman 32k, and Philippine Marathon 42k.

Mahaba ba? Nakakapagod ba? Di mo ba kaya? 

Simulan mo na ang pagtakbo. May cutoff yan! Yung start and finish line, nasa Okada Manila. Mag-check in ka na rin dun.

Did I mention, Adidas is one of the partners? Di pa ba?

Na-mention ko na rin ba na ang Race Shirt ay tatak Adidas? Di niyo pa alam? Promise, ang ganda ng pagka-blue niya. Parang yung suot ko lang kanina.

Pero alam ninyo, may ishe-share ako sa inyo… Medyo juicy.

Promise! Mabaog!

Bago yan, tignan muna natin ang poster ng Runrio Trilogy, at mag-decide tayo kung anong distance ang tatakbuhin ninyo.

RunRio Trilogy 2017 Registration Fees

RunRio Trilogy 2017 Registration Fees

Game na? Eto na…

&

&&&

&

“Pera pera lang naman yan si Coach Rio. Hindi siya tunay!”

Frequently, I hear those words. Kahit ako, minsan akong naniwala sa mga salitang yan. Biruin mo, kaliwa’t kanan ang races na hawak ni Afroman Coach Rio Dela Cruz. Yumaman siya, di hamak, dahil sa mga running events niya. Isang dekada na rin mahigit simula nung nakilala siya sa mundo ng running events. Naka-dalawang kotse na nga siya e.

But this time, it is different. Naramdaman ko ang puso ni Coach Rio.

Heart of a marathoner? Heart to finish? Hinde… Mas matindi pa dun.

HEART OF AN ADVOCATE!

Partnering with Andrew Neri and Dingdong Dantes, mas marami nang matutulungan si Coach. May magpapatakbo na ng logistics niya. Makakafocus na siya sa advocacy niya. 

Pangarap kasi ni coach na magkaron ng Gold Medal sa Olympics ang Pilipinas gamit ang running.

And he roams the islands of the Philippines para mahanap ang talent na ito.

Coach Rio was once an aspiring olympian. Kahit hanggang ngayon naman, pero sabi niya, hindi na niya kaya dahil may edad na raw siya. And Back then, when he was running for it, hindi naman siya ganun kayaman.

I mean, hindi ganun karami ang resources. Walang sapat na training, walang magaling na coach, walang programang sumusuporta, at walang sasalubong na cheering squad sa finish line.

He wanted this to change, at iyan ang ginagawa niya ngayon.

He provides the events for training. he coaches athletes, he creates programs, and he personally welcomes runners sa finish line.

Andrew Neri, Coach Rio Dela Cruz, and Dingdong Dantes

Andrew Neri, Coach Rio Dela Cruz, and Dingdong Dantes

Runrio Trilogy Race Shirt

Runrio Trilogy Race Shirt

 

This spells out the difference for the athletes of today. 

I do hope na makita ni coach ang future champion na ito really soon.

At sana, makatagpo ko siya sa finish line!

www.runrio.com
https://www.facebook.com/runrioeventsinc/

PS. Salamat kay Soprano One sa pagsama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *