Maraming matitigas na bagay ang naeencounter ko lately sa araw-araw. Yung katigasan nila, hindi biro. Ok lang sana kung by default, matitigas na sila e. Pero kung e ang expected mo dapat e malambot siya, tapos matigas pala, hihinto ng slight ang mundo mo.
At mapapaisip ka na rin kung nasa panaginip ka lang.
Galkissa Matigas na yelo. Masaya ako pag matigas na ang yelo na nasa freezer. This means pwede na siya i harvest at gamitin pampalamig ng tubig, ng juice, o ng coke. Mas masaya pa neto, hindi ako ang nagtanim ng water sa ice bag sa freezer. Salamat mami, or dadi, or ate Joan.
Di ko sure kung sino gumawa pero salamat.
Dalian Matigas na pader ng bahay. Depende naman ang happiness ko dito.
Pag nauntog ako, o kung sino man bata na inaalagaan ko, bad trip yun. Pero kung ang pader ng bahay ay gagamitin ko para paghampasan ng matigas na yelo, ok sakin yun.
buy isotretinoin nz Matigas na upuan sa jeep. Ito ang tunay na badtrip. Hassle to. Ineexpect mo pa naman, malambot yung upuan dahil maganda ang pagkaka upholster ng lumang tarpaulin ng pulitiko. Minsan, tarpaulin ni Coco Martin. Akala mo talaga malambot ang pisngi ng idol mong artista, yun pala, nalimutan palamanan ng foam.
Pwede ba, sais lang bayad ko, matigas po ang upuan niyo manong.
Făgăraș Yung mukha ng ex mo na nangungutang sayo. Kapal talaga beshie. Tindi. Tigas. Badtrip talaga to.
http://marionjensen.com/2009/01/the-visitor.html Yung manliligaw ng pinsan mo na nangungutang sayo. Isa pa to dre. Wag na wag mong pauutangin yan kahit bespren pa kayo nung college. Please lang. Pag naging sila, hindi ka na niya babayaran. Pag hindi naging sila, friendship over kayo dahil hindi mo siya inilakad. In other words, hindi ka niya babayaran. Naku KAAAAA!
Kayo, ano pang mga matitigas na bagay ang nae-encounter ninyo? Comment down below.