Nakakatuwa na makita ulit yung mga tropa mo dati, at i-enjoy yung mga dati ninyong ginagawa. Feeling mo, bata ka ulit at walang responsibilidad.
- Yung tropa mo na laging nanlilibre sayo, gusto mo magpalibre sa kanya ulit.
- Yung tropa mo na bully, pag may kaaway kayo na Grade Six, siya ang naka-pronta dahil siya ang matangkad.
- Yung tropa mo na matalino, kaso weirdo.
- Yung tropa mo na chicks. Magaling sumayaw.
- Yung tropa mo na pwede ninyo i-bully, kasi, medyo mahina ang utak.
- Yung tropa mo na nangongopya sayo ng assignment, na kinopya niya pati pangalan mo sa test paper. Dalawa grade mo ngayon, habang siya… WALA!
Namimiss ko sila. Gusto ko sila kontakin. Tutal, nag-launch na ulit ang Ragnarok sa Philippine servers.
Tama! This is what Ragnarok Philippines would bring to us again.
Brought to us by ELITE, Exteme Electornics, and Gravity Co. dinagsa ang SM North Annex cyberzone ng mga guild masters na hindi na mukhang high school, mga cosplayers na alam mong sumusweldo na, mga artists na nagpahiram ng talento, at mga kilalang personalities sa mundo ng eSports.
At syempre, andun din ako para makigulo.
Hindi na ako magku-kwento ng marami. Drop ko lang yung mga pictures dito. Magi-install pa ako ng ragna.
Kung recruiting kayo ng PRIEST, ready si Promking. Kita-kits sa Prontera.