Sa Dinami-Dami, Bat Ako?

May kakaibang sangkap ang kape pag naihanda ng mainit, lalo pa kung hindi lang ikaw ang iinom.

Kung gaano katagal ang pag-antay na lumamig ang kape, ganun din karami ang chance para matanong mo sa kasama mo kung (1) san siya nakatira, (2) pang ilan  siya sa magkakapatid, or (3) open minded ba siya sa business?

malabo si dj

Kaya nung nagkaron ng chance na tanungin ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa commercial nila ng Nescafe – kung sa dinami-dami bat ako; NO CHOICE si kuya mo Dj kundi sumagot ng vague answer na “parang kape, iba ang creamy chuchu, echos, kuning-kuning.”

Para sa fans ng Kathniel, nakakakilig ang sagot.

Para sa akin, malabo si Dj.

Dahil hindi pa malamig ang kape para higupin, naibalik ni Dj ang tanong ke Kathryn. Bakit daw siya? Sabi ko, malabo na to. Wala nang sasagot ng tama sa kanila. Magpu-promote na lang sila ng kape.

At ganun na nga ang nangyari.

Nachempuhan tuloy ni Soprano One ang commercial. Ginaya niya ang idol Kathryn niyo. Tinanong niya ang inyong kampeon, “sa dinami-dami, ba’t ako?”

Napaisip tuloy ako ng malulupit na sagot. Di ko alam kung tama ang mga naisip ko, pero sana kiligin din siya…

Dahil sa ganitong pagkakataon, ang tamang sagot ay ang sagot na makapapapakilig sa kanya.

Sa dinami-dami, bat ako? (tanong ng nagtataka)

  • Bakit Hindi… Dito papasok ang lahat ng traits ni Soprano One. Pwedeng sundan ng, “lahat ng hinahanap ko, nasayo na.”

Sa dinami-dami, bat ako?

  • Funny Ka Kasi. Or kahit na anong good trait ni Soprano One… Focus sa isa. Ang problema ng sagot na ito, sasabihin lang niya na, “dahil Funny lang ako? Di dahil maganda ako?”

Sa dinami-dami, bat ako? (pagalit na tanong)

  • May choice ba ako?… Nakakatuwang sagot ito. Parang ang ibig sabihin nito, ampanget ko kaya walang pumapatol sa akin. Buti na lang nagkamaling pumatol si Soprano One.

Sa dinami-dami, bat ako?

  • Onti lang. Hindi marami… Ito yung madalas ko ginagamit na pagsagot. Ang tawag ko dito, evading the question. Para naman mapangiti ang ate mo. Sakto lang to para hindi ka magkamali. Hindi ka magkakamali pag hindi mo sasagutin ang tanong.

SA DINAMI-DAMI, BAT AKO?

  • Dahil ikaw lang talaga, bakit kasi hindi ka nagpakita agad… Yan naman kasi ang totoo. Ayoko lang sabihin, dahil I am sure, tatanungin niya ulit ako pag napanood niya ang commercial next time na mapanood niya ang commercial.

Kagaya ni Kuya mo Dj, binalik ko ke Soprano One ang tanong…

E ikaw… bat ako?

  • Sinampal niya ako, sabay sabi… “Hindi ka si Daniel.” Nag-hug naman siya sakin pagkatapos. 🙂

****

Dami talaga pwedeng mapag-usapan, marami pwedeng maging sagot sa iisang tanong. Pero kahit anong isagot mo, ang objective ay kiligin siya.

Mas importanteng tanong to: Malamig na ba ang kape ko?

*This is not a sponsored post. Wala pang dumadating na Nescafe Creamy White sa bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *