How To Prolong Your Birthday Celebration!

Birthdays are the happiest of all expected days. Kasama ito ng anniversary, ng mga monthsary, at ng mga New Year, Pasko, Valentines, at Laboracay. Ang kinaibahan lang ng birthday, e walang sini-celebrate , walang bida , walang astig, macho, at focus of attention – kundi IKAW.

Pinakamasaya to. And it is always better kung mapapahaba mo ang 24 hours ng birthday mo.

Ang technique ko, I celebrate it ahead of time.

One weekend to be exact.

Kung Wednesday ang birthday ko, sini-celebrate ko siya the Saturday or the Sunday before that. Maghahanda, magpapainom, magiimbita, at magtutugtugan na sa bahay para lumabas ang memories, ang pictures, at ang mga regalo.

O di ba masaya?

For the next 3-4 days, papasok ang birthday greetings.

  • Makikita ko ang mga pictures.
  • Maaalala ng mga tao ang tuwa at saya na dala ng birthday ko.
  • May mga maiinggit dahil hindi sila nakapunta.
  • May mga magyayabang kasi andun sila.
  • May mga kakanta ng Himala dahil at patuloy na magsi-second voice sa mga tinugtog.
  • May mga babati ng Happy Birthday kahit ang totoo, sa katapusan pa ang birthday ko.
  • At may mga magsasabi na, dapat, sa susunod na taon, andun na ako.

#ParaSaHulingArawSaKalendaryo
#PepiAt31
#OneEpicBirthday20107

Master Musician. Sa Pinsan ko na may bagong gitara. Salamat. Taun-taon na lang.

Master Musician. Sa Pinsan ko na may bagong gitara. Salamat. Taun-taon na lang. (Dalawang Kiel sa isang litrato.)

BPG fans club. (Basta Paulo Gwapo)

BPG fans club. (Basta Paulo Gwapo)

Soprano One. Ayoko Tumanda Na Di Ka Kasama.

Soprano One. Ayoko Tumanda Na Di Ka Kasama.

Team Marvel x BPG

Team Marvel x BPG

Mga Busy na Tao sa Kusina.

Mga Busy na Tao sa Kusina.

Parents ko, with the busy people sa kusina.

Parents ko, with the busy people sa kusina.

2 years in a row!

2 years in a row!

Tequila Girls. One beso - one shot!

Tequila Girls. One beso – one shot!

One epic party! Salamat sa mga pumunta! Salamat sa mga hindi pumunta! Sa mga inimbita pero hindi pumunta! Sa mga hindi inimbita pero pumunta! SALAMAT!

One epic party! Salamat sa mga pumunta! Salamat sa mga hindi pumunta! Sa mga inimbita pero hindi pumunta! Sa mga hindi inimbita pero pumunta! SALAMAT!

 

 

 

This time, gusto ko magpasalamat sa mga natatandaan ng utak ko ngayon. Sana wala akong ma-miss out:

  • Sa parents ko na todo suporta. Alam kong inaabangan nila ang birthday ko dahil sa dami ng tao na pupunta at sa paghahanda na gagawin namin. Minsan lang maglinis ng bahay, at tuwing birthday ko pa ito nangyayari. Dapat daw, mag birthday ako every month para every month din malinis ang bahay.
  • Sa mga kapatid at in-laws ko. Yung suporta nila kahit busy sa kanya-kanyang schedule. Shoutout sa Buffalo wings na recipe ni Joan. Sarap! Specialty mo na yan. Yan na ang pantapat mo sa lumpia ni mommy.
  • Sa girlfriend ko – si Soprano One. Nagulat talaga ako dun sa pa-sushi mo. Kinilig ako dun. Pero mas kinilig ako sa pagkanta, sa pag-alaga, sa pagpunas nung sumusuka na ako, sa pagngiti at pag-hello sa mga bisita, at sa mga behind the scenes na galaw mo. I want something just like this. Ayoko Tumanda Na Di Ka Kasama.
  • Kampeon Ng Pag-ibig numbers 1 and 2. Salamat dahil sure ako na darating ang KNP; mayroon man akong bisita o wala, meron man akong party o wala, meron mang ganap o wala, birthday ko man o hindi. Salamat sa pagiging tanggero. Naubos yung sponsored drink natin na ANDY PLAYER. Pati yung mga El Hombre.
  • Sa pinsan ko na si Vino at sa kay JJ, ang nagpatakbo ng tugtugan. Salamat. Damay ko na si Kaye at Ryan, salamat sa pagpunta.
  • Sa Brgy 605 at sa mga kapitbahay ko na pinabayaan kaming pumarty hanggang 6am. Woohoo! Tenkyuuuu!

Salamat sa mga bisita.

  • Kay TL Marvin at sa Team Marvel. Alam ko, nagmistulang reunion natin ito. Salamat sa pakiki-jam. Salamat sa pagstay hanggang sa epic picture na nag-capture sa buong event. Sana napasaya ko kayo.
  • Sa Team VivaCherriza. Thank you sa pagpunta. Salamat at pinagbigyan ninyo ang papa mo. Gawa pa tayo ng happy memories as a team. Mahal ko kayo!
  • Sa BPG fans club; ke Djondee at Nikki. Salamat. Maraming maraming salamat. Nasusukat ko ang success ko dahil may mga taga-suporta akong kagaya ninyo. Happy sana po kayo parati.
  • Sa cast ko last year na umulit this year; si Dee na pangatlo na raw niya. Si Chris at si Yappy. Si Ichi. Ayus kayo!
  • Sa youth ng Beloved of the Lord; lalo na sa biglaang hatak na sina Martin, Joshua, at Ross. Buti andyan kayo. Salamat sa tugtugan. Pahabain pa natin yung mga set ninyo sa susunod.
  • Sa Tequila Girls; ke Mhau, Anna, Nhina. Salamat sa pag-ikot ng tequila. Mataas man o mababa – may beso naman kada ikot. May natuwa sa ginawa ninyo.
  • Sa mga friends ng mommy ko na busy sa kusina. Thank you po talaga. Hindi ko po kayo mapasalamatan ng sobra sobra.

Sana wala akong nakalimutan.

  • Sa Andy Player, ang main drink ng event. Salamat.
  • Sa Red Horse. Ikaw talaga ang hanap ng mga bisita e. Nakapag-alcohol run pa kami dahil sayo.
  • Sa Marlboro; anim na kaha din yun. Hindi ko sure.
  • Sa mini stop, sa SM Hypermarket, sa Kalentong Ice Plant pati na rin sa Kalentong palengke. Thank you.
  • Sa Wasabi sa Pasay. Thank you. Dinayo ka pa talaga ha.

Ok na ba tayo?

  • ke Lord. Sa ika-31 taon ko, salamat hindi lang dahil binigyan mo ako ng buhay, kundi dahil patuloy mong binibigyan ng kulay ang buhay ko.
  • dinagdagan mo pa ng musika. salamat sa dinagdag mong tono ngayong taon.

Ulit-ulitin lang natin to guys. Mahal na mahal ko kayo.

Ire-ready ko pa ang sarili ko sa pagpapasalamat sa mga FB greetings ninyo sa Wednesday. Hindi pa tapos ang birthday ko!

2 responses to “How To Prolong Your Birthday Celebration!

  1. Happy birthday pepi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *