Hindi Ako Natuwa Na Ka-DATE si Wonder Woman.

Hindi ko na-enjoy ka-date si Wonder Woman. Marami siyang red flags at nakaka-off yung ibang mga katangian niya. I have high hopes for this girl, pero nabigo ako.

Ka-date ko si Wonder Woman nung Thursday eh. June 1, first screening ng movie across the globe. Sa Glorietta 4 Cinema 3 ako nanood.

Ang usapan namin, 7pm. Ang problema, hindi ako nagising on time. Actually, 7:09 pm na ako nakabangon. So late na ako. Nagmadali na lang ako sa paliligo at pagbibihis para maabutan ko siya. Lagot na ako neto. Wala pa naman cellphone si Wonder Woman. Hindi siya marunong magtext. Patay na talaga.

Pero mali ang akala ko. Hindi man lang nagalit sa akin si Wonder Woman.

di nakaka enjoy ka-date si Wonder Woman

di nakaka enjoy ka-date si Wonder Woman

Mahilig manlatigo si Wonder Woman. Hindi ka makipagsinungaling sa kanya.

Mahilig manlatigo si Wonder Woman. Hindi ka makipagsinungaling sa kanya.

Hindi rin siya marunong tumingin ng oras. Hindi siya naniniwala sa orasan. Ewan ko, pero feeling ko, first time lang niya makakita ng relo. Ang sabi pa nga niya sakin, “You let that stupid item tell you when to do things? Do you have no balls to do what you want?”

Na-off ako dun. Taga-isla ata itong si Wonder Woman. Walang alam.

Isa pa, wala na siyang nabanggit kundi si Aries. Ewan ko, pero, mukhang mainit ata ang dugo ni Wonder Woman sa ex niya. O baka ang tito mo na si Aries, nangutang sa kanya at hindi nagbayad.

Papatayin daw niya si Aries. Pag nagawa niya daw yun, magiging ok na ang lahat.

Hindi pa ata nakaka move on si Wonder Woman sa ex niya. Ayoko sa ganyan. Baka maging panakip butas ko.

Hindi rin kumakain tong si Wonder Woman. Ang hilig pa sumigaw, tumakbo, makipag-bungguan sa mga strangers at manlatigo ng hita. Buti na lang maganda siya at hindi siya gaano pinapatulan. Pero pag nakaharap siguro siya ng katapat niya, hindi ko siya kaya protektahan.

Nung natapos yung date namin, napansin ko siya na naglabas ng laptop at nag-email sa isa pa niyang boylet na pangalan ay Bruce. Player talaga tong si Wonder Woman. Ayoko sa player.

Reserved at defensive si Wonder Woman

Reserved at defensive si Wonder Woman

always galit sa ex niya na si Aries tong si Wonder Woman

always galit sa ex niya na si Aries tong si Wonder Woman

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *