Si Mask Rider Black, si Robin Padilla, ang F4… Lahat sila gwapo. Lahat sila malakas ang appeal. Lahat sila naka-motor.
So, it is safe to assume na kapag naka-motor ka, gwapo ka.
Safe to assume, exceptions na lang yung kapitbahay mo na mahilig kumindat sayo.
KTM motorcycle manufacturers, kakabukas lang ng kanilang manufacturing plant sa Laguna Technopark. Dun ginagawa ang mga malalakas makapogi points na 200cc at 390cc na Duke.
Mga big bikes bikes ito. Pang-karera. Walang kwenta yung motor ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Mas walang sinabi yung alien breed na motor na may dalawang gulong sa harap.

This Orange KTM Bike is a baby beast, equipped with the technology to help you become Ready To Race!
In partnership with Ayala Corp, ang KTM bikes ay mabibili na sa napaka-affordable na presyo dahil menos na sa import tax.
Ang matindi pa neto, magiging export item pa ito dahil walang ibang planta ng KTM sa Southeast Asia region kundi sa Pinas. Mayabang na maituturing si Eric Santos, isa sa 20-man team na nagtatrabaho sa manufacturing plant.
Read to race na ang mga unit. Yung latest model, may touchscreen panel na pwedeng kumonekta sa Smartphone mo. Pwede mo na nga i-drive yung motor mo gamit ang touchscreen, pero dapat, high score ka muna sa Temple Run.
Orange ang kulay ng KTM. Matingkad, para kahit nasa off road ka o sa kahabaan ng Aurora Ave, kita ka.
Imposibleng hindi ka mapansin ng crush mo.
Hindi mabababalewala ang pogi points mo, basta naka KTM bikes ka.