Gift In Kind Foundation Takes Its Advocacy To NEW HEIGHTS..

Eleven years na tayong namimigay ng school supplies, time to level up our game.

Gift in Kind Foundation, isang grupo ng mga magkakaibigan na nagdecide eleven years ago na magbalik ng biyaya. Pupunta sa probinsya ng isang member, dun sa elementary school nila, hahanapin yung mga mahihirap na students na walang wala, bibigyan ng school supplies, palalaruin ng parlor games, at pakakainin.

Natatapos ang kwento sa paguwi ng volunteers. Natatapos ang kwento ng outreach pag tapos tapos na ang program. Walang follow up. Walang follow through.

Yung nakasanayan na ganyan ay natapos ngayong taon.

Banawen lies at the foot of a mountain range. One wonders how aetas manage to live here.

Banawen lies at the foot of a mountain range. One wonders how Aetas manage to live here.

The Road to Banawen requires patience

The Road to Banawen requires patience

Three years ago, we decided to adopt Banawen Primary School. Itong paaralan na ito ang tututukan namin. Taun taon kami pupunta dito. Every year, parami nang parami ang mga regalo. Paganda ng paganda ang mga pinamimigay. Palaki ng palaki ang mga dumarating na tulong.

Dahil, lumalaki din ang mga bata.

These kids are not that jolly the first time we saw them 3 years ago.

These kids are not that jolly the first time we saw them 3 years ago.

Each year, the items get more and more colorful.

Each year, the items get more and more colorful.

Ang inyo pong lingkod at si Soprano One, kasama ng mga batang Aeta sa Banawen.

Ang inyo pong lingkod at si Soprano One, kasama ng mga batang Aeta sa Banawen.

We prepared items that would encourage you to come to school everyday!

We prepared items that would encourage you to come to school everyday!

This year, anim sa mga taun taon na tinutulungan namin ang graduate na ng primary school. Lilipat na sila sa bayan. Dun  na sila papasok ng Grade 7 sa school sa tabi ng high way. Mas kailangan na nila ng mas malalaking tulong; uniform, pagkain, libro. Mas malaki  na ang pangarap nila.

At hindi dahil graduate na sila, hihinto na rin ang pagtulong. Hindi tayo kapareho ng iba na one time lang kung mag-abot.

Ang narinig ko, yung anim daw na bata  na yun, makikitira daw sa school sa bayan. Magiging caretaker daw sila doon. At padadalhan daw sila ng GIKF ng bigas monthly, para at least, may pagkain sila.

Salamat sa mga sponsors ng Gift In kind Foundation at naipagpapatuloy natin ang sinimulan ng mga founders 11 years ago. Salamat sa mga willing tumulong. Salamat sa mga dasal, suporta, at financial help.

Makapagpapagraduate din tayo at maiaangat ang isang community.

This grade 2 student looks onto Ate Chin, the club's president.

This grade 2 student looks onto Ate Chin, the club’s president.

Team GIKF 2017

Team GIKF 2017

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *