Ang Masamang Hangin Na Dulot Ng Relationship Goals

Na-experience mo na ba yung hindi ka maka concentrate sa sinasabi ng jowa mo dahil nasa ibang lugar ng pagkatao mo ang isipan mo? Yung may hindi ka mapigilan na pangyayari? Yung kailangan mong ilabas ang saloobin mo dahil masakit na? Yung kanina pa kumukulo ang sikmura mo?

Nauutot ka na.

Kailangan mong pigilan si jowa sa kung anumang sinasabi nya para magbigay daan sa mahangin mong saloobin. Wag ka mahiya, mas appropriate ang sorry kesa sa excuse me.

Ang utot ay hangin na nabubuo sa tiyan dahil sa chemicals ng sikmura na nakikipaginteract sa pagkain na tinutunaw. Methane ang main ingredient ng utot. Flatulence naman ang medical term.

Bukod sa pagkain, factor din ang kabag, o ang paglunok ng hangin. Madalas ito nangyayari pag sinasabayan mo ng kwentuhan ang pagnguya mo ng pagkain. Mas malaking factor pa dito e kung nagtatawanan kayo. Mas malakas ang halakhak, mas maraming hangin na malulunok.

Too much laughter increases the production of gas in the stomach.

Too much laughter increases the production of gas in the stomach.  photo by Lord001

 

Ang amoy naman ng utot ay dulot ng fecal matter na napapasama sa hangin. Ang lakas ng tunog ay vibrations ng hangin sa puwetan at sa nakasarang butas ng puwit. Pag mas masikip ang butas, mas matinis ang tunog. Nakakatulong sa paglabas ng hangin ang pagbukas ng pwet kapag bahagya mong ipaling ang idang pisngi gamit ang kamay o ang pag adjust mo sa pagkakaupo.

Minsan, pwede mo rin saluhin ang utot mo at amuyin mo. Siguraduhin mo lang na walang nakakakita.

Pwede mo rin irecord ang utot ng jowa mo at gamitin mong ring tone. Para naman hindi mo siya mamiss.

Minsan, tinanong ako ni Soprano One, “happy ka ba?” Hindi ko siya sinagot. Dahil nga, hindi ko narinig ng mabuti ang tanong. Nasa kumukulong tiyan ang pokus ko. Sinusubukan kong pigilan pero hindi ko kaya.

Ang pakikipagkwentuhan habang kumakain ay nagdudulot ng kabag.

Ang pakikipagkwentuhan habang kumakain ay nagdudulot ng kabag. photo by Lord001

At nangyari na nga ang nakatakda. Isang matinis at mahabang puuuuutt. Parang nagmistulang oo na sagot sa tanong ni Soprano One ang aking utot.

Napangiti na lang siya.

Alam kasi niya na ang masasayang magjowa lang ang nakakautot ng ganun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *