Monthly Archives: June 2017

First Anniversary With Salu! The Filipino Restaurant #SarapMabuhay

Ano ba ang specialty ng Ilocos? Natikman mo na ba ang pinagmamalaki ang Bicol? Ano ba ang inaabangan sa handaan ng mga Kapampangan?

Yung pagkain ng mga taga Cebu, nalasahan mo na? Yung sa Bool, natikman mo na? Nasarapan ka na ba sa pagkain sa Puerto Princesa?

Curious ka ba sa lasa ng pagkain ng mga Maranao? Yung pagkain sa Sulu, alam mo ang tawag? Ano ba ang ingredients ng pagkain sa Lanao?

This time, hindi mo na kailangan sumakay pa ng Air Asia, o mag-antay ng Piso fare ng Cebu Pacific, para lang matikman ang mga pagkain sa buong Pilipinas. May na-discover ako na restaurant sa Quezon City na kayang ihain ang mga ito ng sabay-sabay.

Parang yung ex mo na babaero. Kayang magsabay-sabay.

six sauce mini lechon

six sauce mini lechon

Taho and durian for dessert

Taho and durian for dessert

Salu offers dishes from around the country

Salu offers dishes from around the country

Knp joining the Anniversary party number 1

Knp joining the Anniversary party number 1

 

 

Have you heard of Salu? Yung restaurant ni Romnick Sarmienta at ng asawa niya?

The restaurant just celebrated their first anniversary this week, and it has been proven na kaya nila ma-replicate ang lasa ng mga pagkain mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. DOT-ARMM headed by MRs. Ayesha Mangudadatu Dilangalen approved of the taste. Ang masaya dito, hindi nila ipinagdadamot ang recipe.

Salu can teach you how to cook!

Sakto ito, kung hindi maruong magluto ang jowa mo, mapapaturuan mo siya sa culinary authority chefs ng Salu!

Their newest section in the kitchen is called Kusina ni Nanay, for a minimum of 2000 pesos, a food package will be served at your table. Ang catch dito, one or two dishes of the said food package should be cooked by your Nanay. Pwede rin naman siguro na tatay, basta yung kusina, ke nanay yun.

Wag ka na makialam kung ayaw mo ma-roundhouse kick ni kuya mo Romnick.

You can taste the flavors of the whole Philippines, only at Salu.

Harlene Bautista at the Kusina ni Nanay

Harlene Bautista at the Kusina ni Nanay

sina Romnick Sarmienta at Harlene Bautista

sina Romnick Sarmienta at Harlene Bautista

hipon. malaki!

hipon. malaki!

Located at Sct Torillo, cor Sct Fernandez, Brgy Sacred Heart, Quezon City.
For reservation, questions, and queries, call Salu’ at (02) 2821512.
Facebook page is https://www.facebook.com/Saluresto/

 

***

P.S. Always nakikita ni Soprano One sina Romnick at Harlene sa concerts ng Pentatonix. Big fans ang mag-asawa ng banda.

Sumisid Ng Perlas (At Protektahan Ang Karagatan) #WorldOceansDay

We all love the ocean. Ito ang nagpo-produce ng mga paborito kong food gaya ng hipon, tuna, squid, at sardines. Masaya din mamangka at mag-explore ng seven thousand islands ng Pilipinas. Yung mga pictures under the sea, naku, parang nasa ibang dimension ka. Ibang mundo talaga.

Sa karagatan nanggagaling ang oxygen na bini-breath natin, contrary to popular belief na mga puno ang primary source of oxygen. Three-fourths ng katawan ng tao, tubig. Two-thirds ng earth, tubig. Kung tingin mo e nalibot mo na ang mundo, try mo libutin ang ilalim ng dagat. Promise, kahit si Magellan, hindi magagawa yun.

May friend ako na si Jack, sa sobrang love niya sa ocean, e dun na siya nahimlay; cue in Jack from Titanic.

Yung isa ko ring friend, nakakalimang movie na ata sa tubig. Cue in Jack Sparrow from Pirates of the Carribean.

Kaso, marami tayong hindi naiintindihan tungkol sa preservation at care ng ating mga yamang dagat. Bukod sa pag-iwas sa single use plastics, ang pag-aalaga sa marine bio-diversity ay magbebenefit ng malaki hindi lang sa mga nakapaligid na mamamayan ng isla, kundi sa mga future generations din na gusto pang makatikim ng kilawin at inihaw na panga.

Kung meron tayong dapat pigilan, yun e yung mga katangahan na pagtatayo ng Marine Park para ma-feature ang mga corals, na hindi naman talaga kailangan dahil pwede ka mag feature ng corals in their natural habitat. Yung Nickelodeon marine park sa Palawan, I think katarantaduhan yun.

The World Oceans Day gallery opens here at Solaire Resorts and Casino

The World Oceans Day gallery opens here at Solaire Resorts and Casino

Danny Ocampo explains a few of the images featured at the Gallery

Danny Ocampo explains a few of the images featured at the Gallery

Anna Verona and Danny Ocampo champions the oceans

Anna Verona and Danny Ocampo champions the oceans

WWF Panda graces the event!

WWF Panda graces the event!

Isa sa mga skills na gusto ko rin matutunan ay ang pagsisid ng perlas. Wala lang, gusto ko lang banggitin.

Also, para makahanap ka ng mate mo, I think you should go to school, kagaya na lang ng mga schools of fish sa dagat. Another random thought.

If you want to see and learn more about the ocean, pwede ka bumisita sa Solaire Hotel & Casino. Starting today, June 8, hanggang June 22, makikita sa exhibit ang iba’t ibang pictures mula sa mga famous Marine Protected Areas gaya ng (1) Tingloy, Batangas , (2) Apo Island in Negros Oriental, (3) Tubbataha in Palawan, and (4) Tañon Starit in the Visayas. Makikita dun ang mga litrato na kuha nin Anna Verona, a marine photographer-goddess, and Danny Ocampo, an award winning underwater photographer-rockstar.

with Marine Protected Areas representative, Oceana representative, Anna Verona, and Danny Ocampo

with Marine Protected Areas representative, Oceana representative, Anna Verona, and Danny Ocampo

KnP for WWF World Oceans Day

KnP for WWF World Oceans Day

All prints and portraits, including postcard versions, are sponsored by Canon Philippines. This is made possible by Tubbataha Reefs Natural park amd several MPAs. The gallery is supported by the Department of Tourism and sponsored once again, by Solaire Hotel & Casino.

Dagdag Pogi Points ‘Pag Naka-DUKE Ka; Ready To Race!

Si Mask Rider Black, si Robin Padilla, ang F4… Lahat sila gwapo. Lahat sila malakas ang appeal. Lahat sila naka-motor.

So, it is safe to assume na kapag naka-motor ka, gwapo ka.

Safe to assume, exceptions na lang yung kapitbahay mo na mahilig kumindat sayo.

KTM motorcycle manufacturers, kakabukas lang ng kanilang manufacturing plant sa Laguna Technopark. Dun ginagawa ang mga malalakas makapogi points na 200cc at 390cc na Duke.

Mga big bikes bikes ito. Pang-karera. Walang kwenta yung motor ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Mas walang sinabi yung alien breed na motor na may dalawang gulong sa harap.

KTM launches its manufacturing plant by inviting distinguished guests and the media.

KTM launches its manufacturing plant by inviting distinguished guests and the media.

KTM in Evoliving, Nuvali

KTM in Evoliving, Nuvali

KTM bikes on display. One costs around 270 thousand pesos.

KTM bikes on display. One costs around 270 thousand pesos.

This Orange KTM Bike is a baby beast, equipped with the technology to help you become Ready To Race!

This Orange KTM Bike is a baby beast, equipped with the technology to help you become Ready To Race!

Continue reading

Hindi Ako Natuwa Na Ka-DATE si Wonder Woman.

Hindi ko na-enjoy ka-date si Wonder Woman. Marami siyang red flags at nakaka-off yung ibang mga katangian niya. I have high hopes for this girl, pero nabigo ako.

Ka-date ko si Wonder Woman nung Thursday eh. June 1, first screening ng movie across the globe. Sa Glorietta 4 Cinema 3 ako nanood.

Ang usapan namin, 7pm. Ang problema, hindi ako nagising on time. Actually, 7:09 pm na ako nakabangon. So late na ako. Nagmadali na lang ako sa paliligo at pagbibihis para maabutan ko siya. Lagot na ako neto. Wala pa naman cellphone si Wonder Woman. Hindi siya marunong magtext. Patay na talaga.

Pero mali ang akala ko. Hindi man lang nagalit sa akin si Wonder Woman.

di nakaka enjoy ka-date si Wonder Woman

di nakaka enjoy ka-date si Wonder Woman

Mahilig manlatigo si Wonder Woman. Hindi ka makipagsinungaling sa kanya.

Mahilig manlatigo si Wonder Woman. Hindi ka makipagsinungaling sa kanya.

Hindi rin siya marunong tumingin ng oras. Hindi siya naniniwala sa orasan. Ewan ko, pero feeling ko, first time lang niya makakita ng relo. Ang sabi pa nga niya sakin, “You let that stupid item tell you when to do things? Do you have no balls to do what you want?”

Na-off ako dun. Taga-isla ata itong si Wonder Woman. Walang alam.

Isa pa, wala na siyang nabanggit kundi si Aries. Ewan ko, pero, mukhang mainit ata ang dugo ni Wonder Woman sa ex niya. O baka ang tito mo na si Aries, nangutang sa kanya at hindi nagbayad.

Papatayin daw niya si Aries. Pag nagawa niya daw yun, magiging ok na ang lahat.

Hindi pa ata nakaka move on si Wonder Woman sa ex niya. Ayoko sa ganyan. Baka maging panakip butas ko.

Hindi rin kumakain tong si Wonder Woman. Ang hilig pa sumigaw, tumakbo, makipag-bungguan sa mga strangers at manlatigo ng hita. Buti na lang maganda siya at hindi siya gaano pinapatulan. Pero pag nakaharap siguro siya ng katapat niya, hindi ko siya kaya protektahan.

Nung natapos yung date namin, napansin ko siya na naglabas ng laptop at nag-email sa isa pa niyang boylet na pangalan ay Bruce. Player talaga tong si Wonder Woman. Ayoko sa player.

Reserved at defensive si Wonder Woman

Reserved at defensive si Wonder Woman

always galit sa ex niya na si Aries tong si Wonder Woman

always galit sa ex niya na si Aries tong si Wonder Woman