Experience Chorale Perfection – Haraya, a send off concert – the Manila Chamber Singers

Maliit na concert venue, mailan-ilang mga bisita, libreng concert, malamig na kwarto, akala mo talaga simpleng kantahan lang ang magaganap. Kundi pa sa engrandeng lighting and sounds na nirentahan a few days ago, hindi mo aakalain na concert pala ito ng isang grupo na higit isang dekada na binuo.

Haraya, a send off concert by the Manila Chamber Singers.
July 1, 2017. Saturday.
8pm.

Excited akong pumasok a good 30 minutes before the concert started. Kilala ko ang mga miyembro. Minsan na akong umupo sa mga rehearsal nila. May time na nakakatulog ako pag malumanay ang awitin. Minsan nang napatayo ako sa sakit ng ulo nung kinanta nila ang Arcturus, isang kanta tungkol sa insomnia. May mga oras na gusto ko sumabay sa kantahan pero nahihiya ako dahil makakasira ako sa blending ng mga boses nila.

Confident din naman ako na marunong din ako kumanta. Alam ko, nasa tono ako. Hindi pa ako nasabihan na sintunado. Kilala nyo naman ang papa nyo.

Pero iba kapag kasama mo e yung mga nag-aaral talaga ng nota. Alam nila ang difference ng Re sa Mi-Flat – kahit na half note lang yun. Kaya nila mag sustain ng Sol at mag-jump from octave 1 to octave 32. Yung laru ng bibig natin pag natutulog, kaya pa nila ilagay sa tono. Pag nakakita nga sila ng ipis, hindi nakakahiya ang tili nila dahil hindi ito sintunado.

Ang gagaling nila; mga boses na may tamang tiyempo, mga salitang may tamang bigkas, may pagbilis at pagbagal na naaayon sa piyesa, at team work na makukuha lang ng araw-araw na pagpa-practice.

Handa na nga sila lumipad papuntang Singapore.

May laban sila doon next week. Dadalhin nila ang boses ng Pilipino sa isang kumpetisyon na kinabibilangan ng marami pang mga chorale. Makikipagsagutan sila ng kantahan gamit ang mga boses ng mga doktor, engineer, accountant, nurse, estudyante, ina, ama, anak, kapatid, at jowa. Kasama sa kanilang laban ang mga dasal ng mga umattend at mga hindi umattend ng concert.

They are off to sing it out, and bring home the bacon. May kasama pang smoked ham.

The full line up of the Manila Chamber Singers - Haraya

The full line up of the Manila Chamber Singers – Haraya

Good Luck sa Manila Chamber Singers!

***

The Manila Chamber Singers (MCS) is composed of students and non-professional singers from different vocations who share a passion for choral music. The group have visited numerous cities in Europe, Asia, North America and Australia,and has performed in various international and national choir festivals and competitions where they received top prized and critical acclaim. Some of the group’s notable awards and achievements in the last 10 years are:

JULY 2012
15th International Choral Kathaumixw (Powell River, British Columbia, Canada)

  • FIRST PRIZE  –  Folk and Cultural Traditions Category
  • FIRST PRIZE  –  Contemporary Choral Music Category
  • SECOND PRIZE  –  Adult Mixed Choir Category

JUNE 2011
3rd Internation Anton Bruckner Choir Competition

  • GOLD DIPLOMA  –  Musica Sacra Category
  • SILVER DIPLOMA  –  Mixed Chamber Chour Category
  • FINALIST  –  Anton Bruckner Prize

APRIL 2011
3rd Antalya International Choir Festival  (Antalya, Turkey)

  • GRAND PRIX WINNER
  • FIRST PRIZE  –  Mixed Choir Category

APRIL 2007
8th International Choir Copetition  (Bad Ischl, Salzkammergut, Austria)

  • GOLD MEDAL  –  Folksong Category
  • SILVER MEDAL  –  Mixed Choir Category
  • SPECIAL PRIZE OF THE CITY OF BAD ISCHL-  Best Folkloric Program

 

In 2013, MCS completed its first concert tour in Australia. MCS presented the Shine On! Goodwill Concert Tour from October 25 to November 12, 2013, covering the cities of Brisbane, Sydney, and Canberra.

The Choir is the organizer of two of the Philippines’ choir festival: The Colors of Worship: A Festival of Sacred Choral Music, featuring church-based choirs (since 2004) and the Manila Choral Festival (since 2007) featuring some of the Philippines’ internationally -renowned choirs.

MCS Alumni enjoyed the concert, wishes current MCS members well.

MCS Alumni enjoyed the concert, wishes current MCS members well.

Through all these efforts, MCS aims to share their passion for music and promote Filipino cuture to audiences in the Philippines and all over the world.

 

friendships inside the group. the Manila Chamber Singers

friendships inside the group. the Manila Chamber Singers

wacky ones . The Manila Chamber Singers.

wacky ones . The Manila Chamber Singers.

yes, She is Soprano One. Manila Chamber Singers

yes, She is Soprano One. Manila Chamber Singers

with Choirmaster William Lloyd Cordero

with Choirmaster William Lloyd Cordero

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *