Masakit Sa Kalooban ang LDR

I have never experienced Long Distance Relationship, o yung tinatawag nila na LDR. Hindi pa ako nag jowa ng taga-Slovenia. Hindi ako nagka girlfriend na OFW. Wala akong balak makipagrelasyon sa taga-QC. Hindi ko rin pinangarap mag work sa kabilang barangay.

Six days wala si Soprano One. Nagpunta siya ng Singapore para mag solo parts sa competition. May kantahan festival ng mga chorale dun. May pa-Chamber, pa-ensemble, at pa-Grand Prix. Hindi ko sure ang detalye, ang alam ko lang, maganda boses ng mama mo, at dinala siya ng boses niya sa ibang country.

Six days tuloy akong walang kakwentuhan sa umaga. This is the closest thing that I would have para sa LDR.

Hatid ke Soprano One sa airport.

Hatid ke Soprano One sa airport.

Buti na lang mabilis ang internet sa Singapore. Buti na lang din, friend ko si Soprano One sa FB. Buti na lang naimbento na ang video call. Buti na lang din at may Sky Cable Internet na may 8mbps sa Sta. Mesa. For just 1599 a month, you can experience fast and reliable internet, bundled with your favorite Cable TV channels brought by state of the art Sky Cable modem and Digibox.

Ang hirap pala ng LDR.

Di ka makatawag at the middle of your lunch or during your breaks para magsabj ng I miss you at ng I love you.

Di ka makapunta sa dorm niya, para sunduin siya for breakfast, bago niya simulan ang araw niya sa work.

Di ka makanakaw ng halik, at makasayaw sa pagtawid ng kalsada dahil walang ngingiti at kikiligin sa ginagawa mo. Nukha ka pang tanga.

Di ka maka-experience ng sampal, kurot, hampas, at suntok na may kasamang haplos ng pagmamahal.

Paano kaya nakatatagal ng ganito yung mga tita natin na ang mga partner sa buhay e nasa ibang bansa.

Basta ako, di ko gugustuhin to.

Kumusta nga pala ke KnP#8 ArdeePineda. Nasa Canada siya currently. Ine-enjoy ang Canada weather.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *