Ang Minimum Distance Ng Long Distance Relationship

“6 Days lang wala si Soprano One, LDR na kagad?” , yan ang bigkas nung isa kong officemate, nang minsang inistorbo niya ako sa trabaho. Nakita ata niya yung blogpost ko nung isang araw.

Well, tama nga naman siya, hindi nga inabot ng isang linggo ang pagpunta ni Soprano One sa Singapore, kung maka-LDR nga naman daw ako.

“E bakit yung isa kong friend na taga San Pedro, yung jowa niya taga Novaliches. Sabi niya, LDR na daw yun.” Hindi ako nagpatalo. “Ayun, nagbreak na tuloy sila.”

So ano nga ba ang sukatan ng LDR?
Meron bang minimum na number of days bago masabi na LDR nga kayo?
May minimum distance nga ba?

Napag-usapan tuloy namin ng kuya niyo Tonio ang tungkol dito. Konting usap lang naman. Marami kasi masyadong trabaho sa office, kahit kwentuhan, hindi namin magawa. (Binabati ko sa blog na to ang Team Leader namin na si Cheers. Hello boss. Salamat sa keychain.)

Napag-usapan namin ni Tonio na pwedeng 30 meters lang ang pagitan ng mga katawan ninyo, pero considered LDR na kayo. Pwedeng isang oras lang ang pagitan ng mga text messages ninyo, pero considered LDR na kayo. Pwedeng isang maghapon lang kayo hindi nag-usap, considered LDR na kayo.

Dahil ang LDR ay hindi sinusukat ng oras, o ng distance or location.

Oo, hindi.

E pano to sinusukat?

Baka naman sa kalandian nasusukat yan…

Nakagawa kami ng simple na graph. Hindi ko alam kung mage-gets ninyo.

LDR at Landi

LDR at Landi

Ang minimum distance ng LDR versus kaLANDIan ng jowa mo.

Ang minimum distance ng LDR versus kaLANDIan ng jowa mo.

Sabi sa figure na ito, ang minimum distance ng LDR ay inversely proportional sa kalandian ng jowa mo. Kung mas malaki ang diameter ng pantal ng kakatihan ng jowa mo, mas maliit ang minimum distance ng LDR. Kung wala naman ibang nilalandi ang jowa mo kundi ikaw lang, ang minimum distance ng LDR ay nasa kabilang globo na – tagos pa.

Pwede kang ngumiti at tumawa. Hindi seryoso yang figure na yan e. Gawa-gawa lang namin yan.

Pero aminin mo, napaisip ka. Napa-“oo nga ano?” ka.

Mabalik tayo sa seryosong sagot. Ang LDR ay nasusukat ng ano ba?

Hindi ko rin sure ang sagot.

Basta ang alam ko, ang pusong magkadikit, kahit ano pang distansya ng jowa mo, walang eldi-LDR dyan.

walang LDR sa pusong magkadikit

walang LDR sa pusong magkadikit

 

Tama naman di ba?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *