Meron Sa Tutuban Niyan! #OnlyOneTutuban

Over a month ago, the Tutuban Blogger’s challenge happened. One Thousand pesos; umikot kami ng Tutuban at bumili ng items na may theme.

Hindi na ako pupunta sa detail ng nangyari. Pero gusto ko ipakita sa inyo na sa loob ng isang buwan, nagamit ko na rin yung mga nabili ko, at kung saan ko sila ginamit. May kanya-kanyang kwento din yung items.

Hashtag #OnlyOneTutuban

Hashtag #OnlyOneTutuban

Pillars of Tutuban Mall

Pillars of Tutuban Mall.

Fun Fact: makakakita ka ng mga matitibay na pillars sa Tutuban Mall. Train station kasi talaga to, kaya hindi pwedeng malambot ang structure. Baka magiba pag dumaan ang tren.

Malinis na ang paligid ng Tutuban Center. Masaya na mag-shopping dun! Aircon pa!

Tutuban Mall, centro ng Divisoria

Tutuban Mall, centro ng Divisoria

As promised, eto yung mga items na nagustuhan ko sa Tutuban Mall.

Fidget Spinners. Sila yung mga usong-uso ngayon. Mga laruan ng millenials. Wala naman special something sa spinners na to kundi ang unlimited ikot na pwede mong gawin pag bored ka. Maikli kasi ang attention span ng mga millenials na kagaya ko. Need namin na may nangyayari parati. These Fidget spinners will take care of them.

colorful fidget spinners

colorful fidget spinners

Sa labas, ang fidget spinners ay pwede mo mabenta hanggang 120 pesos, pero sixty pesos lang siya sa Tutuban Mall. Apat ang binili ko. Binigay ko yung green sa pamangkin ko. Natuwa naman siya.

After 2 days, nawala na niya yun.

Yung red at yellow, nasa office. Yung blue, nasa asawa ng officemate ko ata. Hindi na niya binayaran, basta kumukupit ako ng food niya pag meron siyang pagkain sa station niya.

Ang ayoko sa fidget spinners, parating hinihiram ng mga friends ko. Napapalapit tuloy ako ke Lord sa kakadasal na sana, maisipan ng mga friends ko na ibalik pa yung spinners.

 

Rubber Shoes. Hindi ito yung pantakbo. Ito yung mga sapatos na gagamitin mo pag baha. Made out of rubber na akala mo, nagsuot ka ng gulong ng kotse. Comfortable naman siya dahil na-perfect na ng mga gumagawa yung generic na size at shape ng average human.

May mga edges nga lang na dapat mong i-liha para hindi magaspang. Nakakasugat pag hindi ka nag-medyas. Wag mo tong isusuot na wala kang socks habang naglalakad sa Forbes Ave. Hindi masarap sa feeling.

One hundred pesos per pair. Para sa average human.

Rain proof shoes @100pesos

Rain proof shoes @100pesos

Made out of rubber.

Made out of rubber.

Couple shirts.  Ito naman yung mga tig 70 pesos, o minsan ay 100 pesos, na couple shirt na pwede ninyo pampalit ng jowa niyo pag pinawisan kayo sa pag-iikot. Mas mura, mas mukhang dugyot.

Ok naman sila.

Kung gusto mo ng pamporma, meron yung 380 pesos for one pair. May collar na yun. Yung iba, may tatak na Nike.

Masaya ako sa nabili ko kasi kinilig naman si Soprano One. Inuwi na niya yung kanya.

Couple shirt from Jewells

Couple shirt from Jewells

Ok lang naman. Ma at Pa.

Ok lang naman. Ma at Pa.

Your best pamporma look.  O sino magaakala na galing Tutuban ang OOTD ng papa mo? Nasa nagdadala yan.

Yung long sleeves ko na akala mo e sa Uniqlo or sa H&M galing e 350 pesos sa Tutuban Mall. Yung shades, lalaban na sa 35 pesos. Yung relo, nasa 120. Yung pants, nasa 200. Basta alam mo kung san mo bibilhin, solve ka na.

The Tutuban Mall shopping experience was fun. Akalain mo, bumalik ako last week dun para bilhin yung red version ng shirt na yan. Nasuot ko na once. Nasa Instagram ko yung picture.

Nasa nagdadala yan

Nasa nagdadala yan

Masaya yung pag-shopping ko. Hassle nga lang pag ang kasama mo, matagal pumili ng mga bibilhin nila. Yung pagba-budget ang pag-aantay ang nakaka-ubos ng pasensya. Kaya ang ginawa ko, I break away from the group at sumusunod na lang ako sa meeting place after.

That way, nakakapag-picture pa ako at nakakatawad ng maayos.

Marami din food stalls dun pag nagutom ka. Favorite ko yung empanada na Chili Beef. Busog ka na dun e. Nasa Main Mall yun.

Thank you ke Ate Erika sa experience. Kita-kits tayo ulit!

Prime Block

Prime Block

Main Mall of Tutuban

Prime Block of Tutuban

Wedding Patahian

Wedding Patahian

Cosplay items

Cosplay itemsbn

 

 

 

shorts

shorts on sale

Muradito

Muradito

Shoes, shoes, shoes

Shoes, shoes, shoes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *