Bakit Trending Ang FREE Bottomless Cold Water ng Pizza Hut?

Trending ngayon ang ad ng Pizza Hut na BOTTOMLESS Cold Water. May kakaiba daw sa ad na ito. Pero sa totoo lang, hindi naman dapat siya kakaiba. Himayin natin ng kaunti dahil bukod sa pakialamero tayo, may shares ako sa Shakey’s. Walang kinalaman yun, hassle lang talaga dahil almost 10% loss ako sa Shakey’s na yan.

Also… hindi pa ako ganun ka inaantok.

Sana, pati Pag-ibig mo, bottomless!

UNA – Hindi mabilis ang service ng Pizza Hut crew. Tanggap ko na kapag kumaway ka, hindi kaagad lumalapit ang mga Pizza Hut crew sa table mo. Hindi kasi siya parang fine dining na parating may nakaabang na waiter na naka-wait sa bawat area o bawat table. Ang crew ng Pizza Hut, roving yan. Puro pa-cute yang mga yan. Kung ako, magtatrabaho sa restaurant, sa Pizza Hut ako mag-aapply.

PANGALAWA – May WATER CRISIS sa Manila. Oo! Ang tubig sa amin, humihinto ng 9am at bumabalik ng 330pm. Parang nanonood din ng stock market ang water supply. Hassle talaga. Pero dahil sa UNLIMITED and FREE Cold Water ng Pizza Hut, pwede ka nang magtoothbrush at tiisin ang pangingilo ng ngipin mo. Pwede ka na rin maligo na parang nag a-ice bucket challege.

PANGATLO – Dati na raw yang free na yan. Gusto lang i-stress ng PIZZA HUT, dahil meron daw silang ilalabas na sobrang anghang sa menu nila. Pizza Hut Philippines to ha, sanay sa maanghang ang mga tao dito lalo na yung mga taga Bicol. Siguro, maglalabas sila ng Pizza na imbes na tomato sauce yung base, e Siracha ang gagamitin. O di kaya naman, may mga landmines sa Pizza na parang ang naglatag ng boodle fight e si Sir Galza.

Basta ako, aabangan ko ang susunod na ad ng Pizza Hut sa kanilang Facebook Page.

Pizza Hut, baka naman!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *