Yung pinsan ng kaopisina ko, magdadalawang taon na in a few weeks. Ang latest na skill niya ay mag-mimic ng sounds ng hayop. Hindi ko sure kung nakarating na siya sa zoo o tinuturuan lang siya ng mga kapatid niya. Ang problema lang daw, masyadong matipid sumagot. “Aw” lang daw ang sabi ng dog, hindi “Aw aw”. “Ngiyaw” lang daw ang sabi ng cat, at hindi “meow meow”.
Napaisip tuloy ako.
San ba nakadepende ang mga tunog ng hayop? Paano sila mara-rank? Nasa haba ba ng nguso o sa dami ng paa?
Subukan natin i-describe ang mga hayop base sa kanilang mga tunog.

awfully Pinakamagaling na salesman ang BAKA.
Sa haba ng kanilang MOOOOOO, magiging ka-kumpitensiya sila ng magbabalot. Malupit at malakas yun. Minsan, walang ibon sa palayan dahil naiingayan sila sa tunog ng baka. O baka naman hindi nila gusto bumili ng balot. At any rate, baka ang pinakamagaling magbenta. As a matter of fact, may chocolate drink na ang pangalan ay Moo.
http://rmrestaurant.co.uk/drinks-list/itemlist/user/990-2020-08-21-21-28-31 Pinakamalambing ang PUSA.
Mga pussy talaga, mapapaakit ka. Kaya nga nahahalintulad ang tunog ng pusa sa iyak ng bata. Naging theatrical play / musical pa nga ang Cats dahil nakakaakit ang pag Meow ng mga pusa. Minsan, may kasama pang pagkiskis ng balahibo sa binti ang mga pusa kasabay ng pag-ngiyaw nila.
Pinakanakaaasar ang KAMBING.
Nang-aasar talaga sila. Parang sinsabi nila na, buti nga sayo, yan ang napala mo, malandi ka kasi. O kaya naman, pinaparating nila sayo na – korni ang joke mo at wala kang kwentang blogger. Meeeeh. Mediocre ka lang. There is nothing special about you. Sabayan pa ng curly eyelash at mahabang balbas, nakakaasar talagang tunay ang mga kambing.
Mayabang ang MANOK.
Hindi ka makakarinig ng tilaok na mahina. Parati yang malakas, pasigaw, at nanggigising sa madaling araw. “Tiktilaok!”
Makulit ang ASO.
Hindi ka makakarinig ng aso na kung tumahol ay isa lang. “Aw” ay kadalasang may kasunod na “Grrrr”, bago ang kasunod na “Aw, aw!” Parati pang nakatapat sa tinatahulang nila ang nguso nila. Hindi sila tumatahol na nakatagilid ang mukha sayo. May kasamang eye contact at amuy-amoy ang lahat ng “Aw aw” ng mga aso.
Pinakamakulit ang IBON.
Kung nakukulitan ka na sa “Aw aw”, mas makukulitan ka sa “Twit twit twit twit”. Kasabay ng hampas ng pakpak nila ang pagbigkas nila ng twit twit. Hindi ka makakarinig ng isang twit. Parati yang may multiplier at exponential. I dare you, bilangin ang twit twit ng ibong pipit.
Ayaw ng AHAS ng maingay.
Sabi niya.. “Ssssssss.”

Yan, may listahan na ako. Ituturo ko na to ke Sydney. Abangan niyo kami sa tiktok.
Babay.