Monthly Archives: March 2020

Maraming Salamat sa Serbisyo, Teddy.

Pakilala ko lang sa inyo, malamang nabanggit ko na to sa blog ng ilang beses pero baka hindi pa.

Siya si Teddy. Hindi lahat ng Teddy ay bear. Si Teddy namin ay isang dog.

Cross siya ng shitzu at japanese spitz. Baby pa siya nung dumating sa amin. Regalo ng dating jowa ng pinsan ko nung sila pa. College pa lang si pinsan nun, so mga 8 years ago? Hindi ako sigurado sa timeline.

Nung naaalagaan pa siya ng mabuti, umaakyat yun at pumapasok sa kwarto ko pag gabi. Dun siya natutulog nang nakatapat sa electric fan. Amoy aso tuloy ang kwarto ko.

Nung naghiwalay si pinsan at yung college jowa niya, at lumipat na rin ng bahay, naiwan dito sa bahay si Teddy. Wala naman akong husay sa pag-aalaga ng aso kaya naitabi si Teddy sa likod bahay. Hinahatiran siya ng tira tirang pagkain dun araw-araw. Hindi na rin siya napapaliguan. Minsan, may mga bisita siyang pusa at daga na nakikipag-agawan sa pagkain niya.

Dumating nga ang Ondoy at hindi namin nailikas si Teddy. Buti na lang, hindi siya nakatali sa lugar niya at nakagawa siya ng paraan para makaakyat sa isa sa mga hidden aparador sa lugar niya. Teddy is a survivor.

Dala ng katandaan, nabulag na yung isang mata ni Teddy. Humina na ang tahol. Nakakakilala pa naman siya pero kailangan na namin siya i-surrender dahil hindi na namin siya maaalagaan. Naglilipat na kasi kami ng bahay at maliit na yung lilipatan namin.

Nagpunta kami ng dad ko sa Vitas para i-surrender si Teddy last Monday. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak pero hindi ako nagtagumpay. Hindi kasi ako naging fair na amo para sa kanya. Hindi ako nagpaligo, minsan lang ako magpakain, hindi ko man lang naipasyal.

Sobrang nagso-sorry ako sa kanya. Sana, naging mas mahusay akong amo.

Sa susunod, kung may susunod pa, gagalingan ko mag-alaga ng aso. Tuturuan ko siya ng tatlong tricks; bark, beg, at play dead. Paliliguan ko at ipapasyal.

Maraming salamat Teddy. Maraming salamat sa serbisyo mo. Mami-miss ka namin.

Teddy , hanggang sa muli
Matikas pa rin si Teddy kahit papalayo na siya sa amin

Update: Dumaan sa bahay nung Wednesday ang mga taga Vitas para kunin yun si Teddy. Isang trailer sila kung magkahot. Nasa isandosenang aso din yung hinahakot nila nun araw na yun. May mga malalaking aso sa trailer nila, malalakas pa yung iba. Kaso, lahat nung aso, tahimik. Walang tumatahol. Parang alam nila na dadalhin na sila sa end of life care para sa mga hayop. At least, sa huling mga buhay nila, makikilala nila si Teddy. All dogs go to heaven.

The Gengki Sushi Experience – What To Expect!

Naku ka! si Soprano One, nakapanood ng Gengki Sushi – Order everything on the menu ng DoLaiNab. Inabot ng 27k ata yung bill nila. Nag-crave tuloy siya ng masarap na Maki. At dahil sweldo naman, go na kami.

Ang problema, hindi namin kaya ang 27k bill nila. Hanggang 26k lang ang budget ko. Napasugod tuloy kami na kulang ang bala.

Pagpasok namin ng store, sakto na may paalis na isang pamilya. Nasa walong tao ata yun. Sakto dahil napaupo agad kami dun sa side na overlooking ng St Francis. Maraming kotse pero dahil gabi na, nagmistulang selfie mirror yung overlooking glass nila. Na enjot ni SydneySanggol yung paglingon niya e kita niya agad ang case ng KnpTV.

Dumating yung isang waitress na nagtanong kung first time namin. Proudly sinabi ko na oo, first time. Nag Cebu Pac Flight Stewardess mode ang waitress mo. Mabilis na nagdiscuss ng mga gagawin para umorder. Sayang nga, hindi ko na-video. Nakinig kasi ako ng mabuti para alam ko ang gagawin.

Para ka lang naglalaro ng iPad. Order ka neto, lagay mo sa train – then Go. Kung kasama mo ang baby ninyo, wag mo ilalapit sa iPad. Magpipindot siya ng kung anu-ano. May darating na pagkain na hindi ninyo ineexpect habang nagtitimpla ka ng macha tea mo mula sa gripo na naglalabas ng hot water.

Una, umorder kami ng appetizer. Hindi ko alam kung ano ang tawag pero parang jelly siya na ang sahog ay crabsticks. Malambot. Nagustuhan ni SydneySanggol.

Then, umorder ako ng sashimi. Staple ko yun pag ganun na restaurant. Masarap siya. Nothing special. Wala rin espesyal sa kikoman at wasabi nila. Hindi ako nakahingi ng kalamansi, nakalimutan ko.

Umorder si Soprano One ng crunchy salmon maki na medyo maanghang. 3 pieces yun nung dumating; tig-isa kaming tatlo. Nagustuhan ni SydneySanggol yun dahil nabigyan siya ng baby set plates na hindi namin hiningi. Alert ang mga waiter sa Gengki Sushi. Nakafocus sila sa convenience ng mga kumakain. Kudos sa kanila.

Then, may Gyudon na dumating. Masarap pero nothing notable. Ok na siya.

Nag bill out na kami. pipindutin mo lang din naman sa screen yun pag mag bill out ka na.

Nung dumating yung waitress na dala yung lalagyan ng check, kasabay na dumating ang isang train. May order pala na hindi namin alam na na-punch. Pero dahil andyan na, at nakakahiya na magdispute pa, kinuha na rin namin. Hindi naman namin mapintasan dahil masarap na Tuna Gunkan yun. Dalawang piraso. Feeling ko, dahil napaglaruan ni SydneySanggol yung iPad nung minsan na nalingat kami.

Dapat talaga, less than 1k lang ang bill namin.

Ang totoo, nasa 1k plus lang ang bill namin. Na-control namin ng maigi ang sarili namin. To compensate, nag-food court na lang kami after. Maganda nga nga pala ang ambiance ng food court sa SM Megamall. Hindi na siya mukhang tambayan ng nagka-cutting classes.