Monthly Archives: May 2020

A Second Analogy To The “One Franchise = Multiple Frequency” Practice

Naku! Na-boljak tayo ng mga pumasa sa board exam. Wala daw tayo alam kundi ang magmahal.

Hindi daw dapat kinukumpara ang Frequency ng Telecoms sa Bus sa EDSA. Kaya daw magkaiba ang nagiissue ng franchise (LTRFB at DICT) ay dahil magkaiba daw sila ng sitwasyon. Tama nga naman siguro.

Nagpaalam ako ke Jonathan Jacob para sa picture na to.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2981206238633155&set=a.112102498876891&type=3&theater

Pero dahil makulit ako kagaya ng manliligaw niyong panget nung Highschool, Try natin ulit.

The game is changing. Yung dati; 1 Frequency – 1 Channel. Parang nung panahon ng Kastila na naka-kalesa sila. Isang kalesa, hanggang dalawa lang ang sakay, nakasama na dun yung mga pinamalengke mo sa Quiapo. Ganun yung lola ko dati. Trip niya mamalengke sa Quiapo ng mga hipon after niya magsimba. At kahit may Owner-Type jeep na kami, sumasakay pa rin siya sa kalesa. Suki kasi siya nun.

Ngayon, pwede na daw yung 1 Frequency – Multiple Channels.
Kaya pala mahiwagang blackbox ang gamit. Na-mumultiply niya pala ang income ng big network kahit na single franchise lang sila. Yan ang tularan natin – innovative.

Mabalik tayo sa biyahen Quiapo. Nagkaroon na ng Quiapo – Pasig Jeep na dumadaan sa amin. Mas marami na silang sakay kahit iisa lang ang driver. Meron Shaman Kings at Shampoo-an. Nag-iba na rin ang technology nila. Mas malupit na yung horsepower nila, di kagaya ng kalesa natin na single horse lang.

So eto si kuya hinete ng kalesa. May Franchise siya ng pagpapatakbo ng kalesa from Quiapo to Sta. Mesa which is valid for 25 years. Dahil masyado siyang mahusay at nakabili siya ng Tren na mas malupit pa sa Bus at Jeep, pero ang gusto niya ay ma-renew lang ang Franchise niya na pangkalesa. I think unfair yun para dun sa mga nagkakalesa na nakapag-upgrade lang into Angkas at Joyride.

So ano ang point?

Hindi natin ma-renew yung 25 year old Franchise dahil the game has changed.

Sino dapat kumilos?

Aba, itanong niyo dun sa Committee leader ng mga Franchise sa Congress. Kaso, wala ata siya Quarantine Pass dahil Senior na siya. At trip niya pa rin sumakay sa kalesa.

Babalik na ako sa panonood ng Fliptop. Angal pa kayo, baka magbago pa analogy ko.

The “One Franchise = Multiple Frequency” Practice

Mainit talaga sa akin tong topic na to. Galit lang talaga ako sa mga LOYAL DAW, pero may iba naman pala.

Mabilis na disclaimer; wala po ako paki kung galit si Tatay Digs sa ABS-CBN, gusto ko lang ma-call out ang practice na to at kung paano tayo nagkakaproblema.

Pansinin nyo muna ang sample na pictures na nakita ko nung nag-Google ako about KAMBAL BUS.

Wala naman problema para sa commuters. Mas ok nga sa kanila dahil pag mas maraming bus, mas maraming pwede masakyan. Pag na-late ka sa oras ng alis ng bus, andyan kaagad yung mga kasunod na bus dahil may mga kakambal ang buses nila.

Pero akala mo lang yun.

Ang nagiging problema sa commuters, dumodoble o tumitriple ang dami ng bus sa EDSA. Alam ng gobyerno at ng MMDA ang capacity ng EDSA. Iilan lang ang bus na pwede dumaan dyan. Nasa isip ng MMDA e sakto lang ang mga bilang ng bus – kasi nga – sakto lang ang bilang ng mga NAGBABAYAD NG FRANCHISE.

E ang kaso, gahaman ang mga negosyante.

Naglalabas sila ng mga KAMBAL BUS, para onti lang ang franchise, pero doble ang kita.

Ganun din ang argumento ko sa kaso ng Franchise ng Big Networks natin. Isang franchise lang meron ang ABS-CBN Network, pero andami ng channels nila. Bilangin mo na lang sa TV Plus mo, parang nasa sampu ata ang nawalang channel dahil nag-expire ang nag-iisa nilang franchise.

Hindi lusot ang GMA Network dito. Kanina lang, nahuli ko sila, yung broadcast nila sa GMA7 at sa GNTV nila, iisa. Sayang ang frequency kung duplicate naman ang content. Parang pinirata mo lang ang Fliptop.

Traffic sa EDSA, oo, isa na dun e yung sobrang daming bus na kumaKAMBAL. Kung umaangal ka dahil sa trapik ang EDSA, pero hindi ka umaangal dahil sa multiple frequency practice ng ABS-CBN, baka kailangan mo muna manood ng Fliptop.

The Problems of ABS-CBN Franchise and How I Understand it.

Well, nagbabasa lang po ako at pinipilit kong intindihin ang komplikasyon ng makitid kong utak na walang alam kundi ang magmahal.

Belfort UNANG PROBLEMA. Sila ay gahaman. Yung Franchise nila ay in PLURALITY. Parang ang ginawa nilang papeles is; 1 franchise = 17 broadcasts. Dapat kasi, 1 franchise = 1 broadcast. Obvious to dahil nung nag-expire yung franchise nila kahapon, forced to close ang lahat ng open channels nila; yung main channel, yung news channel, sports, pati radio na FM at AM radio nila. Masyado kasi sila matalino kaya ganyan ginawa nila. Di ko alam, pero baka tamad lang yung mga nagtrabaho 25 years ago kaya franchise in plurality na lang ang ginawa.

Curchorem PANGALAWANG PROBLEMA. Tamad sila. Simple lang ang solusyon kung tatanggapin nila na problema nga ang sinabi ko sa taas, magaapply lang sila ng isang franchise sa bawat broadcast channel nila. Ang kaso, masyado daw magastos yun. Magastos sa tao. Magastos sa oras. Hindi daw sila ganun kayaman.

http://ndapak.com/metro-cash-carry-karachi/ PANGATLONG PROBLEMA. Nakaharang sila. Cause of traffic yung 1 franchise with too many channels nila. Kung iisipin mo nga, sila ang dahilan ng mabagal na internet sa Pilipinas. Biruin mo, yung frequency na sinasakop nila gamit ang isang franchise lang, anlaki na nun. Para silang Ten Wheeler truck na pumapasok sa eskinita ng Meycauayan, Bulacan. Grabehan yan ha.

Tanggapin na natin, sarado na ang ABS-CBN for now. Wag natin aasahan na pag na-approve ang franchise nila, lahat ng channels nila e magbubukas. Parang COVID-19 solusyon at New Normal ang mangyayari. Unang magbubukas ang main channel nila dahil mag-aapply sila ng franchise para dito. Susuno ang News, then ang radio. Last na nila bubuksan ang Sports dahil wala naman basketball games ngayon. Puro replay lang ang pinalalabas dun.

Imagine, replay na lang – hinohoard pa nila ang frequencies. Sana pinatay na lang nila ang channel na yun para lumuwag ang airwaves at makatulong sa internet ng mga naka Work from Home.

Sorry, medyo tekkie, pero ganun talaga.