A Second Analogy To The “One Franchise = Multiple Frequency” Practice

Naku! Na-boljak tayo ng mga pumasa sa board exam. Wala daw tayo alam kundi ang magmahal.

Hindi daw dapat kinukumpara ang Frequency ng Telecoms sa Bus sa EDSA. Kaya daw magkaiba ang nagiissue ng franchise (LTRFB at DICT) ay dahil magkaiba daw sila ng sitwasyon. Tama nga naman siguro.

Nagpaalam ako ke Jonathan Jacob para sa picture na to.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2981206238633155&set=a.112102498876891&type=3&theater

Pero dahil makulit ako kagaya ng manliligaw niyong panget nung Highschool, Try natin ulit.

The game is changing. Yung dati; 1 Frequency – 1 Channel. Parang nung panahon ng Kastila na naka-kalesa sila. Isang kalesa, hanggang dalawa lang ang sakay, nakasama na dun yung mga pinamalengke mo sa Quiapo. Ganun yung lola ko dati. Trip niya mamalengke sa Quiapo ng mga hipon after niya magsimba. At kahit may Owner-Type jeep na kami, sumasakay pa rin siya sa kalesa. Suki kasi siya nun.

Ngayon, pwede na daw yung 1 Frequency – Multiple Channels.
Kaya pala mahiwagang blackbox ang gamit. Na-mumultiply niya pala ang income ng big network kahit na single franchise lang sila. Yan ang tularan natin – innovative.

Mabalik tayo sa biyahen Quiapo. Nagkaroon na ng Quiapo – Pasig Jeep na dumadaan sa amin. Mas marami na silang sakay kahit iisa lang ang driver. Meron Shaman Kings at Shampoo-an. Nag-iba na rin ang technology nila. Mas malupit na yung horsepower nila, di kagaya ng kalesa natin na single horse lang.

So eto si kuya hinete ng kalesa. May Franchise siya ng pagpapatakbo ng kalesa from Quiapo to Sta. Mesa which is valid for 25 years. Dahil masyado siyang mahusay at nakabili siya ng Tren na mas malupit pa sa Bus at Jeep, pero ang gusto niya ay ma-renew lang ang Franchise niya na pangkalesa. I think unfair yun para dun sa mga nagkakalesa na nakapag-upgrade lang into Angkas at Joyride.

So ano ang point?

Hindi natin ma-renew yung 25 year old Franchise dahil the game has changed.

Sino dapat kumilos?

Aba, itanong niyo dun sa Committee leader ng mga Franchise sa Congress. Kaso, wala ata siya Quarantine Pass dahil Senior na siya. At trip niya pa rin sumakay sa kalesa.

Babalik na ako sa panonood ng Fliptop. Angal pa kayo, baka magbago pa analogy ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *