Ang webpage na ito ay mina-manage ni Joseph Paulo “JP” de Leon. Ang ika-LIMA sa mga Kampeon Ng Pag-ibig.
Idolo niya si Mario Mario. Ang tuberong ginagawa ang lahat para sa Pag-ibig. Kahit na ilang pagong ang kanyang kalabanin. Kahit na gaano kalaki o kaliit ang kanyang mga makaharap. Kahit isang buong pamilya ng mga kupal (koopa) ang kanyang makahalubilo. Kahit na iba’t ibang mundo pa ang kanyang suungin. Sa lupa man o sa himpapawid, malayo man o malalim, umaga man o gabi, wala siyang ibang gagawin kundi iligtas ang kanyang pinakamamahal: si Princess Toadstool.
Si JP ay kilala rin sa palayaw na “promking” kapag online games na ang pinag-uusapan. Kilala rin siya bilang si “maxterspade12ph” kung sa chat naman o sa forums ang talakayan. Marami rin tumatawag sa kanyang “tanga”, “bobo”, “gago”, o minsan naman “bading”. Pero wala siyang pakialam.
Para kay JP, may dalawang rason lang kung bakit ka nagkukwento: una (1) gusto mong maniwala ang kausap mo sa sinasabi mo, o pangalawa (2) gusto mong maniwala ang sarili mo sa sinasabi mo. Ang mundong ito ay hindi mage-exist kung hindi natin gugustuhing mag-exist.
Isa lang ang hiling ni JP; ang maunawaan ng tao kung paano maging Jesus-like, bago maunawaan ng tao kung paano maging God-like.

Manila Time




