About KnP

Ang webpage na ito ay mina-manage ni Joseph Paulo “Pepi” de Leon. Ang ika-LIMA sa mga Kampeon Ng Pag-ibig.

Idolo niya si Mario Mario. Ang tuberong ginagawa ang lahat para sa Pag-ibig. Kahit na ilang pagong ang kanyang kalabanin. Kahit na gaano kalaki o kaliit ang kanyang mga makaharap. Kahit isang buong pamilya ng mga kupal (koopa) ang kanyang makahalubilo. Kahit na iba’t ibang mundo pa ang kanyang suungin. Sa lupa man o sa himpapawid, malayo man o malalim, umaga man o gabi, wala siyang ibang gagawin kundi iligtas ang kanyang pinakamamahal: si Princess Toadstool.

Si Pepi ay kilala rin sa palayaw na “promking” kapag online games na ang pinag-uusapan. Kilala rin siya bilang si “maxterspade12ph” kung sa chat naman o sa forums ang talakayan. Marami rin tumatawag sa kanyang “tanga”, “bobo”, “gago”, o minsan naman “bading”. Pero wala siyang pakialam.

Para kay Pepi , may dalawang rason lang kung bakit ka nagkukwento: una (1) gusto mong maniwala ang kausap mo sa sinasabi mo, o pangalawa (2) gusto mong maniwala ang sarili mo sa sinasabi mo. Ang mundong ito ay hindi mage-exist kung hindi natin gugustuhing mag-exist.

Isa lang ang hiling ni Pepi ; ang maunawaan ng tao kung paano maging Jesus-like, bago maunawaan ng tao kung paano maging God-like.

Bukod sa Kampeon Ng Pagibig .com , meron pa akong ibang mine-maintain na blog. Paki-visit na lang.

Enter your email address:


Delivered by FeedBurner