WordCamp Philippines 2010

KnP Calendar

September 2010
S M T W T F S
« Aug «-»  
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

KnP Time

KnP Groups

KnP Games


Ask Me Anything

Puso ng mga taga-GenSan

Nung nanunuod ako ng Grand Finals ng SHOWTIME kanina, mas nagustuhan ko ang performance ng Philippine Island Assasins. Pero nung ni-review ko ang performances nila sa youtube, naging iba ang pananaw ko.

Naniniwala ako, given na pareho kayo ng husay at talento, pareho ng antas at numero, tanging puso ang magbibigay sa iyo ng panalo.

Nasabi ko to dahil sa puso na dinala ng XB GenSan mula pa sa kanilang bayan papunta sa Ynares Sports Center.

Mga kampeon kayo.

Bagong presidente 2010

Sir, sa totoo lang, hindi naman ikaw ang binoto ko e. Hindi dahil sa wala akong bilib sa iyo. Hindi lang talaga nagtutugma ang priorities natin.

Ganunpaman, mas malaking porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ang pumili sa iyo. Hindi ko rin alam kung bakit, pero para sa sistema ng Demokratikong Pilipinas, wala akong magagawa na sumunod.

Mamaya, manunumpa ka na sa harap ng sambayanan. Tatanggapin mo nang tuluyan ang hamon ng panahon. Sa loob ng anim na taon, ikaw ang magmamaneho ng Bus patungo sa daang matuwid.

Sabi ng iba, pare-pareho lang naman yan. Nagbabago lang ang mukha, pero pareho naman ng gawa. Para sa akin, malaki ang pagkakaiba. Pinuno rin akong maituturing. Kadalasan, palpak din akong magdesisyon. Kung mahusay lang ako, ako sana ang nasa lugar mo ngayon.

Ang akin lang magagawa ay manumpa din sa sarili kong paraan. Sumumpa ng katapatan sa bansa pinamumunuan ng anak ng bayani. Sumumpa na tumulong sa pag-unlad ng bayan, sa sarili kong paraan.

Wala naman akong hinihiling na magarbo at espesyal. Tama na sa akin ang maayos na kalsada. maliwanag na lansangan, payapang paligid, kahandaan ng sandatahan sa panahon ng pangangailangan, at mga pagamutan kapag ako ay nagkasakit. Nariyan na yang mga yan para sa akin, pero para sa mga kapatid ko sa iba’t ibang panig ng mundo, sana nariyan rin ang mga ito para sa kanila.

Patas na laban lang ang hinihiling ko.

At alam kong kayang-kaya mo ito.

Handa ka na ba, Noynoy Aquino?

Jejemon

marami nang nagtanong at nagtangkang mag-define ng word na jejemon. Hindi na ako magtatangka pang mag-define ng salitang ito.

Bigay na lang ako ng example.

Kampeon ng mga Jejemon

@Z+33G

Ka Andres

Kahapon, habang nagliliwaliw ako sa internet, nakita ko ang sign na ito:

At syempre, nag react ang mga nagmamalinis na matatanda. Sabi nila (kasama na ata ako doon) dapat pagsabihan at pangaralan ang mga kabataan ngayon. Hindi na nila pinahahalagahan ang kabayanihan ng ating mga National Heroes.

Wala na silang kilalang mga bayani kundi sila Son Goku, Naruto, Bayani Fernando at Bayani Agbayani.

Asan na ba ang mga magulang at mga titser ng mga batang ito.

Kahit pa siguro Holiday ngayon, may pasok din ako. Double pay nga lang.

Para sa akin, tunay ka pa ring kampeon Ka Andres. Ikaw ang ulo ng Himagsikan. Ikaw at iyong mga kasamahan ang gumamit ng Pyramiding Scheme para sa ikabubuti ng bayan. (Hindi kagaya ng ibang ginagamit ang scheme na ito para magpayaman). Kung wala ka, hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang mga tao noon para mag alsa laban sa mga mananakop. Lider ang kinailangan nung panahon na iyon, at isa ka sa mga lumitaw at nanguna.

Uncle “R”

Hello po.

Hindi pa po tayo magkakilala. Ako nga po pala si promking, ang ikalima sa mga kampeon ng pagibig. Ako po ang bf ni PM.

Sila papa, ok naman daw po sila. Ang balita ko, siya daw ang naglalaba ngayon dahil injured daw ang pinky ni mama. Pero ok lang po sila sa bahay nila.

Sila PM, ok lang din. Dito po sila nagtatrabaho ng kapatid niya sa Makati. Kahit na malayo, naka-adapt na po sila sa buhay sa Maynila.

Inaasahan ko po nga pala kayo na makadalo sa lahat na mga espesyal na araw na darating. I will make sure po na maipaaabot sa inyo yung mga invitation. Kaso lang po, hindi ko nga po alam kung paano. Never pa po tayo nag-meet e.

Nagsusulat po pala kayo. Naghahatid ng balita sa mga tao sa Barrio ninyo. Pangarap ko din po makapagbahagi ng balita sa nakararami; kahit na panget na balita, basta maihayag lang. Napakaganda pong propesyon yun. Kaya nga po ngayon, sinisikap kong gumaling sa pagsulat gamit ang aking blog.

Sayang po at hindi ninyo natapos ang huling assignment ninyo. Naharang po pala kayo ng mga tauhan ng isang Jahrakal. Although dapat e may mga kasama kayong mga alagad ng batas, wala pong tumulong. Naipit pa kayo sa away ng Legion at Hellbourne. Napakadelikado rin pala ng trabaho ninyo noh?

Ganunpaman, nagpapasalamat po ako dahil sa buong tapang kayong sumugod para magawa lang ang inyong tungkulin. Hindi ko po alam kung magagawa ko rin yun kung ako ang nasa posisyon ninyo. Ngayon pa nga lang po, takot na ako magbigay ng real names dahil baka may mabangga ako. Pero kayo, basta lang maihatid ang balita na magbibigay ng kahit kaunting sinag ng pagbabago sa lugar ninyo, handa kayong sumugod.

Kahit po mabagal, unti-unti din naman pong gumagalaw ang mga tao sa lugar ninyo. Ganun din naman ang sambayanang Pilipino. Lahat gusto kayo bigyan ng hustisya, kasama ng iba pang mga manunulat, civilian at kababaihan.

Bayani po kayong maituturing. Tunay po kayong kampeon.