|
|
Busy ako sa trabaho, nakaupo ako araw-araw sa harap ng aking monitor. Nagku-query ako ng mga open cases at pilit na niri-resolba ang mga hindi kayang ma-close ng mga agents. Ganun ang trabaho ko bilang isang Rework Agent.
Pag minsang pupunta ako ng CR, maglalakad ako sa aisle na puro agent na nagko-calls. Bago ako makarating sa CR, may magtatanong muna sa akin at magpapatulong sa mga problema nila sa customer. Parte ng trabaho ko ang pagtulong sa mga nahihirapan. Superhero na trabaho kung maituturing, pero syempre, may kapalit na paggalang galing sa mga agents, at sweldo galing sa kumpanya. Pag alam na ng agent ang gagawin, saka lang ako makakapag-CR.
Ganyan ang trabaho ko ngayon. Masaya naman ako sa ginagawa ko. Hindi ganun kahirap dahil nakasanayan ko na. Madalas ako masigawan ng kausap ko sa telepono pero ayos lang, kasama yun sa job description ko. Kahit murahin ako ng paulit ulit sa wikang Ingles, ayos lang, di ko naman pinapansin yun gaano. Lumalabas lang sa kabilang tenga ko.
May kanya-kanya tayong hirap sa ginagawa natin ngayon. Dahil medyo magaan naman ang aking trabaho, at alam kong hindi naman kita kayang tulungan sa ginagawa mo, hayaan mo nang pangitiin ka ng mga simpleng ginagawa ko. Mga simpleng kumusta, mga simpleng hello, mga simpleng good morning at good night. Hindi naman kawalan sakin ang boses na ginagamit. Wala namang bayad ang mga salitang aking binibitawan.
Hindi mo kailangan magreply. Masaya na ako na napangiti kita.
“Kumusta? Heavy day ba?”
Bago na ang landas na tinatahak ni Junville. Hindi na namin siya kasama sa trabaho ngayon. Mas maganda at mas maayos na raw ang buhay niya. Kaya nag-imbita siya ng isang maliit na salu-salo.
Noon July pa ang birthday ni Junville. At dahil hindi siya nanlibre noon, ngayon niya naisipan na bumawi sa amin. Ang mini event/reunion na ito ay isang malaking “cheers” para sa kanya.
« Read more … »
Tapos na po ang registration for May 2010 elections. Natapos po ito nung halloween day, Oct.31.
Para sa mga nag-register, sama-sama po tayong boboto sa Mayo. Piliin po natin ang mga tamang kandidato. Para sa atin din ito. Paki-check po ang registration precint ninyo dito.
Para sa mga registered at walang planong bumoto. Please, kahit magpakita lang kayo dun, magpatala na kayo ay interesado sa halalan at kahit abstain na kayo sa lahat ng posisyon, ok lang. Holiday naman yun for sure kaya wala kayong excuse.
Para sa mga registered, may planong bumoto, pero hindi makakauwi ng Pilipinas (o ng kanyang place of registration) sa araw ng halalan, hayaan ninyo, sa susunod, maiaayos din natin ang absentee voting. Wag kayo mag-alala.
Para sa mga gustong magregister, pero hindi nakaregister, binigyan po kayo ng 365 days, kasalanan niyo na po yung kung hindi kayo nakapag register. Wag po ninyo sisihin sa Comelec.
« Read more … »
Ang iskeydyul namin sa Call Center, parang climate lang; nagche-change din. Yung dati kong schedule na 5pm-2am with Sat-Sun offs, ngayon ay 6pm-3am Fri-Sat offs na.
Buti na lang ito ang nakuha kong schedule, kesa naman iba pa. Sanay na ang katawan ko sa ganitong oras, at kahit pa rest day ko, hindi ako natutulog sa oras ng pasok ko kasi nga, ayaw ko mag reset ang body clock ko at pahirapan maka-adapt pa ulit.
 ninakaw sa flickr ang pic
Dahil sa araw ng pasok ko ngayon, hindi na naman ako makapunta sa puntod ng mga lolo ko. Sana lang hindi sila ang bumisita sa akin sa bahay. nakakatakot pa naman. Kahit na gustong-gusto ko makapunta sa Bulacan to pay my respects to my elders, eto ako ngayon, nakaupo sa harap ng computer at nagtatrabaho.
May pros din naman ang ganitong kwento ng buhay. Syempre dahil holiday, mas mataas kumpara sa normal ang sahod. meron kasi tayong tinatawag na holiday pay. Kung sa iba 100% on top of basic, yung sa iba, 30% lang. pero ko na rin yun, at least meron dagdag.
Syempre, maraming kanya-kanyang gimik din para sa mga tao na magtatrabaho sa araw ng mga patay. Yun ang mga costume party, paggawa ng mosaic na nakakatakot, at mga kwentuhan na nakakatakot. Puro takutan na lang.
So ngayon, ieenjoy ko na lang ang pagpasok. Wala din naman ako magagawa. Ipagdarasal ko na lang ng 6-decade rosary ang lahat na mga patay pag-out ko.
Suma-langit nawa ang mga kaluluwa nila.
May nabalitaan ako, sabi nila, ang pagtitig daw sa hinaharap e nakakapagpahaba ng buhay. Well, oo nga naman, kung magpapaka boy scout ka na parating handa sa kung anu man ang mangyari, sure ako na hindi ka maaksidente.
Gaya na lang ng pagcheck sa brakes ng kotse mo. Bago ka maglakbay, dapat na-check mo na yun para kahit mag out of control ka, step ka lang sa brakes, safe ka na. Andami kayang naaaksidente dahil nawalan ng brakes.
« Read more … »
|
Promking Blogs
|