Pano ba yan nanay, mukhang hanggang dito na lang. Pagpapalit ng pangulo na lang pala ang inantay mo. Hanggang sa huli, tanging kapakanan naming mga apo mo ang iniisip mo. Di bale, pag pumalpak ang kasalukuyang pangulo, andyan ka na sa langit para kausapin ang nanay at tatay niya.
Naalala ko pa noon dati. Pag paalis ako ng bahay papasok ng eskwela. Isang oras na biyahe. Dadaan muna ako sa kwarto ninyo at magpapaalam. Kahit na anong hina ng katawan mo, nakukuha mo pa rin magbigay ng kaunting paalala; “kumain ka na ba? mag-iingat ka ha..”
May mga kapalpakan ako sa eskwela. Kapalpakan sa buhay. Kadalasan tinatago ko sayo ang mga kabulastugan ko dahil alam kong magagalit ka, pero ang totoo ay alam mo naman ang mga ito. Ayaw mo lang kami pagsabihan dahil ayaw mo kaming masaktan o magtampo sayo.
Iba talaga ang pagsisilbi at pag-aaruga mo sa amin. Isama mo na ang taimtim na pagdarasal at walang humpay ng panalangin para sa aming ikabubuti. Minsan nga ay nagtataka pa ako na kabisado mo pa rin ang mga dasal kahit na malayo na ang iyong edad. Minsan nga ata, kastila pa ang binibigkas mong salita.
Paborito ko rin ang natatanging pagluluto mo ng kare-kare. Medyo nakukuha na ni mommy ang recipe mo pero hindi pa ganoon ka-pulido. Hindi ko alam kung sa sangkap o sa halo pero wala talagang makakatalo sa kare-kare mo. Hindi na nga ako umo-order ng ganun sa labas dahil nadidismaya lang ako.
Araw araw kong pinagmamasdan ang litrato mo sa aming dining area. Kasama mo pa doon ang iyong mga magulang at mga kapatid. Sigurado ako na mire-recreate nyo na ang litrato na yun.
Maraming salamat sa lahat ng pagpapakasakit mo para sa amin. Utang po namin sa inyo kung ano na kami ngayon.
Muli po, maraming salamat.
Ikinagagalak ko pong maging De Leon, gaya ng aking Lola Leonora.
Playful akong tao. Kapag trip ko sumayaw, sasayaw ako. Pag trip ko tumakbo, tatakbo ako. Yun ay dahil gusto ko at walang makapipigil sa akin.
Kung minsan, ang ganitong asal ko ang dahilan kung bakit hindi ako siniseryoso ng mga kasama ko sa trabaho. Oo nga at alam nila na may husay at galing naman ako, pero pag kagaguhan ang pinaguusapan, number 1 din ako dun.
Pag napapansin ito ng gf ko, parati niya akong pinagsasabihan. Sabi niya itigil ko na raw yung mga trip trip ko. Hindi daw ako magiging effective na leader kapag ganun ako umasal. Sabi niya rin na ilagay ko sa lugar ang kulit ko. Hindi daw kasi talaga nakakatulong.
Mahirap kasi para sa akin ito. Ever since kasi, ang paniniwala ko sa buhay, “We do not stop to play games because we get old.. We get old because we stop playing!”
. .. . .. ….
May point naman siya, wala naman ako angal don. Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga paalala niya.
Siguro nga, I need to change my ways. Matanda na tayo, hindi na dapat puro laro. Pano tayo si-seryosohin ng mga mas bata sa atin kung nag-aasal bata tayo.
Ilagay na lang natin sa lugar ang laro. Gaya ng pag-gawa ng schedule..
Haaaayy, nakakatuwa talaga si HoN.. Sana hindi na siya magalit sakin.
Nakapunta na ba kayo sa Munting Buhangin Beach Resort sa Nasugbu Batangas? Sobrang simple lang ang pagpunta doon.
Dahil wala naman akong kotse, nagcommute lang kami papunta. Eto ang step by step procedures kung pano pumunta:
1) Magpunta either sa Baclaran kalsada o sa Coastal Mall.
2) Mag-abang ng Mindanao Express na bus na biyaheng Nasugbu.
3) Sumakay at magbayad. Maglaan ng 200 pesos dahil may sasakay na nagbebenta ng burger sa may bandang Cavite.
3) Mag-antay ng halos dalawa hanggang taltong oras kapag peak hours.
4) Bumaba sa bayan ng Nasugbu, pumasok sa Jollibee para maki-CR. Pumasok na rin sa 7-11 para bumili ng kung anu-anong gustung baunin sa beach.
5) Makipagusap sa tricycle at makipagtawaran ng presyo. 200 ang going rate papunta sa Munting Buhangin. Pwede mo pababain hanggang 150.
6) Sumakay sa tricycle. Pagdating sa destinasyon, makipag-usap sa mga tao doon para makakuha ng magandang lugar.
7) Kumain, Lumangoy at mag-enjoy.
*Paalala: walang istasyon ng bus sa Buendia na diretso sa Nasugbu. Wag mo nang ipagpilitan.
Eto nga pala ang pictures namin:

Para next year, marunong ka na magpunta!