KnP Feature


Justice for Maguindanao

KnP Time

KnP Micro Blog

  • No public Plurk messages.

KnP Groups

Juddweisers in Tagaytay

Ito ang team Juddweisers:

Nagpunta kami sa Tagaytay para gawin ang mga mukhang to:

« Read more … »

Ferdilicious Team building

Di ko ugali ang mag gate crash ng mga party. Alam ko at Team building nila fespina ang naka schedule sa Sukina pero dahil nga nabalitaan ko na meron, nagpunta na rin ako.. sayang ang dala kong camera kung hindi ako pupunta.

Siya si fespina, ang lider ng grupong ferdilicious.


« Read more … »

18-days straight

Sa trabaho namin sa kolsener, pwede kang makipagpalit ng iskedyul mo sa ibang mga katrabaho mo. Kadalasan ginagawa ito kapag may biglaang lakad ka at hindi ka na-approve sa mga paga-apply mo ng leave.

At dahil may planado kaming lakad sa Sept19-24, nakipag swap ako. Sa ngayon, nasa pang 13 na araw na ako para kumpletuhin ang aking 18-days straight na trabaho. Pagsakay lang sa jeep ang pahinga ko. Hindi ko kasi ugali ang mag-absent dahil bukod sa nakakabawas ng sweldo yun, nagiging pabigat ka lang sa team pag uma-absent ka.

Saan ba kami pupunta sa ganoon kahabang araw?

Taun-taon kasi, nagbibertdey ang papi ni Hon. Ewan ko ba kung normal ang pagbibertdey taun-taon kasi ako, every after 2 years lang. Pero doon kasi sa mala-siyudad nilang probinsya, masarap mag birthday. Parang piyesta ang handaan. Always present ang litson. Hindi nawawala ang cake, at never uma-absent ang beer.

Hindi kagaya noong isang taon, sampung araw kami nagbakasyon; ngayon, mga isang linggo lang. Pero pwede na yun kasi ngayon, Ramadan Holiday at mas maganda dahil walang pasok si Papi. Pwedeng pwede kami maglamyerda.

Sure ako, masasarap na naman ang pagkain at tataba na naman ako.

Kita-kits na lang tayo ulit.

Pero ngayon, limang araw pa bago matapos ang aking 18-days straight.

Trabaho: 46 tickets

Sa wakas, dumating na rin ang pinakahihintay ko; ang makuha ang raffle tickets para manalo ng iPod Touch. At dahil isa akong performer, (sa trabaho man o sa stage) binigyan ako ng 46 tickets.

Isang campaign kasi ang pinapatakbo ng aming kumpanya para ma-motivate ang mga empleyado. Para sa akin, effective ang ganitong campaign, dahil alam mo na sa kahit na anong hirap ang ipagawa sa iyo, alam mo na may makukuha ka na higit sa iyong basic pay. Maswerte nga kami at meron pa kaming ganito, samantalang ang ibang mga kumpanya, nagtatanggalan na ng mga empleyado. Pasalamat na lang ako at hindi ako natatanggal, kahit na medyo pasaway ako minsan.

46 raffle tickets, maari ko itong ipagyabang. Madami yung 46. Yung iba sa amin, 23 lang, o kaya 19 tickets lang. Isa ako sa mga top performer kaya hindi kataka-taka na makakuha ako ng ganito karami.

Pero tandaan natin na raffle ito. Walang kwenta ang dami ng tickets mo kung hindi naman ito mabubunot. Wala naman itong kwenta kung mahahalo lang sa ibang mga ticket ng ibang tao at maiiwan sa tambiyolo. Kulang ang isipin lang na nagawa mo na ang lahat ng kaya mo. Kadalasan, kailangan mo ng higit na swerte para manalo.

Kung mabubunot ang ticket ko, edi masaya. Kung hindi naman, ok lang. Basta para sa akin, sapat na ang nagawa ko. At dahil higit pa ang nagawa ko kesa sa mga nagawa ng iba, may karapatan ako magyabang. 46 tickets yun. Hindi basta-basta.

Ipagpi-pray ko na mabunot ang napakaswerte kong pangalan. I have 46 chances of winning.

Walang imposible.

I am the best Hosting Agent.

PS.

Just got my 500 SodexHo GC. Top 3 for May.. woohoo!!