Category Archives: Definition

trying to define L-O-V-E and everything in between

Ang Minimum Distance Ng Long Distance Relationship

“6 Days lang wala si Soprano One, LDR na kagad?” , yan ang bigkas nung isa kong officemate, nang minsang inistorbo niya ako sa trabaho. Nakita ata niya yung blogpost ko nung isang araw.

Well, tama nga naman siya, hindi nga inabot ng isang linggo ang pagpunta ni Soprano One sa Singapore, kung maka-LDR nga naman daw ako.

“E bakit yung isa kong friend na taga San Pedro, yung jowa niya taga Novaliches. Sabi niya, LDR na daw yun.” Hindi ako nagpatalo. “Ayun, nagbreak na tuloy sila.”

So ano nga ba ang sukatan ng LDR?
Meron bang minimum na number of days bago masabi na LDR nga kayo?
May minimum distance nga ba?

Napag-usapan tuloy namin ng kuya niyo Tonio ang tungkol dito. Konting usap lang naman. Marami kasi masyadong trabaho sa office, kahit kwentuhan, hindi namin magawa. (Binabati ko sa blog na to ang Team Leader namin na si Cheers. Hello boss. Salamat sa keychain.)

Napag-usapan namin ni Tonio na pwedeng 30 meters lang ang pagitan ng mga katawan ninyo, pero considered LDR na kayo. Pwedeng isang oras lang ang pagitan ng mga text messages ninyo, pero considered LDR na kayo. Pwedeng isang maghapon lang kayo hindi nag-usap, considered LDR na kayo.

Dahil ang LDR ay hindi sinusukat ng oras, o ng distance or location.

Oo, hindi.

E pano to sinusukat?

Baka naman sa kalandian nasusukat yan…

Nakagawa kami ng simple na graph. Hindi ko alam kung mage-gets ninyo.

LDR at Landi

LDR at Landi

Ang minimum distance ng LDR versus kaLANDIan ng jowa mo.

Ang minimum distance ng LDR versus kaLANDIan ng jowa mo.

Sabi sa figure na ito, ang minimum distance ng LDR ay inversely proportional sa kalandian ng jowa mo. Kung mas malaki ang diameter ng pantal ng kakatihan ng jowa mo, mas maliit ang minimum distance ng LDR. Kung wala naman ibang nilalandi ang jowa mo kundi ikaw lang, ang minimum distance ng LDR ay nasa kabilang globo na – tagos pa.

Pwede kang ngumiti at tumawa. Hindi seryoso yang figure na yan e. Gawa-gawa lang namin yan.

Pero aminin mo, napaisip ka. Napa-“oo nga ano?” ka.

Mabalik tayo sa seryosong sagot. Ang LDR ay nasusukat ng ano ba?

Hindi ko rin sure ang sagot.

Basta ang alam ko, ang pusong magkadikit, kahit ano pang distansya ng jowa mo, walang eldi-LDR dyan.

walang LDR sa pusong magkadikit

walang LDR sa pusong magkadikit

 

Tama naman di ba?

 

Masakit Sa Kalooban ang LDR

I have never experienced Long Distance Relationship, o yung tinatawag nila na LDR. Hindi pa ako nag jowa ng taga-Slovenia. Hindi ako nagka girlfriend na OFW. Wala akong balak makipagrelasyon sa taga-QC. Hindi ko rin pinangarap mag work sa kabilang barangay.

Six days wala si Soprano One. Nagpunta siya ng Singapore para mag solo parts sa competition. May kantahan festival ng mga chorale dun. May pa-Chamber, pa-ensemble, at pa-Grand Prix. Hindi ko sure ang detalye, ang alam ko lang, maganda boses ng mama mo, at dinala siya ng boses niya sa ibang country.

Six days tuloy akong walang kakwentuhan sa umaga. This is the closest thing that I would have para sa LDR.

Hatid ke Soprano One sa airport.

Hatid ke Soprano One sa airport.

Buti na lang mabilis ang internet sa Singapore. Buti na lang din, friend ko si Soprano One sa FB. Buti na lang naimbento na ang video call. Buti na lang din at may Sky Cable Internet na may 8mbps sa Sta. Mesa. For just 1599 a month, you can experience fast and reliable internet, bundled with your favorite Cable TV channels brought by state of the art Sky Cable modem and Digibox.

Ang hirap pala ng LDR.

Di ka makatawag at the middle of your lunch or during your breaks para magsabj ng I miss you at ng I love you.

Di ka makapunta sa dorm niya, para sunduin siya for breakfast, bago niya simulan ang araw niya sa work.

Di ka makanakaw ng halik, at makasayaw sa pagtawid ng kalsada dahil walang ngingiti at kikiligin sa ginagawa mo. Nukha ka pang tanga.

Di ka maka-experience ng sampal, kurot, hampas, at suntok na may kasamang haplos ng pagmamahal.

Paano kaya nakatatagal ng ganito yung mga tita natin na ang mga partner sa buhay e nasa ibang bansa.

Basta ako, di ko gugustuhin to.

Kumusta nga pala ke KnP#8 ArdeePineda. Nasa Canada siya currently. Ine-enjoy ang Canada weather.

Move On Na Tayo. Wala Nang Halaga Yan!

HIndi ako takot mag move on. As a matter of fact, ang moving on phase ang paborito kong phase sa relationship cycle. 

Oo totoo. Di ako takot. Mas nakakatakot pa yung wala kang pamasahe pauwi.

Moving on phase sa relationship cycle, sa phase kasi na to, you get to do things na hindi mo akalain na magagawa mo. Sa panahon na to, yung mga bagay na hindi mo magawa, mauumpisahan mo, dahil wala nang maghohold back sayo.

  • Yung luma mong buhok, mapapa brazilian mo na.
  • Yung iniiwasan mong chicken skin, makakain mo na.
  • Yung wallet mo, mapapalitan mo na.
  • Masisimulan mo na ang kdrama na matagal mo nang gusto panoorin.
  • Makakasama ka na sa lakad ng high school friends mo.
  • Makakaattend ka na ng birthday bash ng pinsan ng kapitbahay ng high school classmate ng kuya mo na nasa province.
  • Madidiscard mo na yung wallet mo na may laman na pera naipe-phase out na sa June 30, 2017. 1985 pa nilabad ang pera na yan. Kailangan na mag move on.

Ayun na nga, dahil nga mawawalan na ng value ang mga pinanghahawakan mo, kailangan mo na sila bitawan.

Need mo magbura ng files sa 1 terrabyte mo. Wala ka naman pambili din ng bagong harddisk.

Eto yung announcement tungkol sa pera. Move on na tayo guys:

  • You have until June 30, 2017 to exchange your Old Banknote Series in banks and at any BSP regional offices and branches.
  • Beginning July 1, 2017, the Old Banknote Series will fully lose their monetary value.
  • For Overseas Filipinos:
    • Those who registered their old banknotes with the BSP via orbs•bsp•gov•ph from October 31 to December 31, 2016, can exchange these at any BSP regional offices and branches for the new banknotes within one year from registration.
    • For those in war torn countries, you can exchange your old banknotes at any BSP regional offices and branches until December 31, 2017. There is no need to register your old banknotes.

For inquiries or concerns, you may contact the Bangko Sentral ng Pilipinas at (632)708-7140 or (632)708-7701 local 2876 or email corao@bsp•gov•ph. 

Thank you. 
*This is in line with BSP Circular No. 959 and 910.


***

Amen ba mga brother?

Gathering Ng Mga Hokage Ngayong April 15-16 sa Splash Island

The world of ninjas is having a bootcamp. Aspiring shuriken users and ninjutsu wielders will gather in a secret place called the “Splash Island” this coming April 15 and 16 to learn about basic Parkour, Archery, Obstacles, and songs. Camping is not required but if you do, there will be a lot of fun.

Etchos lang yung songs. Di ko yun sure.

There is a 650 pesos over the counter fee if you want to join. Pero para sa mga may alam ng secret, 500 pesos lang siya, kung magre-register ka until April 13. You can click the link here. https://goo/gl/forms/ihzvXwTKJ4d07lW73 Continue reading