Category Archives: Kwentong Araw Araw

sumakay ako ng bus. may nakita akong pulubi, bumili ako ng payong, nothing special. just wanting to write about it.

Patawad Po.

Simula nang ma-install yung water dispensing machine sa tapat ng bahay namin, madalang na ang kumakataok sa bahay namin para mangaroling. Nakakahiya na kasi kumanta ng jinggambels habang may nag-iigib ng tubig. Kadalasan din naman, ang kinakarolingan e yung nag-iigib, at hindi na kami na nakatira sa bahay.

Dahil dito, kaunti na lang ang mga bata na hiningian ko ng tawad. Kaunti na rin yung sinasabihan ng nanay ko na “Bumalik na lang kayo sa Pasko” kahit na alam niya na wala kami sa bahay namin pag Pasko.

Kawawang mga bata, babalik sila sa bahay para sa wala.

Nakakatuwang isipin – habang papalapit ang Bagong Taon, parami nang parami ang mga hinihingian natin ng tawad. Para nga naman maluwag ang loob natin pagpasok ng year of the Metal Rat. mas madaling makausad pag walang bitbit sa balikat. Mas mabilis ang takbo pag walang kang kinakaladkad. Mas malayo ang mararating pag tipid sa gas. Mas maputi ang damit pag nilabhan sa Tide.

Metal Rat

Metal Rat

Kaya bago matapos ang taon, gusto ko humingi ng patawad sa ilang mga importanteng tao sa buhay ko;

Continue reading

Sydney, Now Showing

“sir, magdala na po kayo ng camera sa delivery room.” patapik na paggising sa akin ng nurse. Katabi ko ang nanay ko sa room 325 habang natutulog kami. Ngayon na lang ulit ako nakatulog katabi ng nanay ko, inistorbo niya pa ako.

Pero sinunod ko naman siya. Kahit hindi ko siya kilala, sumunod na lang ako.

Lampas sampung oras na rin si Soprano One sa Labor room. Five thirty na ng umaga. Six oclock pa Kagabi nung siya ay pumasok doon.

Pagdating ko sa delivery room, hinanda ko na ang sarili ko na pumasok sa kwarto. Kaso, cellphone ko lang ang pinapasok nila. Sinabihan ako na mag antay na lang sa labas.

Pagtalikod ko, nakasunod na ang mami ko. Gusto rin niya makita ang baby. Or, ayaw nya lang matulog na walang katabi…

A few minutes after, narinig ko ang iyak ng isang bata galing sa loob ng delivery room. Malakas ang pag ngawa. Kahit sound proof ang delivery room, tumatagos ang boses ng bata papunta sa tenga ng magulang. OMG, may superpowers na ako!

Walang tatlumpung segundo nung tinawag ako ulit ng nurse. Pinapasok ako, pinagbihis, pinagpalit ng tsinelas, pinaghugas ng kamay, at sinabihan na magpicture sa loob.

Ang nadampot ko na pampicture – phone ni mami. Sa sobrang exciting ng happenings kasama ang tatlong doktor at kalahating dosenang nurses, anim na photos lang nakuha ko.

Bukas, matutulog na rin ako sa kama hindi na bilang isang anak na katabi ang kanyang nanay, kundi bilang isang ama na katabi ang kanyang anak.

Teka lang, asan na yung phone na inabot ko sa nanggising sakin?

Pasalubong na Jollibee Yumburger

Naramdaman niyo na ba yung inggit? Yung nagtanong ka, bakit siya meron, ako wala? Nasan ang para sa akin? Hindi ba ako importante dito.

Malamang naramdaman na ito ng lahat ng mga may kapatid. Lalo na yung mga panganay. Kadalasan kasi, kung sino ang bunso, siya ang may pasalubong. Kung sino ang pinakamaliit, siya ang may uwing donut. Siguro kasi, sila ang may pinaka-cute na mga smile.

Nung isang gabi, nangyari ito.

Jollibee Yumburger

Jollibee Yumburger, kinuha ko sa internet yung picture. Naubos kasi agad.

Kumakain kami ng dinner. Andun ako, yung kuya ko, yung asawa niya, at si Ma.

Dumating ang nanay at tatay ko galing sa kung saan. Hindi na namin tinanong, hindi rin naman kami interesado sa mga kwentong pang organisasyon sa simbahan. Bukod sa hindi kami kasali, hindi rin naman namin maa-associate ang pangalan sa mukha.

Pero ayun na nga.

May uwing Jollibee Yumburger si Mami. Iniabot niya ke Ma.

Sabay sabi niya, “Para sa beybi”.

Hindi alam ni ma ang sasabihin at irereact. Napangiti na lang siya. Isang masayang ngiti.

Yung pakiramdam na inggit, hindi ko naramdaman this time. Natuwa ako. Dahil inaccept ng nanay ko na may parating na beybi.

I am sure, nakangiti si beybi dahil natanggap niya ang una niyang pasalubong; isang Jollibee Yumburger.

Millenials Get Hurt Pag Ginawa Mo Sa Kanila Ito

Panahon na ng mga millenials. Makabago na, at kung may kagalit kang millenial, dapat alam mo kung ano ang nakaka-hurt sa kanya.

Na-Hurt ako dun ah

Na-Hurt ako dun ah

Nakikinig ako kagabi ke Papa Jackson at Kuya Chico sa 106.7 kagabi. Para sa hindi nakakaalam, nasa Energy FM na po yung dalawa. Si Papa Jackson yung dating Papa Jack ng Love Radio. Si Kuya Chico naman yung dating Chico Loco ng Yes FM! Kinupkop na sila ng Strata 2000 at ni Mam Becca.

Isa sa mga caller ni Papa Jackson e may problema dun sa jowa niya. LDR daw kasi sila. Alam mo naman sa LDR, precious ang bawat line ng communication; at ang pinakamurang line of communication ay ang Facebook.

Kaya naman ang reklamo nung caller e yung jowa niya na kada na lang mag-aaway sila ay hindi lang siya ina-unfriend, bina-block pa. Dahil nga LDR sila, hindi mapuntahan ni kuya ang kanyang jowa. Kapag ganito, kung anu-ano ang pumapasok sa isip mo dahil feeling mo, nabura na sa mundo mo ang jowa mo. Walang trace ng pictures, walang pasts, walang daily photos. Hindi mo na alam ang likes niya, ang common friends niyo, at kung bakat pa rin ang nipple niya sa kanyang swimsuit attire nung summer of 2014.

Burado na siya sa mundo.

Well, sa mundo mo… Dahil nga, naka-block ka!

Gagawa ka tuloy ng 2nd Facebook account para lang makapag-stalk, malaman mo kung totoo nga o bangungot lang na wala na siya. Mas mahu-hurt ka. Sasaktan mo ang sarili mo. Para sa akin, ito ang modern day laslas.

Hahaba pa to.

Pero ang punto ko dito, di ba na-hurt ka kapag ina-unfriend ka? Mas malalim pa ang sugat pag naka-block ka.

Ganyan saktan ang mga millenials. Yung pinsan ko na walang Facebook, walang paki-alam kung iba-block mo siya. Sa kanya kasi, naka-block na kayong lahat bago mo pa siya ma-block.

Sa susunod na may kaaway ako, hindi ako maglalabas ng kutsilyo na parang nakainom lang sa kanto ng Barangay 360, Sta. Cruz, Manila. Sasabihin ko na lang, “Ia-UNFRIEND KITA SA FACEBOOK!”

Mahu-hurt yun, pramis!

Dahil magiging 4,394 na lang ang Facebook friends niya.