Category Archives: La Pamilya

you seldom talk about your family, because offline life should be different from online life. but sometimes, you should.

Sydney, Now Showing

“sir, magdala na po kayo ng camera sa delivery room.” patapik na paggising sa akin ng nurse. Katabi ko ang nanay ko sa room 325 habang natutulog kami. Ngayon na lang ulit ako nakatulog katabi ng nanay ko, inistorbo niya pa ako.

Pero sinunod ko naman siya. Kahit hindi ko siya kilala, sumunod na lang ako.

Lampas sampung oras na rin si Soprano One sa Labor room. Five thirty na ng umaga. Six oclock pa Kagabi nung siya ay pumasok doon.

Pagdating ko sa delivery room, hinanda ko na ang sarili ko na pumasok sa kwarto. Kaso, cellphone ko lang ang pinapasok nila. Sinabihan ako na mag antay na lang sa labas.

Pagtalikod ko, nakasunod na ang mami ko. Gusto rin niya makita ang baby. Or, ayaw nya lang matulog na walang katabi…

A few minutes after, narinig ko ang iyak ng isang bata galing sa loob ng delivery room. Malakas ang pag ngawa. Kahit sound proof ang delivery room, tumatagos ang boses ng bata papunta sa tenga ng magulang. OMG, may superpowers na ako!

Walang tatlumpung segundo nung tinawag ako ulit ng nurse. Pinapasok ako, pinagbihis, pinagpalit ng tsinelas, pinaghugas ng kamay, at sinabihan na magpicture sa loob.

Ang nadampot ko na pampicture – phone ni mami. Sa sobrang exciting ng happenings kasama ang tatlong doktor at kalahating dosenang nurses, anim na photos lang nakuha ko.

Bukas, matutulog na rin ako sa kama hindi na bilang isang anak na katabi ang kanyang nanay, kundi bilang isang ama na katabi ang kanyang anak.

Teka lang, asan na yung phone na inabot ko sa nanggising sakin?

Camp Magsaysay in Laur, Nueva Ecija. What To Do? What To See?

We arrived sa lugar ng mga 10am. Pagdating namin sa gate, hinarang kami ng mga sundalo para sa routine checkpoint. Buti na lang, andun kaagad  ang escort namin.

We decided to wait for team B and team C to arrive bago kami pumasok sa compound. There is safety in numbers. We took pictures while waiting.

Fort Magsaysay entrance arch. Tanggaling mo helmet mo pagpapasok ka.

Fort Magsaysay entrance arch. Tanggaling mo helmet mo pagpapasok ka.

This is a Military Camp.

This is a Military Camp.

Media Center entrance

Media Center entrance

The place is called Camp Magsaysay. Located in Laur, Nueva Ecija, it was once the place for Solitary Confinement for Jose Pepe Diokno and Ninoy Aquino for at least a month. At other times, it servers as the base camp for the military for our forces up north.

This wall has many truths. Sa likod ng Martial Law.

This wall has many truths. Sa likod ng Martial Law.

Jose Pepe Diokno in his Solitary Confinement

Jose Pepe Diokno in his Solitary Confinement

with Ninoy Aquino in his Solitary Confinement

with Ninoy Aquino in his Solitary Confinement

More facts about the solitary confinement during Martial Law.

More facts about the solitary confinement during Martial Law.

Camp Magsaysay is actually a military camp/park. May simbahan sa loob. May naka-display na cannons para sa picture-taking. They also have a hangar para sa small planes in case need mag travel ng mabilis o magbagsak ng cloudseed to force the rains to drop.

Pag komplikado ang problema, parang relong madie in Japan. Elesi.

Pag komplikado ang problema, parang relong madie in Japan. Elesi.

Ang reason bat ako nandun? birthday kasi ng tito ko. I don’t know what he does really. Ang alam ko lang, sumasaludo sa kanya ang lahat ng andun. Our mini gathering was also graced by their Gwapo Band; an all-soldier combo that plays various music genre. Magaling sila in fairness.

Gwapo Band of 7th Infantry Division

Gwapo Band of 7th Infantry Division

We ate a lot. Naki-share kami sa pagkain ng sundalo. Nakakabusog talaga.

Fruits. Hindi ko na ipo-post yung mga pampabata na pagkain. Yung healthy na lang.

Fruits. Hindi ko na ipo-post yung mga pampabata na pagkain. Yung healthy na lang.

Pose it, Post it, Pusit

Pose it, Post it, Pusit

these pamangkins thought i was just 15 years old. how cute.

these pamangkins thought i was just 15 years old. how cute.

I encourage you all to visit the place. A lot has to be learned about the protectors of our land, and also, Martial Law.

 

Day 4 sa Harvard

Ito ay kwento ng pinsan ko na nagdo-Doctorate ngayon sa Harvard. Repost ko lang para sa mga clueless tungkol  sa buhay ng mga tao sa distinguished school na ito.

Day 4 sa Harvard. Intense. Bawal ang tanga sa klase. Bawal ang hindi handa. Hindi sapat na binasa mo lang. Dapat may quotable quote ka. Dapat maiilink mo sa iba pang mga readings. Dapat may critique ka. Pag sinabing Bourdieu, dapat kilala mo. Pag sinabing Hegel, dapat kilala mo. Pag sinabing Derrida, dapat kilala mo. At makakapag-quote ka. Yung tipong verbatim. Sa original language.

Yung mga guro, grabe. Walang gray areas. Yung tipong “Ganito ang sinabi ni Professor so-and-so. Mali siya. Basahin ninyo ang kritisismo ko sa sinulat niya.”

Sa bawat dalawang oras na klase, mga limang oras kang maghahanda. At ang mga guro, walang pasabi. Bigla na lang magpa-Frances. Bigla na lang mag-a-Aleman. Bigla na lang mangangastila. Pasensya ka kung hindi mo maintindihan. Bahala kang mag-research. Nag-discuss kanina ng teyorya. In French. Tapos halfway through, biglang banat, “Hindi ko na i-Inglesin, naintindihan ninyo naman na.” Buti na lang, nakapagkape ako at medyo malinaw at nakaupo ako sa harapan. Otherwise, sabaw.

Kaya kapag umuuwi ako, diretso sa kama kaagad para umidlip sandali. Kahapon, 6:00 PM na ako umuwi. Umidlip “sandali.” Pagkagising ko, 3:00 AM na, hindi ko pa nababasa yung assignment.

At Day 4 pa lang. LOL.

#FightLang #ParaSaEkonomiyaNgBansa

Harvard Library

Harvard Libary

*hinatak mula  sa FB status ng pinsan kong si MJ Sales. –

#LetDadKnow

“Palamuti na lang ba ako dito?”

NOT the exact words na binanggit ng tatay ko at one point in my life. Hindi sakto dahil bata pa ako nun. Mas maganda pa ata ang sinabi niyang dialogue kesa dyan. Hindi ko lang na-record dahil wala pa akong celphone nun.

At Elementary pa lang ata ako nun.

Yun yung mga panahon na ginagabi ako ng uwi dahil sa tambay after basketball practice sa paghahanda ng back-to-back championships ng midgets team namin na SAINTS. Puspusang laro.

Sa umaga, sa clubhouse ng phase 1. Sa tanghali, sa clubhouse naman ng Phase 1-C. Pagdating ng gabi, phase 1 ulit. Magpapa-ilaw pa kami ng court pag 10pm-11pm dahil yun lang ang oras na pwede kami maka-libre o maka-discount.

Grade 6 going First Year ako nun.
Bulakbol ako nun bata.
Well, hanggang ngayon naman.

I can not imagine kung paanong pag-aalala at pag-iisip ng parents ko pag bigla akong nawawala sa bahay sakay ng bisikleta namin na si Renegade. Yung akala mong bibili lang ng pandesal sa kanto, aabutin pa ng apat na oras dahil may makakasalubong na tropa sa  kalsada at mayayaya na. Minsan din, nagpupunta ako sa mga bahay ng mga De La Cruz sas Phase 1-A para tumambay dun hanggang dinner.

Pasaway di ba?

Kung nauso na ang generation ng Millenials noon, no choice siguro ang dad ko kundi mag subscribe sa Twitter feed, mag-ON ng notifications sa FB, o mag follow sa Instagram account ko; para lang malaman niya kung nasaang lupalop na ako ng Pilipinas. Kung may maibibigay akong tip sa mga parents ngayon, yun e yung aralin ang mga mobile devices nila para gawin ito.

Dahil tamad ang kabataan magsabi sa parents nila kung nasan sila.

Problema pa rin namin ito hanggang ngayon. Madalang na nasasabi ko pa sa tatay ko kung saang event ako pupunta at sino mga kasama ko. Nalalaman na lang niya pag-uwi ko.

Mababago pa kaya ito?

Basta, kung mayroon akong gustong ipaalam sa Dad ko, yun ay “Mahal na mahal ko sila ni Mami”, at “OK lang ako”. Hindi ko nakagawian na sabihin ng diretso, at hindi ko rin ugali na i-txt pa sila ng ganito.

This time, gusto ko rin sila tanungin… “Dad, kumusta?” , “Dadi, ano balita?” , “Paderr, ok ba tayo dyan?”

Simulan natin mag-open ng conversation. Dad’s have the right to know, di ba?

#HappyFathersDay