Category Archives: Love & Life

everyday love escapades. what i see online and offline. all chronicled here.

Gift In Kind Foundation Takes Its Advocacy To NEW HEIGHTS..

Eleven years na tayong namimigay ng school supplies, time to level up our game.

Gift in Kind Foundation, isang grupo ng mga magkakaibigan na nagdecide eleven years ago na magbalik ng biyaya. Pupunta sa probinsya ng isang member, dun sa elementary school nila, hahanapin yung mga mahihirap na students na walang wala, bibigyan ng school supplies, palalaruin ng parlor games, at pakakainin.

Natatapos ang kwento sa paguwi ng volunteers. Natatapos ang kwento ng outreach pag tapos tapos na ang program. Walang follow up. Walang follow through.

Yung nakasanayan na ganyan ay natapos ngayong taon.

Banawen lies at the foot of a mountain range. One wonders how aetas manage to live here.

Banawen lies at the foot of a mountain range. One wonders how Aetas manage to live here.

The Road to Banawen requires patience

The Road to Banawen requires patience

Three years ago, we decided to adopt Banawen Primary School. Itong paaralan na ito ang tututukan namin. Taun taon kami pupunta dito. Every year, parami nang parami ang mga regalo. Paganda ng paganda ang mga pinamimigay. Palaki ng palaki ang mga dumarating na tulong.

Dahil, lumalaki din ang mga bata. Continue reading

Naghahanap Ka Na ng Photo-Video Coverage …

Bukod sa tag-ulan at araw ng kalayaan, ang pumapasok sa isip ko kapag buwan ng Hunyo ay kasalan; trahe de boda, mga lalaking naka-amerikana, motif na kulay goldfish, at masarap na pagkain sa reception. Ngayon pa lang iniisip ko na kung paano magiging extra special ang araw ng aming kasal.

Ganun talaga pag nakita mo na ang para sayo.

ngayon pa lang, simulan na natin magplano

ngayon pa lang, simulan na natin magplano

Sa kagustuhan ko makakita ng wedding photos at videos, nagsearch ako sa internet. Tinitignan ko kasi kung ano ang acceptable na laki ng tiyan bago magpakasal. Bochog na ang papa mo.

Feeling ko kailangan ko na magpurga.

After 12 to 13 videos at more than 69 pictures, nakita ko na hindi naman importante kung ano ang waist line ng groom.  Hndi rin mahalaga kung chaka ang mix ng colors ng motif. Hindi rin big deal ang venue, pagkain sa reception, at dami ng bisita.

Ang kailangan lang ay magaling na documentation team. Yung magaling magtago ng flaws, at mahusay mag-angat ng istorya.

Tama naman di ba?

I came across dizonstudios.com. Each photo tells a beautiful tale of a happy ending. The blend of light and focus of the subject resonates the idea of love; whether it is just the engagement or the wedding itself.

Sinubukan ko lang mag-english sa paragraph na yan.

dizonstudios.com

dizonstudios.com

 

Seriously though, these wedding photographers in Manila makes your special day extra special. They add value to your priceless moments. Dizon Studios immortalizes an unforgettable memory.

  • Pinaglaruan nila yung silhouette ng bride against the window.
  • Inangat nila ang kulay sa spotlight ng buwan.
  • Nilagay nila ang ikakasal sa gitna ng kahon dahil sila naman talaga ang focus.
  • Nag-mix ang kulay ng itim at puti sa litratong hindi na kailangan ng kulay pa.

Gusto ko rin ng mga ganitong litrato. Salamat sa prenup ideas ng dizonstudios.com

***

hagis your jacket!

hagis your jacket!

the bride and her maid

the bride and her maid

queen's accessories

queen’s accessories

skyscrapers

skyscrapers

asawa sa bintana

asawa sa bintana

facebook.com/dizonstudios
http://www.dizonstudios.com/
0932 856 6662

Nakakasawa Na Ang Lumuha!

Kelang kang huling naglumapasay sa sahig, at hindi mapigilan tumulo ang luha sa kakatawa. Kung recently lang yan, swerte mo.

Kung matagal nang hindi, eto na ang pagkakataon mo.

***

Sa Makati ako nagtatrabaho. Yung isang stretch ng Makati traffic, may anim hanggang siyam na traffic light from kanto-to-kanto. Nakakapagod yung bumiyahe ng kalahating oras para makarating ka sa EDSA kahit na sa Makati Fire Station ka lang naman galing. Kaliwa’t kanan pa ang pila, ang antayan, at ang strict na loading unloading station. Tapos, yung jowa mo pang hindi nagti-txt sayo; yang lahat ng yan STRESSFUL yan.

Need mo magtanggal ng stress.

Hayaan mong tulungan ka ni Alex Calleja at ng tropa niya na makalimot. Kahit sandali lang. Isang century lang.

Laugh Of The Century

Laugh Of The Century

LAUGH OF THE CENTURY

Experience Manila’s finest stand-up comedians and witness them tackle issues with their funny angles. Have a look at Winer Aguilar, Victor Anastacio, James Caraan and Alex Calleja crack the audience up.

Take advantage of the Early Bird Rates at 50% off from April 1 – 20 at Php300 for Regular Admission or Php 450.00 which includes UNLIMITED Drinks (yep, you read it right!)

Gather the crew and give them that Laugh of the Century on April 21 at 5F Event Center Century City Mall, Salamanca St., Corner Kalayaan Ave., Makati City at 6pm – 9pm. To reserve tickets, call 0937-8247013.

Laugh your lungs out this Friday and gear up fine for the upcoming work week!

This production is brought to you by BPO Radio.

Telebabad: Libreng Extra Rice Sa Buddy’s Pancit – Makati

Kakwentuhan natin ang Soprano ng Manila Chamber Singers at aking Road To Forever na si May. Alamin kung saan kami kumain, kelan kami magkikita, at sino ang katampuhan niya sa opisina nila.

Only here on Telebabad Series.

Mukhang mapapadalas ang guesting ni May sa blog ko ha.

I love you, Ma.