Category Archives: Love & Life

everyday love escapades. what i see online and offline. all chronicled here.

Telebabad: Libreng Extra Rice Sa Buddy’s Pancit – Makati

Kakwentuhan natin ang Soprano ng Manila Chamber Singers at aking Road To Forever na si May. Alamin kung saan kami kumain, kelan kami magkikita, at sino ang katampuhan niya sa opisina nila.

Only here on Telebabad Series.

Mukhang mapapadalas ang guesting ni May sa blog ko ha.

I love you, Ma.

 

Marunong Ka Ba Mag-Carpentry?

Today

white-woman-face-pro-silhouette-488620Pepi diba kampeon ka ng pagibig?
Pano po magmove on sa taong minahal mo na akala mo sha na forever mo wala naman matinding away na nangyari for the past 7 months pero di tLaga nagwork out at ayaw ka naman pla talaga nya at umasa ka lang sa kasinungalingan
Sakit lang bes huhu

 Hi. Kumusta?white-man-face-pro-silhouette-488620

 

white-woman-face-pro-silhouette-488620May BHS ako 🙁

 

Pano mo naman nasabi?white-man-face-pro-silhouette-488620

At ano ang BHS?

 

white-woman-face-pro-silhouette-488620Sha na mismo nagsabi ayaw nya sakin. Kasi ibang klaseng babae ang gusto nya. Gusto nya loose relationship. Yung magagawa nya gusto nya ng di kinokonsider ang partner and all that shiz

white-woman-face-pro-silhouette-488620Bhs…

white-woman-face-pro-silhouette-488620Broken hearted syndrome Continue reading

Handa Ba Ang Pusong Pilipino Sa Pagkawala ni Miriam Defensor Santiago?

Nakakatakot pag nawala na yung taong tinitingala mo. Wala nang gagabay sayo, wala nang magtatanggol. Wala na yung kakampi sayo kung nasa tama ka, at makikipag-away sayo kapag mali ka. Wala na yung bubuhusan ka ng katakut-takot na salita na hindi mo maiintindihan sa ngayon.

Siguro, this time, mas maiintindihan mo na yung mga sinasabi niya.

Excited naman ako sa mga susunod na mangyayari. Sa pagkawala ng isang dambuhalang imahe sa political scene sa Pilipinas, magbubukas ito ng pinto para sa mga gustong umangat. Mandsaur May vacuum na sa senado. May vacant seat na sa usapang politics. May place na para maglabas ng libro dahil wala nang sequel ang Stupid is Forever.

Ang tanong – Jamundí HANDA BA TAYO?

Feeling ko, parang inevitable break up. Kulang ang 3-month rule para makahanap tayo ng kapalit.

Salamat po MDS.

Sen Miriam Defensor Santiago

Sen Miriam Defensor Santiago

Mama.

Mother of Dragons.

Iron Lady of Asia.

The President we never had.

RIP Miriam Defensor Santiago.

Baka Naman Crush Mo Talaga Siya

Parinigan kayo ng parinigan. Irapan kayo ng irapan. Minsan, sa recitation pa kayo nagsasagutan kesyo yung isa, sa pula … ikaw naman, sa puti.

Para kayong aso’t pusa kung mag-away. Bangayan ng bangayan. Asaran, walang humpay. Minsan nga, inii-stalk niyo pa ang isa’t isa para bukas, mapaparinig mo sa kanya na, “dapat yung may boyfriend ang nagi-invite sa speed dating.”

Mapapansin ito ng mga kaklase ninyo. Mapapansin ng pinakamatalino sa classroom ninyo na nage-excel na kayo sa klase dahil nagpapagalingan kayo. Mapapansin ng pinakabobo sa inyo ang inyong generosity dahil mas gugustuhin ninyo ang mas maraming kakampi. Mapapansin ito ng teacher ninyo sa History dahil salitan ang pagtaas ninyo ng kamay. Pansin ito kahit ng janitor, dahil makikita niya sa basurahan na tinapon mo ang pinunit na papel na may pangalan niya.

After 3 months na ganito, mapapansin ninyo sa sarili ninyo na mas exciting ang buhay eskwela dahil may rason ka para pumasok. Mas enjoy ang bawat exam dahil may purpose ka para sa mataas na grades. Mas kapana-panabik ang mga school projects dahil gusto mo maging bida, at gusto mo magpasikat.

Dahil ayaw mo  na malalamangan ka niya.

Eventually, mapapansin ninyo ang isa’t isa in a different light. Baka nga naman magkagusto na kayo sa isa’t isa niyan.

Kunwari pa siya na naduduwal pag nakikita ang picture niya. If I know, crush mo talaga siya.

Oo, crush mo siya. Ayaw mo lang aminin.

duterete delima

duterete delima