Category Archives: Soprano One

Sa Dinami-Dami, Bat Ako?

May kakaibang sangkap ang kape pag naihanda ng mainit, lalo pa kung hindi lang ikaw ang iinom.

Kung gaano katagal ang pag-antay na lumamig ang kape, ganun din karami ang chance para matanong mo sa kasama mo kung (1) san siya nakatira, (2) pang ilan  siya sa magkakapatid, or (3) open minded ba siya sa business?

malabo si dj

Kaya nung nagkaron ng chance na tanungin ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa commercial nila ng Nescafe – kung sa dinami-dami bat ako; NO CHOICE si kuya mo Dj kundi sumagot ng vague answer na “parang kape, iba ang creamy chuchu, echos, kuning-kuning.”

Para sa fans ng Kathniel, nakakakilig ang sagot.

Para sa akin, malabo si Dj.

Dahil hindi pa malamig ang kape para higupin, naibalik ni Dj ang tanong ke Kathryn. Bakit daw siya? Sabi ko, malabo na to. Wala nang sasagot ng tama sa kanila. Magpu-promote na lang sila ng kape.

At ganun na nga ang nangyari. Continue reading

Yung Naki BoomPak Ka Sa Madrigal Singers, ang Rock Stars ng Pinoy Chorale World

To celebrate our monthsary, me and Soprano One watched Boom Pak sa CCP. O di ba, monthsary pa lang, concert na. Mamumulubi kami neto pag hindi namin naisipan na magtipid.

Boom Pak ang title ng concert ng Madrigal Singers. Over a month or two, nag solicit sila ng fan favorites sa kanilang FB page. Three songs. Kung ano paborito mo. Pwede rin naman kung ano lang ang alam mong kasama sa repertoire nila. Nag-Google pa muna ako bago ko sinulat yung repertoire.

Hindi ako bumoto. Hindi ko kasi talaga nasusundan ang Madz. I was not on their circles. Outside the circle ang papa mo.

Minsan, napapanood ko sila pag may events. Minsan, nababalitaan ko na lang na nag-uuwi sila ng parangal from some country na never ko pa napuntahan. Madalas, clueless ako sa kanila.

Not until most recently.

Sa Lobby ng CCP. Waiting for the concert to start.

Sa Lobby ng CCP. Waiting for the concert to start.

Boom Pak by The Philippine Madrigal Singers

Boom Pak by The Philippine Madrigal Singers

Pangarap ni Soprano One na makasali sa Madrigal Singers. She wants to be in that number. I just wish na magkalakas siya ng loob na mag audition, dahil kaya naman niya mag Chili con Carne.

Oo. Nagpapractice na nga kami kumanta ng duet. That is on top of her rehearsals 4 times a week.

Sa concert-date namin, marami ako narealize.

  • Wag ka basta sasabay sa kanta. Appreciate mo yung blending ng boses at linis ng pagkakakanta nila.
  • Pag tumawid ka ng kalsada, may ingleserong paslit na kakausap sayo ng ingles. Ang pangalan niya ay Owen.
  • Nakakaantok ang Ili Ili Tulog Anay. Di ako sure kung tama ang title ng song na yan.
  • Powerful ang all female line up ng Madz pag nag Adele medley sila.
  • Hindi Buko ni Jireh Lim ang ka mashup ng Butchikik.
  • Pwede kantahin ang My Way sa lenggwahe na hindi ka mababaril.
  • Nagtatransform na hayop ang sinumang choir na kumakanta ng Circle of Life.
  • Ang Madrigal singers ang Rock star ng Pinoy chorale world. Hindi basta-basta ang pagkuha ng tickets ng Boom Pak.

This will be a regular thing na for me. Magkikita kita ulit kami sa susunod na concert ng Madrigal Singers. At sana next time, join na si Soprano One sa Madz.

 

Black - Brown - Black and OOTD ng papa mo

Black – Brown – Black and OOTD ng papa mo

As we enter the big hall of the CCP

As we enter the big hall of the CCP

 

After the Concert, tradisyon na ng Philippine Madrigal Singers mang-harana

After the Concert, tradisyon na ng Philippine Madrigal Singers mang-harana

with the Conductor - Sir Mark

with the Conductor – Sir Mark

idol mong frog. Kuya Nil's. Salamat sa musika.

idol mong frog. Kuya Nil’s. Salamat sa musika.

with Ate Jackielyn. nakaw na sandali. pa-pic lang po. isa lang.

with Ate Jackielyn. nakaw na sandali. pa-pic lang po. isa lang.

Hi Ate Krystl. Salamat sa mga workshops. Congratulations!

Hi Ate Krystl. Salamat sa mga workshops. Congratulations!

with ate April. Congratulations! Kita tayo sa Cabanatuan.

with ate April. Congratulations! Kita tayo sa Cabanatuan.

sir JC. Let's Boom Pak!

sir JC. Let’s Boom Pak!

with Keiko and Bernadette. mga Soprano ng Madz

with Keiko and Bernadette. mga Soprano ng Madz

Hello Kuya. Next time ulit ha.

Hello Kuya. Next time ulit ha.

Ate Charlene and Soprano One

Ate Charlene and Soprano One

si Kuya Itchie Boy oh. Butchikik.

si Kuya Itchie Boy oh. Butchikik.

seeing Familiar faces. Philippine Madrigal Singers bring choir friends together.

seeing Familiar faces. Philippine Madrigal Singers bring choir friends together.

boys boys boys

boys boys boys

we had to eat. after concert-date is our first fastfood-date. KFC

we had to eat. after concert-date is our first fastfood-date. KFC

Kelan ba ang next concert? Sana may presscon. May mga questions ako eh.

Yung Girlfriend Mo Na Mahilig Mag-Drawing!

Pinaasa ka na ba ng katagpo mo?

Nakapag set ka na ba ng date na kinancel ng ka-date mo at nabasa mo lang ang message niya nung nasa meeting place ka na?

Nasabihan ka na ba ng tropa mo na “game ako sa outing”, pero last minute e makakatanggap ka ng “something came up”.

Nakakapikon di ba?

Well, sorry kayo pero hindi ganyang drawing ang natanggap ko kanina. Yung drawing na natanggap ko, nakakatuwa. First time ko makaranas ng ganitong drawing.


Hindi ko alam kung ano amg meron ke Soprano One at tinamaan siya ng pagka-artist niya. Naapektuhan ata ng init ng summer o nakalanghap ng alikabok ng Kalentong. Natamaan ata ng lintik.

O baka naman umepekto ang gayuma. Effective pala ang katas ng pinagpawisang salawal.

Salamat sa sketch na to. Alam ko, nahirapan kang ipantay ang eyebags ko. Alam kong nagdalawang isip ka sa placement ng nunal ko sa ilong. Alam kong sinukat mo ng mabuti ang panga ko. Alam ko rin na ilan beses mo pinagisipan kung lalagyan mo ng white hairstrands ang oasis kong buhok.

Promise, iingatan ko to. Ipapa-frame ko pa at isasabit sa kwarto. Ito na rin ang gagamiting kong portrait na nakapatong sa kabaong para makita ng mga apo natin kung gaano ka gwapo ang kanilang lolo pepi.

At sa susunod na drawing mo, sana magkasama naman tayo.

PS. Yung mga friends ko na drawing, pagpatuloy niyo yan. Hindi lahat, kasing-creative ninyo gumawa ng palusot.