Category Archives: Tip lang

i know something that you don’t. after reading this, you will know it too.

Sana Mawala Na To. Ansakit Sakit Na.

Nasa panlimang araw na ang sore throat ko. Ansakit lumunok, di ako makakain, makahinga ng maayos. Pati paghikab, problema. Kulang na lang – mahirapan ako huminga, deds na ko.

Nag try na ako uminom ng tubig. As in uminom ng tubig ng malala. Kaliwa’t kanan ang paghawak sa pitsel at baso. Nakaka tatlong 1.5 liters ako sa buong maghapon. Pabalik balik na nga ako sa banyo namin. Ang ending, masakit pa rin lalamunan ko.

Siguro, nakuha ko ito sa mga paputok noong bagong taon.
Ay hindi, wala nga pala kaming paputok.
Baka naman sa paisa-isang yosi simula nung Company party namin. Nanghihingi kasi ako ng yosi sa mga kakilala. E napadalas ang aya nila sa akin. Ayun, sunog ang baga. Kahit hindi ako naka isang pack ng yosi sa buong Christmas break, hindi na siguro sanay ang trachea ko.

Pwede rin dahil ang hilig ko sa maanghang.
O baka naman sa mani at shingaling.
Pwede rin dahil malamig ang panahon. Kaso lang, hindi naman ako sinisipon at inuubo. Hindi nga nakakabuo ng plema yung lalamunan ko. Mas masakit tuloy dahil walang pampadulas.

Baka naman dahil sa polusyon ng Manila.
Pwede rin dahil natutulog ako sa biyahe nang nakabuka ang bibig.
O siguro, dahil hindi ako naghuhugas ng pinagkainan ko. Nagagamit ko tuloy yung mga baso at kubyertos na dapat hinugasan ko nung umaga, pero dahil walang tubig, e pinunasan na lang ng tissue at ni-reuse ulit.

Bad trip na sore throat ito.

Napa-search tuloy ako online. Bawal daw maanghang, mga biskwit, chocolates. Ideal daw ang mga warm na inumin. Pwede din daw mag ice drop para lumamig ang ngala-ngala. May blogger na nagsulat tungkol sa Lola Remedios at Tolak Angin. Napabili tuloy ako, at nalaman ko na mas mahal ng dalawampiso ang ine-endorse ni Kris Aquino.

Sore Throat Starter Pack
Mas Mahal ang Tolak Angin (12pesos) kesa sa Lola Remedios (10pesos).
Lozenges
Tolak Angin (Tulak Hangin / Push Air)
Lola Remedios. hindi ko sure kung tsismosa siya.

Nakakatatlong pack na ako ng strepsils at Woods. Nakaka apat ako na Tolak Angin at Lola Remedios. Nakaka tatlong 1.5 liters na ako ng tubig. Nasabi ko na yun kanina, inulit ko lang.

Sana mawala na tong sore throat na to. Ansakit sakit na.

Mga Mahirap Simulan Sa Pagpasok ng 2020

Happy New Year mga lodi.

Sa pagpasok ng taon, napansin ko na may mga mas mahirap gawin ngayong taon kumapra sa mga nauna. Feeling ko, iba ang taon na ito. Parang iba ang pagpasok ng taon. Dahil ba simula ito ng bagong dekada? Dahil ba mas malinaw ang 2020 kumpara sa ibang year na hindi inuulit? Dahil ba ke yorme na mahilig sa etnebetneb? O baka naman dahil matanda na lang talaga ako.

Enumerate ko lang dito yung mga napansin ko. Kung mali ako, comment niyo na lang. Kung tumama ako kahit isa lang sa listahan, share the article sa kaklase niyo. Malay ninyo, yung crush niyo sa FB, isa ring KAMPEON.

1) Mas mahirap na magpaputok. Oo, wala na halos nagpapaputok sa kalsada. Dati rati, nakakabili pa ko ng watusi at nagisindi ng kandila para hindi mo na ikaskas sahig para lang magsimula ang watusi sa pagputok. Dati, may mahaba pa akong patpat na may katol sa dulo. Yun ang ginagamit kong pansindi ng nakalatag na five star sa kalsada. Ako pa dati ang nagsisindi ng nakasabit na Sinturon ni Hudas sa gate namin gamit ang lusis. Ngayon, wala nang paputok.

Feeling ko, wala lang talaga kami budget pambili ng paputok sa Marilao.

Family Pose. Walang kinalaman sa article. Need ko lang ng picture.

2) Mas mahirap na magpapapayat. Andaming tirang pagkain nung Christmas at New Year. Yung handa nung Media Noche Buena, may pa round 2 pa. Ang hirap isnabin ng lechompaksiw, Malamig na ispageti, at naka-compartment sa freezer na Fruit Salad. Yun ngang mansanas sa bibig ng lechon nung Pasko, hindi pa rin namin nakakain. Sana, chichirya na lang silang lahat para mas madaling maubos.

O baka naman mas bumagal na ang metabolism ko. Trenta’y kwatro na ako ngayong taon. Nakatataba na raw ang eat all you can.

3) Mas mahirap na mag-ipon. Sa akin lang siguro to. Dati kasi – sa akin lang ang sweldo ko. Ngayon, may sanggol na na namimigay ng anim na piso sa batang bumibisita sa bahay – kahit hindi naman nangangaroling. Ugali ni Sydneysanggol mangharang ng bata sa kalsada at mag-abot ng barya, kahit hindi kumakanta ng jinggambels.

Solusyon – hayaan na lang si Soprano One ang mag-budget. Magpokus na lang sa pagkita ng pera.

4) Mas mahirap magsulat ng Petsa. Eto – taun-taon tong problema. Mapapasulat ka ng 2019, pero hindi 2020 na. At para daw hindi malito yung mga batang 60s, 70s, at 80s; dapat mong kumpletuhin yung taon. Nakaharap pa kasi ng mga lolo at lola natin ang ibang mga akda noong 1920 at baka malito sila dahil wala pang digital age noong panahon ni Manuel L Quezon.

Kumuha ka ng resibo at magpractice ka na magsulat ng twentytwenty.

5) Mas mahirap na manloko ng tao. Ito ang dekada na magsisimula nang pumasok sa working force ang Zillenials. Sila yung mga nabuhay na umaasa gadget. Alam nila ang pasikot-sikot ng mga scams at phishing sites. Hindi mo na sila mabubudol. Ang kaso, hindi sila marunong maglaro ng yoyo at tumbang preso. Wala kang makakalaro ng chess ngayon. Mas trip na nila ang minecraft kesa sa building blocks.

O baka naman dahil nakatira lang ako sa siyudad. Uso pa rin siguro ang mga tau-tauhan sa probinsya. Yuck, geocolonialism.

Ayan. Mahaba na ito. Bahala na kayo kung mag-agree kayo. May share button ako somewhere dyan. Pakipindot na lang.

Unique Flavors of Hiraya Chocolates For Your Nililigawan

Chocolates ang second sa listahan ng mga default na regalong dapat mong ialay sa pag-akgat mo ng ligaw. Kalokohan yung mga sinasabi nila na mas gusto nila ng effort. Wala pa akong narinig na babae na tinanggihan ang chocolates na alay ng kanyang manliligaw, kahit na ang nanliligaw ay ang front man ng sikat na boyband ng pinas na Hasht5.

Syempre, number one pa rin ang flowers. Mas malupit ka pag pinagsabay mong ibigay yung dalawa. Ibig sabihin lang nun, nag drop ka ng subject, or magaling ka lang talaga dumiskarte sa pangungupit ng bulaklak sa katatapos lang na prusisyon sa parokya ninyo.

Di ko sure ah, pero kung magiging naughty ka, mas priority daw kasi na makuha mo ang flower ni girl kesa sa matamis nyang oo.

So, ano bang mga chocolates ang pwede mo ialay sa iyong niligawan.

Quezo de Bola Chocolates. Ang chocolates ng mga bolero. Isabay mo na lahat ng pambobola na alam mo. Sabihin mo sa kanya na siya ang pinakamagandang babae na nakita mo. Bigkasin mo ang walang kamatayang “susungkitin ko ang mga bituin, mapantayan lang nila ang kining ng iyong mga mata”. Sabihin mo na pagsisilbihan mo siya hanggang sa dulo ng iyong hininga.

Maniniwala yun.

Ang problema mo na lang, kailangan mong patunayan ang mga pangako.

Good luck sa Quezo de Bola Chocolates.

queso de Bola is keso de bola

queso de Bola is keso de bola

Coconut Chocolates. Yung mga mahihilig sa buko, sa niyog, sa macapuno, at sa buko juice. Kung effort ang paguusapan, ang pagkadkad ng buko ang pinaka effortful na task; kahit na add on lang sa kutsinta ang niyog.

Coconut chocolates ang ibigay mo kung gusto mo patunayan ang pagiging tapat mo. Matayog ang puno ng buko. Walang sayang, lahat may pakinabang. Buong-buo. Yan ang mga katangian na ino offer mo.

Again, need mo yan patunayan pag kayo na. Consistency. Pero I am sure, tatanggapin pa rin niya yan. Chocolate yan e.

Chicharon Chocolates. Adventurous di ba? May kick pa ng anghang yung after taste.

Ito naman ang promise of excitement na iooffer mo. Something na kakaiba. Gusto mo sabihin sa kanya, patunayan sa kanya, na iba ka. Hindi ka kagaya nung ex niya na manloloko. Hindi ka kagaya nung ex niya na sinungaling. Hindi ka kagaya ng ex niya na walang kabuhay buhay.

At crunchy ka pa.

Coconut and Chicharon Flavors

Coconut and Chicharon Flavors

Yan ang mga bago at kakaibang flavors ng chocolates na pwede mong ioffer.

72 PERCENT. from the growers of Cocoa in Davao

72 PERCENT. from the growers of Cocoa in Davao

Hiraya 100%. Mix this with hot milk for a good pampainit.

Hiraya 100%. Mix this with hot milk for a good pampainit.

Kung traditional ka naman, pwede na yung original flavor. Dark Chocolate. 72% Cocoa from Davao.

Hiraya boxes are ready for delivery.

Hiraya boxes are ready for delivery.

Hiraya history

Hiraya history

Hiraya Chocolates is sold here aat Roots Katipunan

Hiraya Chocolates is sold here aat Roots Katipunan

Ready for display. Much promos and deals if you purchase them with other items

Ready for display. Much promos and deals if you purchase them with other items

This is Hiraya Chocolates Team

This is Hiraya Chocolates Team

 

✦ Office
c/o Roots Katipunan
Unit 106 FBR Arcade Bldg.,
317 Katipunan Avenue
Loyola Heights, Quezon City

✦ Mobile
Arvin Peralta 0917-8511685

✦ Email
hirayachocolates@gmail.com

✦ Online
www.hirayachocolates.com

✦ Social Media
facebook.com/HirayaChocolates
instagram @hirayachocolates

Lahat Pwede Bawiin, Pag Sinabi Mo JOKE LANG

Ang pakikipaglaban ay everyday.
Ang Pagsuko ay once lang.
Pero lahat pwedeng bawiin,
Pag sinabi mo, JOKE LANG!

J-O-K-E  L-A-N-G

Napakamakapangyarihan ng dalawang salita na ito. Pwede kang makipagbiruan, o makipagseryosohan, then bitawan mo ang trap card na parang si Yugi-oh – joke lang.

  • Galit na galit ka na sa jowa mo, bigla mong nabitawan yung salitang “BREAK NA TAYO!” Pero hindi mo naman talaga gustong makipag-break, kaya “Joke Lang.”
  • Dudukutan mo dapat yung naka backpack na kuya sa overpass ng Quezon Ave pero lumingon siya, at nahuli niya yung mga daliri mo na nakahawak sa zipper ng bag niya, sasabihin mo na lang, “Joke Lang.”
  • Mainit yung kanin pero gutom na gutom ka na, pagsubo mo ng isang kutsarang kanin, napaso ang dila mo. Iluluwa mo ang kanin, “Joke Lang.”
  • Lumiko ka sa No Left Turn. Nahuli ka ng MMDA, “Joke Lang.”
  • Nakipag-diskusyon ka tungkol sa pagbabalot ng pagkain pag may pinuntahan kang event, pero ginagawa mo rin naman to pag naimbita ka sa fiesta. “Joke Lang.”

Subukan mo gumawa ng mga krimen, tapos sabihin mo, “Joke Lang.” Pag hindi natuwa yung biniro mo, mato-tokhang ka.

tupperware, photo for attention only

tupperware, photo for attention only

Basta ako, seryoso ako… Joke Lang.