Category Archives: Kain Pepi

the best restaurants in town. the best dish to cook. the latest from your famous restaurants. find them here.

Bakit Trending Ang FREE Bottomless Cold Water ng Pizza Hut?

Trending ngayon ang ad ng Pizza Hut na BOTTOMLESS Cold Water. May kakaiba daw sa ad na ito. Pero sa totoo lang, hindi naman dapat siya kakaiba. Himayin natin ng kaunti dahil bukod sa pakialamero tayo, may shares ako sa Shakey’s. Walang kinalaman yun, hassle lang talaga dahil almost 10% loss ako sa Shakey’s na yan.

Also… hindi pa ako ganun ka inaantok.

Sana, pati Pag-ibig mo, bottomless!

UNA – Hindi mabilis ang service ng Pizza Hut crew. Tanggap ko na kapag kumaway ka, hindi kaagad lumalapit ang mga Pizza Hut crew sa table mo. Hindi kasi siya parang fine dining na parating may nakaabang na waiter na naka-wait sa bawat area o bawat table. Ang crew ng Pizza Hut, roving yan. Puro pa-cute yang mga yan. Kung ako, magtatrabaho sa restaurant, sa Pizza Hut ako mag-aapply.

PANGALAWA – May WATER CRISIS sa Manila. Oo! Ang tubig sa amin, humihinto ng 9am at bumabalik ng 330pm. Parang nanonood din ng stock market ang water supply. Hassle talaga. Pero dahil sa UNLIMITED and FREE Cold Water ng Pizza Hut, pwede ka nang magtoothbrush at tiisin ang pangingilo ng ngipin mo. Pwede ka na rin maligo na parang nag a-ice bucket challege.

PANGATLO – Dati na raw yang free na yan. Gusto lang i-stress ng PIZZA HUT, dahil meron daw silang ilalabas na sobrang anghang sa menu nila. Pizza Hut Philippines to ha, sanay sa maanghang ang mga tao dito lalo na yung mga taga Bicol. Siguro, maglalabas sila ng Pizza na imbes na tomato sauce yung base, e Siracha ang gagamitin. O di kaya naman, may mga landmines sa Pizza na parang ang naglatag ng boodle fight e si Sir Galza.

Basta ako, aabangan ko ang susunod na ad ng Pizza Hut sa kanilang Facebook Page.

Pizza Hut, baka naman!!!

Wala Nang Champ!

Kaka-announce lang ng Jollibee sa kanilang OFFICIAL FB PAGE. Tatanggalin na daw ang Champ sa LAHAT ng kanilang Jollibee branches. Affected yun dahil KAPWA KAMPEON ang Champ na burger ng Jollibee. Hindi ako ganun ka affected – hindi naman ako umoorder nun.

Eto Link nung announcement:
https://www.facebook.com/JollibeePhilippines/photos/a.177020915677476/2825484887497719/?type=3&theater

Hanggang Yun with TLC lang ako. Si Soprano One naman, Pies to Go. Habang si Sydney Sanggol, ok na sa kanya ang extra rice.

Tignan ninyo ang announcement na to:

Wala Nang Champ!

So, ano kaya ang next na ilalabas ng Jollibee? Jollibee, baka naman sa next mo na event – paki-invite naman ako. Gusto kong mauna sa balita pagdating sa saya!

Eto videos para sayo:

Naubos na yung Fries ni Sydney Sanggol.

Update. May sinsabi tong kabila oh.

Wag ka dun sa BABALIKAN KITA…
Dun ka na sa HINDI NANG-IIWAN.

Will Stay.

Huwag Natin Lokohin Ang Sarili Natin, Hindi NakakaPAYAT Ang Chia Seeds






May craze tungkol sa maliliit na buto na ito na galing sa disyerto at nagiging sago pag hinalo sa tubig. Nakakapayat daw ito. Napa-isip ako mga babidi… Parang hindi naman.

Ang ginagawa kasi ni Soprano One, tinitimplahan ako ng Bear Brand Adult Plus at hinahaluan niya ng Chia seeds. Ang ginagamit niyang baso, yung beer glass ko na galing pa kay Gellert Grindelwald. Anlaki ng baso na yun, pangmahaba-habang inuman. Buti na lang at hati kami. Hindi ako ang umuubos ng lahat.

At paano daw gumagana ang Chia Seeds?

Ganito kasi yun. Ang konsepto daw ng Chia Seeds – it retain water. Nagb-bloat siya sa loob ng tiyan mo at feeling ng katawan mo – busog ka na. Pag busog ka na daw, hindi ka na raw kakain. Ganun Yun.

Pang Mr Q and A yung previous paragraph; nagsimula sa Ganito kasi yun, at natapos sa Ganun Yun. Ulitin natin mamaya ng Isa Pa, With Feelings.

Yung Isa Pa, With Feelings, pelikula naman yun ni Maine Mendoza at Carlo Aquino sa Black Sheep Productions. Wala lang, nabanggit ko lang. Showing nakasi yun sa October 16 – at nagyayaya si Soprano One manood. Ang tanong, sino magaalaga ke Sydney Sanggol pag nag-sine kami.

Balik tayo sa Chia Seeds.

Ang problema sa mga kagaya ko na may taglay na kulit. kumakain pa kahit busog na. That means, walang kwenta ang Chia seeds. Hindi ka naman pwedeng magdagdag ng Chia seeds sa katawan – dahil nga, nagdagdag ka lang ng problema.

Naniniwala kasi ako na hindi nakakaresolba ng problema ang pagdagdag ng problema. You can’t talk peace and have a gun.

Ang tunay na pagpapapayat ay ang HINDI pagkain; skipping meals, intermittent fasting, no rice diet, skipping snacks. Mga ganun.

Ganito kasi yun. Kung gusto mong pumayat – wag kang kumain. Ganun yun.

Hindi mo kailangan dayain ang sarili mo na busog ka, kung ang totoo-gutom ka naman. Dapat, ipatanggap mo sa sarili mo na gutom ka, para i-convert ng katawan mo ang stored fats mo into energy na gagamitin mo sa mga nakakapagod na activities mo sa isang araw – gaya ng panonood ke sir Raffy Tulfo sa Youtube. Dapat, hayaan mong ang katawan mo ang natural na mag-produce ng chemicals para tunawin ang mga taba mo. Dapat, wag kang umasa sa outside forces kung gusto mong ayusin ang problema sa relationship ninyo.

Gets mo ba?

Teka, nga, Timpla muna ako Bear Brand Adult Plus.

A Foodie Reminder for the Holidays – Doc Pao Bellosillo

Panahon na naman ng christmas salu-salo. Kabi-kabila an mga party na nakalinya para sa atin. Ako nga, nakakatatlong Christmas Party na ako – and everytime na pumupunta ako, nakakarami ako ng kain.

Tumataba na rin ako. Yung katawan ko, “Father Figure” na. Sakto lang din naman to dahil in a few months, lalabas na si Baby Atsyne.

Kaso lang, pag pinagpatuloy ko ang hindi pag watchout sa kinakain ko, baka hindi ko na abutan ang debut ni Atsyne. Buti andyan si Doc Pao para magpaalala kung ano ang proper diet upang maiwasan ang sickness nating mga millenials.

Eto ang maiksing interview sa kanya:

1.      With the advent of new sicknesses sprouting left and right, how do you feel your field of study can help in alleviating or avoiding these sicknesses?

Diseases are caused not by genetic predisposition alone but by the imbalance in health brought about by excess toxins and nutritional deficiencies that one has, given by their lifestyle and environmental factors.  Prevention and early detection of these imbalances without any invasive procedures can help build a cascade of well being starting with one person to a family to a community all the way to a country.  Usually when symptoms manifest the diseases have already taken a toll. Hence for chronic and degenerative diseases best practices of medical systems can be applied but for acute once conventional medicine can work well with integrative therapies that allow people to feel like people when they are treated.  We just got to preserve the humanity of each person from early detection through treatment proper and post treatment covering all aspects of life touching the areas of the a Body, Mind and Soul.  Going to the roots would help alleviate people from suffering. When symptoms manifest, disease would have already progressed by then. Why not prepare the bodies protection and defence mechanism to be resilient to internal and external threats.

In the Philippines the inevitable rise of deaths due to heart, stroke and cancer can very much be reduced by early detection and preventive management of care that looks at a person’s well being as a whole.

2.      What is the main thing that people can do to avoid getting sick in this day and age where everything that we eat has pesticide and is considered unhealthy?

Being healthy is a choice. First make that choice. Know your Food sources, types of Marco Nutrients, proper portioning and utilize technologies that purify or cleanse your food. Toxin bioaccummulate in our food sa best is to go for organic or partial. When organic food is not available technologies such as an ozonator may be used for detoxifying fish, beef, chicken, pork and vegetables. It may also be used to purify The water we drink and air we breathe.  Proper detox uses Smart portioning, Smart Sourcing, Smart supplements and Smart technologies.  To know more about this
you may seek advise at Health Is In Center.. We’d be glad to advise you on your detox needs from Food-Environment-Self.

3.      What are three things that people need to have in their life to live a life of quality?

Peace and harmony of Body, Mind and Spirit wherein Holistic and Integrative specialists like me Cam assist them with.  Only Whole Medical Systems and Integrative Medicine whose understanding the said three planes. Healing is not summarized into a pill but the smooth balance between the three principle factors of life, it is a way of life.

4.      What are the top foods they need to avoid to lessen the possibility of becoming toxic or sick?

Acid forming food such as:
Chips, fatty oily food usually seen in innards, French fries, usually the preserved meats, carbonated drinks, cakes and pastries.  The key here is moderation in portioning and frequency.  Life is fair, we functional supplements and technologies can help reduce toxicity.

Way back then I enjoyed sisig, Crispy pata or even chicharon bulaklak and having seen their impacts on hardening and clogging of arteries, I opted to abstain but was able to appreciate them when I took them in moderation w specific supplements and technologies plus fitness Programs that allow me to detox.   It is no joke for blood vessels especially of the heart and brain to be clogged or stiff to trigger a heart attack or stroke.  Another key in moderation is know your limits.  We have natural ways and technological ways to determine stiffness and clogging of arteries.  This way we can avoid a trip to the emergency room or intensive care unit.

5.      What can you advise as an expert in your field that people do to be healthier, more positive, and have a life that can reach to their 80s?

Healing begins w a decision, get organized know your excess toxins and nutritional deficiencies through the help of preventative technological assessements. From there lets walk through a program that allows you to live well and long encompassing cardiovascular, gastrointestinal, muskoskeletal, respiratory and many more organ system needs by applying the best practices  that naturopathic, allopathic, homeopathic, ayurvedic and chinese medical systems has to offer  to ensure stability and growth from cellular to system needs.  Totality is the way to go. Integrative medicine would bring together another means to make you experience the best pairing of what east and west has to offer.  If what we do helps one lengthen or strengthen telomeres, battle or neutralize freeradicals, prevent proliferation of pathogens that reflect positive ions, improve cell function and then help create stem cells or protect the DNA of your cells, then 80 would be the new average life expectancy for all.  Onward to 100 years.

6.      What’s your wish for mankind?

Peace and harmony to the hearts and minds of all, afterall we are one humanity.
Celebrate Life, Love and Laugh.
For each to Live A Legacy.

 

Doc Pao on the secrets to a long life

Doc Pao on the secrets to a long life

Doc Pao Bellosillo

Doc Pao Bellosillo