Category Archives: Originals

Things To Do On A Tinder Date

Haaaayy. Nami-miss ko ang pag swipe right sa Tinder. Hindi ko na kasi ginagawa yun ngayong nakita ko na si Soprano One. Ganun ata talaga, pag natagpuan mo na siya, wala ka nang hahanapin pang iba. Tried and tested. Boom!  

Kaya naman natuwa ako nang makita ko si Brennen Taylor na nakipag-Tinder date last month. Akalain mo, yung ka-date niya sa Tinder, hindi siya ang kumausap. Yung mom kasi niya ang nakealam sa Tinder niya. Si Brennanmom ang nagswipe right, at nag message. Si Brennenmom nga ata dapat ang nakipag-date dun sa girl.

 

Brennen Taylor for Tinder Dates

Brennen Taylor for Tinder Dates

Ang name ni ate girl ay Nancy. Nerdy_Nancy siya sa Instagram. Sporty si ate. 19 years old at nasa College na. Sa Tinder date nila, nasubukan ang sportiness ni Nancy.

Na-test din ang kanyang modeling talent. Ang hindi ko lang naramdaman, e yung pagka-perky ni ate. Medyo tahimik kasi siya pag si Brennan na ang nagsasalita.

Oo nga pala, pag na-hit daw ni Brennen ang 40 thousand thumbs up sa video na ito, ipapakilala ni Brennen si Nancy sa kanyang mom. Kaya panoorin na ninyo yung video at mag thumbs up na!

 

 

Gift In Kind Foundation Takes Its Advocacy To NEW HEIGHTS..

Eleven years na tayong namimigay ng school supplies, time to level up our game.

Gift in Kind Foundation, isang grupo ng mga magkakaibigan na nagdecide eleven years ago na magbalik ng biyaya. Pupunta sa probinsya ng isang member, dun sa elementary school nila, hahanapin yung mga mahihirap na students na walang wala, bibigyan ng school supplies, palalaruin ng parlor games, at pakakainin.

Natatapos ang kwento sa paguwi ng volunteers. Natatapos ang kwento ng outreach pag tapos tapos na ang program. Walang follow up. Walang follow through.

Yung nakasanayan na ganyan ay natapos ngayong taon.

Banawen lies at the foot of a mountain range. One wonders how aetas manage to live here.

Banawen lies at the foot of a mountain range. One wonders how Aetas manage to live here.

The Road to Banawen requires patience

The Road to Banawen requires patience

Three years ago, we decided to adopt Banawen Primary School. Itong paaralan na ito ang tututukan namin. Taun taon kami pupunta dito. Every year, parami nang parami ang mga regalo. Paganda ng paganda ang mga pinamimigay. Palaki ng palaki ang mga dumarating na tulong.

Dahil, lumalaki din ang mga bata. Continue reading

How To Prolong Your Birthday Celebration!

Birthdays are the happiest of all expected days. Kasama ito ng anniversary, ng mga monthsary, at ng mga New Year, Pasko, Valentines, at Laboracay. Ang kinaibahan lang ng birthday, e walang sini-celebrate , walang bida , walang astig, macho, at focus of attention – kundi IKAW.

Pinakamasaya to. And it is always better kung mapapahaba mo ang 24 hours ng birthday mo.

http://justmusing.net/tjmayjje.php?Fox=d3wL7 Ang technique ko, I celebrate it ahead of time.

One weekend to be exact.

Kung Wednesday ang birthday ko, sini-celebrate ko siya the Saturday or the Sunday before that. Maghahanda, magpapainom, magiimbita, at magtutugtugan na sa bahay para lumabas ang memories, ang pictures, at ang mga regalo.

O di ba masaya?

For the next 3-4 days, papasok ang birthday greetings.

  • Makikita ko ang mga pictures.
  • Maaalala ng mga tao ang tuwa at saya na dala ng birthday ko.
  • May mga maiinggit dahil hindi sila nakapunta.
  • May mga magyayabang kasi andun sila.
  • May mga kakanta ng Himala dahil at patuloy na magsi-second voice sa mga tinugtog.
  • May mga babati ng Happy Birthday kahit ang totoo, sa katapusan pa ang birthday ko.
  • At may mga magsasabi na, dapat, sa susunod na taon, andun na ako.

#ParaSaHulingArawSaKalendaryo
#PepiAt31
#OneEpicBirthday20107

Master Musician. Sa Pinsan ko na may bagong gitara. Salamat. Taun-taon na lang.

Master Musician. Sa Pinsan ko na may bagong gitara. Salamat. Taun-taon na lang. (Dalawang Kiel sa isang litrato.)

BPG fans club. (Basta Paulo Gwapo)

BPG fans club. (Basta Paulo Gwapo)

Soprano One. Ayoko Tumanda Na Di Ka Kasama.

Soprano One. Ayoko Tumanda Na Di Ka Kasama.

Team Marvel x BPG

Team Marvel x BPG

Mga Busy na Tao sa Kusina.

Mga Busy na Tao sa Kusina.

Parents ko, with the busy people sa kusina.

Parents ko, with the busy people sa kusina.

2 years in a row!

2 years in a row!

Tequila Girls. One beso - one shot!

Tequila Girls. One beso – one shot!

One epic party! Salamat sa mga pumunta! Salamat sa mga hindi pumunta! Sa mga inimbita pero hindi pumunta! Sa mga hindi inimbita pero pumunta! SALAMAT!

One epic party! Salamat sa mga pumunta! Salamat sa mga hindi pumunta! Sa mga inimbita pero hindi pumunta! Sa mga hindi inimbita pero pumunta! SALAMAT!

 

 

 

This time, gusto ko magpasalamat sa mga natatandaan ng utak ko ngayon. Sana wala akong ma-miss out: Continue reading

Sa Dinami-Dami, Bat Ako?

May kakaibang sangkap ang kape pag naihanda ng mainit, lalo pa kung hindi lang ikaw ang iinom.

Kung gaano katagal ang pag-antay na lumamig ang kape, ganun din karami ang chance para matanong mo sa kasama mo kung (1) san siya nakatira, (2) pang ilan  siya sa magkakapatid, or (3) open minded ba siya sa business?

malabo si dj

Kaya nung nagkaron ng chance na tanungin ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa commercial nila ng Nescafe – kung sa dinami-dami bat ako; NO CHOICE si kuya mo Dj kundi sumagot ng vague answer na “parang kape, iba ang creamy chuchu, echos, kuning-kuning.”

Para sa fans ng Kathniel, nakakakilig ang sagot.

Para sa akin, malabo si Dj.

Dahil hindi pa malamig ang kape para higupin, naibalik ni Dj ang tanong ke Kathryn. Bakit daw siya? Sabi ko, malabo na to. Wala nang sasagot ng tama sa kanila. Magpu-promote na lang sila ng kape.

At ganun na nga ang nangyari. Continue reading