Category Archives: Counter Blog

you blogged, and i will either agree or disagree on it. i encourage you to comment

Counter Blog: Rules OF Falling In Love

May nakita akong umiikot na RULES OF FALLING IN LOVE sa internet. Bigay lang ako ng reaction ha. Bago tayo magpatuloy, basahin mo muna to:

if you ever fall in love

if you ever fall in love (taken from DigitalRomanceInc.com)

First Point:
Lagyan ng rules? Ano to? Ang hindi sumunod, hindi liligaya? Love is a feeling. Nararamdaman at hindi sa utak lang. Kung ikakahon mo sa loob ng apat na sulok ang salitang Love, nililimitahan mo ang kaligayahan mo. Gusto mo ba yun? Ayoko ata nun.

Second Point:
Selfish ka? Gusto mo yung may alam ng Favorite Color mo? E pano naman yung favorite color niya? Paano siya? Ang selfish at selosong karelasyon ay hindi masayang ka-relasyon. Mag-divorce na lang kayo!

Third Point:
Agree naman ako syempre. Kailangan mo rin isipin ang sarili mo. Ang verse na to ay para dun sa kakagaling lang sa isang Bad Breakup. Yung tao na feeling niya, binigay niya ang lahat at wala nang ibibigay pa. Need mo rin makabasa ng ganito paminsan-minsan para mag move on. Pero pag naka move on ka na. Wag mo sana gawing basehan ang verse na to para sa Rules Of Falling In Love mo. Kawawa ang magiging partner mo.

Tip ko sayo, manood ka na lang ng Divorce Court:

Promise, aantabayanan ko tong Digital Romance Inc dot com na to. Isa lang to sa mga website na ginagawang negosyo ang pag-ibig.

digital-romance-logo

digital-romance-logo

Kung naghahanap ka ng pag-ibig, punta ka sa nanay mo. Sure ako, meron dun. Paglulutuin ka pa ng favorite mong Kare-kare.

Unahin Na Natin To: October 18: Professional Blogging Summit #dpop

Another round of gathering for bloggers. This time, we occupy A Venue Makati.

From 1pm to 5pm, guguluhin namin ang Makati. Makikihalubilo, magpapalitan ng kuru-kuro, mage-expand ng network, mangangamusta, matututo, magtuturo, at higit sa lahat, magb-blog! Wala din naman kaming ginagawa sa mga forums at mga summit kundi puro ganyan.

Pero may output kami. Sana lang sipagin.

professional blogging summit

professional blogging summit

At sana rin, hindi bumagyo.

This is a 1-day, by-invitation only. Registration starts at 12nn.

Ang paborito ko sa mga ganitong gathering ay ang blogoselfie. Lahat ng umattend, magsisiksikan sa isang lugar at kukunan ng isang panoramic shot o di kaya isang video na pasigaw na sasabihin na “Wish You Were Heeeeerrree!”

Kung gusto mong makasama, pwede kang mag-click sa LINK NA TO, at i-fill out ang form. Andyan na rin ang details at agenda ng summit:

http://ecommercebootcamp.digitalfilipino.com/october-18-professional-blogging-summit/

Magkita-kita tayo don!

KnP Will Be Part Of Blogapalooza 2014

Blogapalooza Blogger Event

 

Kampeon Ng Pagibig will be part of Blogapalooza 2014.

Strangely, sa tagal kong blogger, never pa ako umattend ng Blogapalooza. Dahil siguro marami akong trips at busy ako sa ibang mga bagay noon.

Ngayong taon, naka-plot na ang September 20 sa calendar ko. Pupuntahan kita Blogapalooza 2014. Sana magkita-kita tayo doon!

Blogapalooza 2014

Blogapalooza 2014

Kita kits mga idol!

We Almost Dated: The One Who Won’t Go Away – Counter Blog

Original Text Here: http://thoughtcatalog.com/elle-seejay/2014/07/we-almost-dated-the-one-who-wont-go-away/

Ang problema kasi sa ganitong The One Who Won’t Go Away aka TOWWGA, hindi ka niya talaga gusto.

Maaaring trip ka lang niya noong panahon ng hookup niyo dahil minsan lang siya magkaroon ng oras. Baka naging catalyst ka lang ng kanyang realization na gusto pa pala niya magpaka-binata. Nagkataon lang na kinati siya at kailangan niya ng tagakamot.

Hindi rin talaga siya naniniwala sa forever. Siguro hindi ngayon.

Masyado siyang busy. Araw-araw trabaho. Papasok sa opisina ng alas sais ng umaga at uuwi ng alas onse ng gabi. Sa loob ng kanyang opisina, kaliwa’t kanan ang meetings, napakaraming paperworks, paggawa ng kung anu-anong projects ang makikita mo. Hindi matapus-tapos na pakikipaghalubilo sa 2300 na empleyado. Kahit ang pag-CR niya ay hindi niya magawan ng oras.

Minsan pa, maaalimpungatan pa siya sa pagtulog. Gagawa ng papers at mag-aaral ng cases. May tatapusin na video project o may tatawagan na kliente sa ibang bansa. Mag-iiwan ng bilin sa mga taga-graveyard shift. Basta sobrang busy niya.

At wala siyang panahon para sayo. Wala siyang panahon sa mga kalandian mo na wala sa lugar. Ang mga text message mo na kumusta ay isa lang sa libo-libong text message na natatanggap niya sa isang araw at nasa least priorities niya.

Actually nga, wala ka sa priorities. Ni hindi ka nga option.