Category Archives: Legacy – GC

girlfriend chronicles. outdated. case closed.

Bagong Profile Picture by Muzy

Dati, madali lang sa akin ang magpalit ng profile picture sa FB. Naging ugali ko na kasi magpa-picture at mag-crop ng photos para may kasama ako sa FB profile pic ko. Kadalasan, babae ang sinasama ko sa picture. Minsan, parang sweet na nga e.

May one time na sinabihan ako nun kasama ko sa profile pic na palitan ko yung picture. Magagalit daw kasi ang asawa niya. Sinunod ko naman dahil medyo makatarungan naman ang reason.

Kahapon, muli kong napag-tripan ang profile picture ko sa FB. Naghanap ako ng picture na kasama ko ang Diwata. Nakakita ako ng picture namin sa McDo na kumakain. Bago ang braces ko nun kaya pinapakita ko yun sa lahat ng aking pictures.

Mukha nga akong tanga e.

Ang kaso, nang makita ng Diwata yung profile picture ko na magkasama kami, pinatanggal niya. Hindi naman niya binigay yung reason kung bakit.

Syempre ako, proud ako na mag girlfriend ako na maganda. Gusto ko ipakita sa mundo kung gaano ako ka-swerte na lalaki na magkaroon ng isang Diwata bilang girlfriend. Kaya medyo nainis ako nung pinapatanggal niya yung picture.

Pinapatanggal niya daw kasi panget yung picture.

Yun naman pala ang dahilan. Anak ng teteng naman na dahilan yan. So ako, ginawan ko ng paraan. Binuksan ko ang Muzy.com at in-edit ang picture doon. Nilagyan ko ng kaunting effects para maging mas kaaya-aya. Iba talaga ang nagagawa ng photo editing tool.

new fb profile pic edited thru muzy.com

new fb profile pic edited thru muzy.com

Kaya heto, nun pinalitan ko na at pinaganda ng kaunti, hindi na umangal ang Diwata. Well, siguro ayaw pa rin niya yung pic dahil sa pose namin na hindi masyadong sweet pero hindi na ako nakarinig ng angal. Naintindihan na siguro niya na kung gaano ako ka-proud sa kung ano ang meron kami ngayon.

 

Bagay Sayo Ang Gupit Mo

Happy Birthday Camilla Rivera.

Tapos na ang party. Kain ng konti bago umuwi sa kanya-kanyang bahay. Dumaan kami sa Jollibee malapit sa St.Lukes Global City. Umorder ako ng cheeseburger meal nang may pumasok na text message./

“Dito na ko sa bahay… Nagugutom ako.”

barbershop

Nagreply naman ako, “Andito kami sa McDo, bibilhan kita. Ano ba gusto mo?”

Nasa counter na ako at ayoko na pinag-aantay ko ang crew ng Jollibee. Dapat marunong tayong makibagay. Tinawagan ko na ang Diwata para tanunging kung ano ang gusto niya.

.

Dalawang cheeseburger meal at isang Peach Mango Pie. Take Out na lang. Alam kong magtatampo ang mga Kampeon pero ayos lang. Mas importante sa akin sa mga ganitong pagkakataon ang Diwata.

Mula Jollibee, nilakad ko na hanggang Guadalupe. Malapit lang naman yun. Isa pa, may shortcut naman. Tsaka hindi naman ganoon kadelikado dahil magaling naman akong mag Kung Fu. JOKE… Malakas ang kabog ng dibdib ko kaya mabilis din ako maglakad.

Nagkita na lang kami ng Diwata sa may Guadalupe area. Sumakay ng Jeep. Medyo nag-aaway pa kami dala ng gutom at inip.

Pero ang unang-una niyang sinabi sa akin bago ang lahat ay ang nagpakumpleto ng araw ko. Mas masarap pa itong pakinggan kesa sa mga salitang “I Love You” o “Mahal Kita”.

Sinabi niya ng malumanay na may kasamang ngiti. Hindi ko talaga malaman kung anong tuwa ang naramdaman ko. Daig ko pa ang nanalo sa Lotto. Sa sobrang tuwa ko, ililibre ko ang lahat na magko-comment sa blogpost na ito.

Couple Ring

“Asan ka na ba?”, ang tanong niya sa text. Buti na lang at tapos na ako bilhin ang kailangan ko.

Gamit ang aking dalawang kamay, nagreply ako sa text niya gamit ang aking Samsung Champ na may puting housing, “3rd floor, malapit sa Folded N Hung”.

Hindi ko kabisado ang Robinsons Galleria. Madalang akong makarating dito. Wala rin kasi gaanong events sa side na ito ng San Juan. Mas madalas ako sa Glorietta at sa Megamall.

singsing

Ganunpaman, na-exercice ko pa rin ang pagiging Mall Rat ko. Lahat ng sulok ng Mall ay nilibot ko makita lang ang saktong sakto na mga singsing na magka-kasya sa mga daliri namin. Size 7.5 ang ring finger ko. Sa kanya naman ay Size 5.

Inalam ko na na magkapareho ng size ang kanyang ring finger at ang aking pinky finger sa kaliwa. Hindi ko na kailangan hiramin pa ang panukat ng tindera sa Unisilver, Silverworks at Argente’e para lang malaman kung sasakto sa kanya ang singsing.

Isang taon na rin kasi kami. Medyo parang napaka high school pero feeling ko rin, kailangan ko na magdagdag ng accessories sa aking wardrobe. May dalawa akong bagong relo na sa kaliwang wrist ko nilalagay. Napaka-bare naman ng aking kanang braso kaya singsing na ang pinakamagandang ilagay.

Isa pa, gustung-gusto ng diwata magkaroon ng singsing. Gusto niya maramdaman na inaangkin siya. Hindi ako magde-deny na hindi ko rin yun gusto.

Nang magkita kami ng Diwata, isang kiss sa cheek ang ipinansalubong ko sa kanya. Niyaya ko siyang umupo muna pero hindi siya pumayag.

Tinanong ko siya kung nagugutom siya. Niyaya ko siya sa McDo. Mas madali magbigay ng singsing pag nakaupo. Humindi pa rin siya. Sinabi lang niya sa akin na kumain na raw siya.

Sabi ko, magpahinga muna kami. Maupo muna sandali. Sabi niya, kailangan na namin umalis dahil may pupuntahan pa kami sa Greenhills. Makikipagkita kami sa ate niya. Wala na daw oras.

Guess what kung paano ko binigay sa kanya ang singsing….

 

Isang Taon

Sabi nga namin, anniversary namin ngayon. Saktong isang taon mula nang makilala ko ang Diwata. Hindi ko nga siya kaagad kinausap sa araw na yun pero pinaramdam ko sa kanya na gusto ko na siya.

Yun ay dahil naramdaman ko rin na gusto na niya ako.

Hindi naman natin pwedeng sabihin na love at first sight ang nangyari. Para sa akin kasi, Love is a choice. Pinagpatuloy ko ang paghanga at pagbigay ng importansya sa kanya. Ibinahagi ko ang aking talento, husay, galing at oras sa mga panahon na kailangan niya ako.

May mga araw din na hindi kami nagkakaintindihan pero mas maraming pagkakataon na masaya kami.

Masaya ako sa isang taon na nakilala kita. Pero para sa akin, hindi sapat ang isang taon para maibuhos sa iyo ang kung anong pagibig meron ako.

 

ang diwata

artwork mula kay Jondymar ng Anod Sign

Ituloy lang natin ito.

 

* salamat kay Jondymar na kanyang tagahanga para sa ARTWORK. alam kong hindi ka nahirapan sa paggawa ng art dahil hindi na kailangan ng photoshop ang katawan ng diwata.