Marami akong naririnig na mga plano na echos lang kung tutuusin. Gusto ko sana mag-focus sa mga ito at bigyan ng qualification yung echos lang , versus yung plano talaga.
Ididiin ko lang, para gets nating lahat. Mahirap kasi sabihin na accomplishment ang isang bagay kung hindi naman nag-materialize.
Nakakainis lang kasi. Yung puro tayo pangako, hindi naman natutupad, di ba? Kapag ganyan ng ganyan, masisipa tayo sa Duterte cabinet, gaya na lang ng nangyari kay Leni Robredo.
Eto mga sampol:
- Plano ko maging Abogado – pero Nursing ang course.
- Plano namin magpakasal – may date na ba ng wedding?
- Plano ko mag-ipon – magkano na ipon mo?
- Plano kong pumasa sa exam – pero booked ang weekends sa out of town.
- Plano ko magka-kotse – HINDI KA NGA MARUNONG MAG-DRIVE!
- Plano ko mag-ibang bansa – ano gagawin mo dunn, mamamamalimos?
- buy neurontin with paypal Plano kong maging jowa siya – Like and Heart sa FB ang panliligaw moves mo?
Isa lang ang gusto kong i-point out dito; wag natin seryosohin ang mga PLANO lang. Hindi yan accomplishment. Walang natutulungan yan.
Ang tawagin natin na accomplishments, yung mga may nagawa na.