Category Archives: Memory Miyerkules S2

Memory Miyerkules. Throwback season 2.

Memory Miyerkules S2: Respeto

Elementary Days.

Ako ang presidente ng section namin noong Grade 5 – Understanding. Hindi ko na maalala kung paano nangyari basta ang alam ko, ako ang naatasan gumawa ng mga bagay bigang leader. Actually, hindi ko sila ginagawa. Dini-delegate ko lang ang trabaho sa mga taong alam kong may talento para gawin ang mga ito.

Dahil mas mabilis matatapos ang work kapag bihasa ang manggagawa. Mas maayos ang trabaho pag specialized ang worker. Mas pulido ang kalalabasan kapag nage-enjoy ang empleyado.

Pero hindi ganoon ang story ng kabilang section; ang Meekness.

Ang alam ko, si John ang binoto nilang presidente noong simula ng school year. Kaso lang, noong ikalawang buwan pa lang, naiba na ang story.

Pinalitan ng kanilang adviser ang si John. Hindi na siya ang nakikita ko pag may meeting ang mga class officers.

Hindi ko alam kung bakit. Ang pinakanasagap ko lang na balita, it was an issue about responsibility. Feeling daw ng adviser, pinaglaruan lang ang botohan. Iniluklok lang ng boys ang isang leader na alam nilang makakasama nila sa kalokohan. Isang leader na pababayaan lang maging magulo ang klase. Isang pinuno na hindi lang pagtatakpan ang tiwali, kundi pangungunahan pa ito.

Ganun din naman ata ako noong elementary days. Actually, hanggang ngayon, medyo ganun din ako. Pero bakit iba ang naging tingin ng aking adviser sa akin?

Siguro, pag adviser na rin ako, makikita ko rin ang dahilan.

Sa ngayon, tinanggap ko na muna ang responsibilidad at ipinangako na gagawin ang lahat sa abot ng aking makakaya.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

Memory Miyerkules S2: Matuto Kang Sumunod – COCC

COCC – Cadet Officers Candidate Course.

Hindi ko alam kung may ganitong programa pa rin sa High School. Malamang wala na, dahil wala na ring High School program ngayon. K-12 na ang format ng mga paaralan sa Pilipinas at hindi ko alam kung may High School pa.

Ang COCC ay ang programa para maging officer ka sa CAT. Military training ito ng mga high school students. Ang katumbas nito sa College ay ROTC.

Noong second year HS ako, nasa COCC program ako. Para sa final interview namin bago maging officers, kailangan namin harapin ang commandant at sumunod sa isang mabilis na drill bago ang one on one interview.

Hindi ako mabilis kabahan, at sa pagkakataong iyon, ganun pa rin ang disposition ko. Kaunti lang kasi kaming nasa programa at isa rin ako sa mga elite. Malaki ang kumpyansa kong makakuha ng magandang posisyon.

We are all aiming for the same spot; which is Corps Commander.

Nang ako na ang tinawag, humarap ako sa aming Commandant na nakataas ang ulo, chest out, stomach in, 45 degrees, in attention.

Kagaya ng dati, nakaupo ng diretso ang aming Commandant. Maitim ang kanyang skin na alam mong nabilad talaga sa araw sa dami ng kanyang trainings at rescue operations. Malaki ang butas ng ilong niya na alam mong kayang suminghot ng popcorn. Kahit na inaantok ang mga mata, sa isang bilang lang ay kaya niya itong imulat para ikaw ay masindak.

Kung makaharap ko siya sa giyera at tinitigan niya ako ng kanyang signature Tiger-look, hindi ko maipuputok ang rifle ko.

Binigyan niya ako ng instructions; tumalikod, liko sa kanan, kanan, tumalikod, kaliwa, kaliwa, hinto. Madali lang kung mabilis ang pickup mo.

At ginawa ko naman. Kung hindi mo naiintindihan ang programa, kung wala kang alam kung bakit mo ito ginagawa, kung hindi mo alam kung ano ang inyong ipinaglalaban, magmumukha kang katawa-tawa.

Pero dahil alam ko kung ano ang gusto ko, alam ko kung ano ang makukuha ko, alam ko kung bakit namin ito ginagawa, sinunod ko ang utos.

Tumalikod, NA!
Pasulong, KAD!
Kaliwang panig, NA!
Kaliwang panig, NA!
(so on and so forth)

Matapos ang mini-drill, hinanda ko ang stomach ko na walang panama sa laki ng tyan ng commandant. Tinitigan ko ang kanyang Tiger-look ng sarili kong version ng Eagle-eye. Itinaas ko ang noo na parang walang kinatatakutan. Inayos ko ang tindig na parang sasayaw.

Isang taon ko itong pinagsanayan. Kalahati ng buhay ko itong pinangarap. Handa na ako sa unang tanong!

Memory Miyerkules S2: Lost and Found

Uso ba sa  school ninyo ang lost and found?

Noong nag-aaral pa ako sa DLSU, mayroong planner sa bawat school year. Libre yun pag frosh ka, kailangan mo naman yun bilhin pag hindi na.

First year ako noon. Bilang regalo sa pag-graduate ko noong high school, binigyan ako ng ninang ko ng 500 GC para sa SM. Wala pang sodexho GC nun. Ang ginawa ko, inipit ko sa planner ko ang GC dahil wala naman akong balak gamitin pa yun. Pang-emergency na rin siguro.

Ang problema, naiwan ko ang planner sa Sports Complex isang PE day namin. Binalikan ko siya nung napansin kong wala sa bag ko ang planner pero hindi ko na nakita. Sayang yung planner na yun. Nakasulat doon mga assignments at deadline ng projects ko. Badtrip talaga.

Buti na lang may mga kaklase akong pwedeng mapagtanungan dahil block section pa rin naman kami noon Frosh years.

After about a few weeks, naisipan kong puntahan ang Lost and Found desk ng school namin. Nasa Discipline Office yun. Tutal may pangalan naman ang planner ko. Nagbakasakali na rin ako na naka-ipit pa rin doon ang 500 GC ng SM.

Swerte na lang din na nung nag-inquire nga ako, nakasulat nga sa logbook nila na may naibalik na planner doon na nakita sa Sports Complex. Matapos kong i-present ang ID ko, binigay sa akin ng Paragon (tawag sa student volunteer ng Discipline Office) ang planner ko. Tuwang tuwa ako!

Masaya! Peksman! No joke!

Nang binuksan ko ang mga pahina ng planner, nalungkot ako.

Malungkot! Peksman! No Joke!

Wala sa planner ko ang inaasahan ko na 500 GC ng SM. Wala siya sa insert nung front flap at wala rin sa likod. Wala talaga. Naiwan na lang yung mga naka-ipit na love letters at mga resibo ng kung anu-ano.

Pero walang GC.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking