Category Archives: Memory Miyerkules S2

Memory Miyerkules. Throwback season 2.

Memory Miyerkules S2: Paano Kumain Ng Saging

by Judge Jose De Leon RIP+

Hindi nawawala sa hapagkainan namin ang isang piling ng saging. Matapos ang dinner, kukuha ng isang pirasong saging ang lolo ko nun buhay pa siya.

Hindi siya parang monkey na babalatan at ngangasabin ang saging. Hindi siya kagaya namin.

May class kumain ng saging ang Lolo ko.

Sa gabi-gabi ko siyang nakikita kung paano kumain ng saging, pwede na ako gumawa ng step by step procedures. Sayang at hindi ko siya nakunan ng litrato noon.

  1. Mula sa tangkay, balatan ang saging ng isang pilas lang. sapat para makita ang loob.
  2. Kung kasya na ang tinidor mo, sapat na yun. Kung hindi pa, pumilas ng isa pa. Siguruhing hawak mo ang saging sa isang pilas ng balat niya.
  3. Wag na wag dapat mahawakan ng kamay mo ang saging.
  4. Gamit ang iyong tinidor, himurin ang mga parang sinulid na kanto ng mga pinagbalatan. Medyo rough ang mga ito at hindi dapat kasama sa kinakain.
  5. Kung may chocolate syrup o peanut butter ka, pagkakataon mo na ipahid sa saging yun. My Lolo likes it plain.
  6. Tusukin ang saging at iangat na parang lever ang tinidor para makakuha ng bite size. Ito ang iyong tutusukin namang muli para isubo.
  7. Eat and Repeat. Enjoy.

Banana is the common name for an edible fruit produced by several kinds of large herbaceous flowering plants of the genus Musa.

Napaka-saya kumain ng saging. Magandang source ito ng potassium. Kumakain ako ng saging pag may diarrhea o hangover ako. Bumabalik sa normal ang bowel movement ko kapag may saging sa diet ko.

Geesthacht Trivia: Hindi kumakain si PenTells ng saging. Hindi niya gusto ang amoy. Nababahuan siya. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa condition niya na ganun; para sa akin tatawagin ko na lang yun na ContraMonkey or SagingPhobia.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

Memory Miyerkules S2: Biglaan

Sanay na ako sa pambibigla ng mga tao. Yung character ko kasi, medyo friendly at medyo safe. Pero ang hindi alam ng iba, associated pala ako sa mga taong kilala din nila.

High School. Kwento lang ito ng batch ng kuya ko.

Medyo PDA kasi kami ni Super Ex nun High School. At syempre, napapansin ito ng lahat. Ang love team namin ay inaabangan noon. Usap-usapan ang team up namin ng school na may population na hindi hihigit sa 250 students.

Isang patay na oras sa upper class, nai-kwento daw ng History / Social Studies teacher namin kung ano ang napapansin niya sa team up na Angel-Pepi. Ganun na raw ba talaga ang mga kabataan sa panahon na yun? Ke-bata-bata pa, matapang na at mapusok.

At marami pang sinasabi na kasama din naman sa Social Studies kaya ayos lang.

Ang problema, nasa klase na yun ang kuya ko. Kapatid ko. Pareho kami ng tatay at nanay since birth.

Na hindi naman na-realize ng teacher namin dahil hindi kami magkamukha. Medyo popular din naman kasi ang aming surname.

FYI. Tatlo kami sa klase namin nung High School na pare-pareho ng surname. Hindi kami magkakamag-anak.

Ayun na nga, todo usapan daw. Hindi ko alam kung nahihiya ang kapatid ko na pinag-uusapan at ginagamit ako na example sa klase nila.

Hanggang sa sumagot ang Team Captain ng aming varsity team noon, “wag naman ganyan ma’m, nandito kapatid ni Pepi”.

“Sino?” ang tanong naman nung teacher. Dun lang niya nalaman na magkapatid nga kami ng kuya ko. Akala raw niya joke joke lang.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

Memory Miyerkules S2: Sumisid ng Mulat.

Hindi ako natural swimmer dati. Yung skill ko na pagdilat sa tubig, inaral ko lang. As much as possible, ayokong dumidilat sa ilalim ng tubig, dahilan para magdala ako ng goggles sa beach man o sa swimming pool.

Ayoko naman lumangoy na hindi ko nakikita ang ganda ng ilalim ng dagat. Baka rin may piso sa ilalim ng swimming pool; sayang din yun.

Elementary days. Isang summer.

Bitbit ng daddy nila Unni Matthew, naglakad kami sa mga pilapil ng isang palayan na katabi ng amin village sa San Lorenzo South Subdivision. Tinahak namin yung mga pilapil papalapit sa South Luzon Express Way. Buong akala ko, makikipagpatintero kami sa mga Toyota Corolla at Honda Civic na tumatakbo ng 100kph.

Hindi naman pala.

Alam ba ninyo kung saan galing ang tubig sa palayan? Pina-pump pala ang tubig na ito mula sa isang irrigation base. Dun ang punta namin. Medyo malaki ang tangke ng irrigation at pwede daw magbabad dun na parang jacuzzi.

Ang kaso, malamig ang tubig ng irrigation.

Hindi naman ako nasabihan beforelob, nagbahand na yun pala ang trip namin. Akala ko, maghahanap lang kami ng mga suso sa palayan o magbi-bird watching kagaya nung dati. Hindi ko alam bakit medyo malaswa na ang term na “bird-watching” ngayon. Teka, malaswa din ata ang “paghahanap ng suso”.

Ayun na nga, nakarating na kami sa aming destinasyon. Katabing katabi lang ng mga rumaragasang sasakyan sa SLEX ang irrigation base. Lumublob na kami at nagswimming. Hindi pala yun ganun kalaki.

Pero malinis ang tubig. Hindi gagamit ng maduming tubig ang irrigation dahil hindi masarap kumain ng maduming sinaing.

Naghilod, lumublob, nagbasaan, kwentuhan, tawanan, yan ang trip namin. Dito ko na rin sinubukan na imulat/idilat ang aking mga mata sa ilalim ng tubig. Hindi naman pala ganun kasakit sa mata. Mahapdi kapag sa swimming pool dahil sa chlorine pero para sa ganitong klase ng tubig, ayos lang.

Yun ang unang beses ng aking pagsisid na naka-dilat. Gusto ko, kapag sumisisid ako, nakikita ko ang aking sinisisid.

Bat parang malaswla ang Memory Miyerkules na ito?

Memory Miyerkules S2: End of the World

ito ang closest experience ko sa akala kong end of the world.

1991, bahay sa Sta.Mesa. Wala ako gaanong naaalala kundi yung lahat kami ay tinawag para umupo sa salas ay humarap sa Sto.Niño na nakaluklok sa altar sa may organ.

Nakaupo ako na katabi o nakakalong sa yaya ko. May hawak na rosaryo si Lola Nora at bumibigkas ng dasal na noong panahon na yon ay hindi ko alam bigkasin. Baka simpleng Hail Mary lang yun o Our Father pero di ko talaga maalala.

Nakapikit sila. Taimtim na nagdarasal.

Habang ako, medyo napapangiti pa dahil feeling ko, nasa ride lang ako ng isang theme park. Parang nasa Grand Carousel lang ako sa Boom na Boom o Payanig sa Pasig.

Ang kakaiba lang dito, lahat ay gumagalaw; ang sahig, ang tubig sa baso, yung isda sa aquarium, yung lamesa, yung upuan, yung duyan na wala namang tumutulak. May naglalaglagan na mga baso, plato, kutsara at tinidor.

Pero huminto din ang pagyanig. Huminto din siya eventually. Gumana siguro ang pagdarasal ng mga kamag-anak ko. Malakas kasi ke God si Lola Nora. Alam ko yun dahil lahat ng pinagdarasal niya ng taimtim ay natutupad.

After ilang araw, umulan ng abo, abo na galing sa Pinatubo.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking