Category Archives: Memory Miyerkules

Memory Miyerkules. Throwback season 1.

Palitan Na Natin Ang Memory Miyerkules

Kung mapapansin ninyo, hindi na ako nagsusulat ng Memory Miyerkules. Hindi ko alam pero tinamad na ako magsulat tungkol sa kabataan ko.

Hindi naman naubos ang mga memories. Medyo personal na lang yung mga naiwan kaya hindi na karapatdapat pa ilathala sa internet. Siguro, pag naglabas ako ng libro, mababasa ninyo yung mga deep dark secrets na sana ay naisulat sa P:MM pero hindi na nailabas.

Pero ngayon, tingin ko, kailangan ko magsimula ng isa pang blog meme. Gagawin ko naman ang every Friday na tungkol sa kung ano ang nagustuhan ko sa isang tao. Malamang kilala na ninyo kung sino yung tao na yun dahil nasa title siya ng blogpost na to.

Tatawagan ko ito na Project: Friday is 4 Farah, or simply P:F4F. Tignan natin kung ano ang kahihinatnan.

Ang unang blogpost para sa project na ito ay lalabas next week. Gusto ko lang mag-commit ngayon para sure na lumabas na ang project next week.

Sure din naman ako na nagbabasa siya ng blog ko. Sana magustuhan niya ang gagawin kong project.

Abangan!

 

Memory Miyerkules Rootbeer

Alam niyo ba kung paano ginagawa ang rootbeer? Hindi ako sure a pero naka-imbento ata kami ng paraan dati.

Rootbeer

root beer was invented by Hires in May 20, 1866

Parating may stock ng Coke Litro dito sa bahay noong marami pang tao na naninirahan dito. Kapag merienda, bibili lang ng ensaymada at kababayan, at sasabayan ng Coke, ayus na.

Parati rin may gatas sa umaga. May isang basong gatas ka na timplado na kapag dumating ka para sa almusal. Hindi ko alam kung sino ang nagtitimpla pero yung Mickey Mouse na baso ko ang parati nilang trip pagtimplahan ng gatas. Malaki yung baso na yun kaya napipilitan akong uminom ng higit sa isang tasa ng gatas araw-araw.

Sa totoo lang, tamad akong mag-almusal. Minsan ngang nalimutan ko ubusin ang gatas ko at umabot na yun hanggang merienda.

After ng isang bite ng ensaymada, sumilip ako sa baso. Kulay puti ang ilalim ng Mickey Mouse na baso ko kaya pag sinilip mo, parang walang laman kahit may kalahati pang gatas doon.

mickey mouse glass

mickey mouse glass

Dalawang kagat, ansarap ng ensaymada. May mantikilya at asukal sa ibabaw. Spiral ang design ng ensaymada ng Kabayan Bakery.

Medyo kalahati pa ang ensaymada ng pinilit ko itong gawing bite size. Sinubo kong lahat dahil matapang ako. Ang ensaymada na ganito kasarap ay hindi dapat lalagpas ng tatlong kagat bago maubos.

Ano ba sa english ang nabulunan? Dahil nabulunan ako sa ensaymada at gusto ko ng Coke.

Mabilis na tinagayan ng Coke ang aking Mickey Mouse na baso. Mabilis itong napuno dahil may laman na nga itong gatas. Wala akong paki-alam basta kailangan ko ng panulak. Diretso shot ng Coke.

Coke na may Gatas.

Iba ang lasa niya. Kung ice cream ito, dapat coke float. Pero gatas lang e, kaya rootbeer lang.

Kaso, patented na pala ang rootbeer kaya tatawagin ko na lang na “Mickey Mouse Surprise Beverage” ang aking rootbeer.

Memory Miyerkules Starcraft sa LAN

Di pa uso ang mga mabibilis na connection noon . Kapag gusto mo maka-connect sa internet, kailangan mo ng landline para maka-connect gamit ang dial up connection.

Pwede rin naman maka-connect sa LAN pag tinawagan mo ang modem ng kapitbahay mo. Kami, ang ginagawa namin, naglalaban kami ng Starcraft gamit ang LAN. Ang parati kong nakakalaro ay si AssaZIN.

Kinakapatid ko si AssaZIN. Mahusay siya sa Starcraft. Siguro dahil talagang bano lang ako. Paborito niya ang Zerg at ako naman ay Protoss.

Medyo metikuloso ako sa paglalaro. Gusto ko nakaayos ang base ko. Meron tamang spacing ang mga buildings at meron sequence ang pagcreate ng units.

Kaya naman nalalaman ni AssaZIN kung sino ang kalaro niya ng Starcraft depende sa ayos at disenyo ng base.

Ngayon, Starcraft 2 na. Hindi na ata naglalaro si AssaZIN nun pero ang alam ko, naglalaro nun ang kapatid niya na si noAnswer. Sana makalaro ko sila ulit. Kahit magkampi pa kami sa 2on2.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Memory Miyerkules Sipon

Grade 2 ako noon. Walo lang kami sa klase. Nagkaroon ng contest sa school at kailangan nila ng mga contestants.

Bawat klase, may tatlong representatives para sa Declamation Contest at tatlo pang ulit para sa Reading Contest. Anim lang kami kaya ang chance ko na hindi mapili ay 25%. Sa swerte ko naman, napili pa rin ako.

Nailagay ako sa Reading Contest. English ang babasahin. Hindi mo alam kung ano ang babasahin mo until tawagin ka sa stage. Ang natatandaan ko lang, tungkol sa pusa ang binasa ko.

Pangalawa ako sa mga contestants ng Reading Contest na yun. Hindi ako ganun ka-confident na manalo dahil mas bihasa talaga ako sa pagbabasa ng Tagalog. Isa pa, alam kong may mas mahusay sa akin. Be yourself na lang ang ginamit ko na technique.

Well, gumana naman siya. Pero sa edad ko na walo, masasabi ko na uhugin pa rin akong bata. Sa gitna ng stage e tumutulo ang sipon ko habang nagbabasa. Hindi ko naisipan na punasan dahil ayoko mahalata ng tao na uhugin ako. Lahat ng audience e nakatingin sa akin. Pati yun mga may crush sa akin na kaklase ko e matu-turn off kapag pinunasan ko ang sipon ko.

Bahala na.

Pinaspasan ko ang pagbabasa. Hindi ko alam kung tama ang pronunciation ko. Hindi ko alam kung may na-miss ako na paragraph. The earlier to finish, the better. Gustung-gusto ko na punasan ang sipon ko at ang tanging chance lang para magawa ko yun ay kung makakatalikod na ako sa audience. Ang chance lang na makatalikod ako ay pagkatapos ko mag-bow. At makakapag-bow lang ako pag tapos na ako magbasa.

Guess what, hindi ako nanalo sa Reading Contest. Si Maan Garra ata ang nanalo nun, at sigurado ako na hindi siya uhugin.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.