Category Archives: Midgey Chronicles

I have this friend Midgey. She is a corporate girl and she ventures to a lot of businesses. case closed.

Malamang Naitanong Ko Na. Pero Ano Nga Ba Ang Nagustuhan Mo Saken?

Pepi De LeonGood morning.

: Good morning..

hi, kakagising mo lang?

: Andito ko nuvali now for a meeting…
Punta alabang after..

Pepi De Leon: oohh. fish feeding. andyan kami nun sunday.

: Im here for work e

Pepi De Leon: pwede naman sumingit ng onting fish feeding. 15 pesos lang naman yun. sa break mo. and yup, may convergys dyan di ba? parang trip ko dyan magwork.

:  Tuloy tuloy itinerary e.

Pepi De Leon: ouch.

: Bakit?
Ako gusto ko baguio

Pepi De Leon: gusto ko ng bahay sa nuvali. gusto ko dyan tumira.

: Push naten yan.

Pepi De Leon: or kahit sa sta rosa estates lang, para mas malapit. walking distance.e pano, baguio ang gusto mo. magkalayo pa din tayo nun

: Push naten yan mga plano naten.

Pepi De Leon: e plano ko makasama ka
sige sa baguio na lang din ako.

Pepi De Leon: Actually. Ok na sakin ang condo sa makati, rest house sa baguio, friend na taga nuvali. At province na uuwian from time to time.

Basta kasama kita.

: Thank you…

: Malamang naitanong ko na.. Pero ano nga ba ang nagustuhan mo saken?

Pepi De Leon: Gusto ko yung mata mo na sumasalamin sa iyong pagkatao, yung kulay mo na pantay at walang halong pagbabalatkayo, yung height mo na matangkad na humihingi ng respeto, at yung katawan mong balingkinitan na aruga ay hangad.

Pepi De Leon: Gusto ko yung ugali mong mapagpatawad at hindi mapagpatol, yung pag-iisip mo na malawak at hindi pananalita mong patahol, yung pagpapasalamat mong bigkas sa bawat papuring sayo’y iginagawad, at yung ngiti mong hindi pilit pag akoy iyong nababanaag.

Pepi De Leon: Gusto ko yung paglalaro mo sa pangalan, midgeyness, midgeykels, midgey, na galing lahat sa michelle. Yung mga tattoo mong alam kong madadagdagan pa, sa paglipat ng oras sa papel. Yung pag-like mo sa status ko, pero hindi lahat. Yung pag activate mo sa instagram at pagfollow-unfollow sa tapat at di tapat.

Pepi De LeonGusto ko yung trabaho mong malaki ang network, maraming tagasunod. Gusto ko yung lugar mo sa Muntinlupa, kung saan ka nakabukod. Gusto ko yung sweldo mong mataas pero nilalaan mo sa tamang landas. Gusto ko rin minsan, makabisita sa mga relatives mo sa Batangas.

Pepi De LeonGusto ko yung kwento ng buhay mong diretso kahit minsan lumiliko. Gusto ko yung palitan ng messages natin, kahit minsan pabiro. Gusto ko yung pagsabay mo sa trip ko, kahit madalas abusado na. Kahit minsan wala sa timing ang aking mga birada.

Pepi De LeonGusto ko yung unang halik, at yung mga susunod pa. Yung pagtanggap mo sa akin kahit hindi mo pa ako ganoon kakilala. Yung pangako na pwedeng maging tayo, hanggang sa dulo o higit pa. Lahat yan gusto ko, at marami pang iba.

: (Deactivated her Facebook)

Ang Normal Na Babae, Madaling Pakiligin

Pepi De Leon: Good Morning.
What time ka punta ng tattoo artist mo na si Onat Buenaventura?
Ngayon yun di ba?

: Good morning. Yep, that’s today. Mamaya pa. Office muna ako.

Pepi De Leon: Excited ka na?
Babe. Magkikita ba tayo soon?

: Excited na 😉
Yeah. Hopefully soon…
Kaya lang, we’re both selfish remember?

Pepi De Leon: I know.

: So medyo challenging lang pano magmemeet un sched natin.

Pepi De Leon: Let me tell you a secret.

: Shoot.

Pepi De Leon: I really really like you. I can’t stop thinking of you.
You are the first thought when I wake up and the last one when I sleep.

: And this is a secret I need to keep…?

Pepi De Leon: Kahit panaginip ko, ikaw ang laman.

: That’s good to know… Pero grabe pati panaginip? Niloloko mo naman yata ako e.

Pepi De Leon: Well. Nasa panaginip ka. Oo.
Promise, pwera biro.
This is a secret dahil gusto ko, ikaw unang makaalam.

: Hindi pa ba to nangyayare before?
I mean, sa ibang girls?
Sino ba susunod na makakaalam?

Pepi De Leon: Nangyayari, I just don’t let them know.

: Alright.. Di naman pala sya something new, then.
Why are you letting me know pala?

Pepi De Leon: Coz it’s true

: And hindi totoo un dati?

Pepi De Leon: Alin dati?

: Nararamdaman mo na yan dati sa iba di ba?
Sabi mo, you don’t let me know.
I asked u why you’re telling me, sabi mo kasi it’s true..

Pepi De Leon: Babe naman.
Hirap mo naman pakiligin e.

: I’m sorry..
Ang normal na babae, madaling pakiligin.

Pepi De Leon: Oo nga e.

: Bat kailangan kong kiligin?

Pepi De Leon: Bakit hindi?

: Kase, hindi sya make or break sa isang relasyon.

Pepi De Leon: E ano?

: It’s a phase. It’s a spice.

Thursday IS Judgment Day

: Uy babe.
D ka pa ssleep ulit?
Aga pa
Pepi De Leon: Sobra na sleep ko e.

: Ansarap ng nakahiga lang.
Babe, lapit na tayo magkita.

Pepi De LeonOo nga babe, Thursday na.
Tatlong araw lang pasok ko this week.

: Ilan sleep na lang.
Sarap

Pepi De LeonYep

: Ako 4, Pero my event ako ng Fri. haay.
Kya need pa dn pumasok.
Pero hapon pa event ko.

Pepi De LeonWe can’t get wasted pala Thursday

: So okay lang naman.

: Uy babe h
Idont get wasted
Wasted agad sa first meet up?

Pepi De LeonAy. Nice. Akin ka hanggang umaga.

: San tayo pupunta?
San tayo matutulog?

Pepi De LeonThere is so much to talk about na hindi natin need magpaka-wasted.

: Good…
Dun lng ba tayo magsstay sa Taguig?

Pepi De LeonI don’t want to discus my plans babe.

: Okay..
Sige 🙂

Pepi De LeonPero I want to know what you want.
It will be a custom tour.

: Im good with anything..

Pepi De LeonKasi, sa relationship. The guy has only 2 chances to call the shots:
1)      First date
2)      Marriage proposal

: Hmnn.. Tru..
Caccurious lang ako.
But I wont insist.

Pepi De LeonAno po yun?

: Ay wala po.

Tumataya Ka Ba Sa LOTTO?

Pepi De Leon: Tumataya ka ba sa Lotto?
 

: D ko pa nattry ulit

Pepi De Leon: Ako din e. Matagal na ko di tumataya. At hindi ako mahilig magsugal.
If I gamble, I gamble with love.

: Awwww.
Ako d nagsusugal.

Pepi De Leon: Parang gusto ko nga magresorts world.

: Ano gagawin?

Pepi De Leon: Sugal.
Or manood ng nagsusugal.

: Aww.
Gastos lang yan.
Manuod, pwede pa.

Pepi De Leon: There are things that you know you’ll regret if you fail but you still do it.
You TRY.
One of those things is love.

: Kaya nga baa hindi ako nagririsk sa love na yan e.
Tama na muna ang 2 beses.
Hehhehehehe.

Pepi De Leon: Well.
Pwede mo subukan tumaya, baka maka jackpot ka.
Ikaw.

:  🙂
Eh pag hindi…
Kawawang bata na naman ako.
Hahahha.
🙂

: Nakakatakot yan ah..

Pepi De Leon: I know…