Over the course of questions and hotseats, parating lalabas ang tanong na yan. Parang dyan din kasi nasusukat yung kalandian mo. Mas marami, mas malandi. Mas onti, mas pa-virgin.
Usually, pag nagtanong ako ng ganyan, parating may premise yung sagot.
“yung seryoso? Mga lima.”

So… kapag hindi kasama yung “seryoso” e mas marami pa?
Ano nga ba ang pinagkaiba ng relationship na seryoso sa relationship na hindi?
Iba’t iba ang sukatan natin ng pagiging “seryoso”. Iba kasi ang definition natin sa salitang “seryoso”. Yung iba, sinusukat ang pagiging “seryoso” sa haba ng relasyon. May iba naman, sa singsing.
Ako, currently. Pito. Pitong seryoso. Dahil pito lang naman talaga.
Ang definition ko ng seryoso ay nakadepende sa pagkakakilala sa bahay.
Pag alam na ng nanay ko na naging kami, seryoso na yun. Kasama na siya sa bilang. That means, kapag nakapunta na siya sa bahay, nakakain na sa lamesa, natanong na ng nanay ko ng kaunting questions, ayan seryoso na yan.
Mukhang seryoso na si Alden kay YayaDub… Ipapakilala na siya bukas sa mga Dabarkads. Bibisita na siya sa Broadway.