Category Archives: Personalan

this is too personal. not everyone can read, much more understand.

Birthday Wishlist 2014

Na caught off guard ako nung huling nandito sa bahay sina Bong. Paalis kasi sila, papunta sa mall, at tinanong nila kung ano ang gusto ko para sa birthday ko. 9 days to go na lang bago mag Keep Calm pero sa totoo lang, I am not expecting gifts.

Para sa akin kasi, PRESENCE over Presents.

wishlist 2014

wishlist 2014

Napipilitan tuloy akong mag-isip, or humingi. Yung isang agent ko rin sa office, nagtatanong din sa akin kung anong gusto kong regalo.

Kaya ngayon, gagawa na lang din ako ng Wish list. Sayang naman, baka may extra silang pwedeng i-share sa akin. Tutal, sagot ko na naman lahat sa birthday ko, might as well, kapalan ko na ang mukha ko.

Una, like mo muna to sa FB:

OK, game. WISHLIST Na Tayo:

  1. Hammock galing sa hammock republic. Like them on FB. 1k lang ata ang isa. Gusto ko ng ganito para kapag pupupunta ako sa beach, pwede akong magsabit na lang ng hammock at dun na matulog. Not particular about the color, pero mas ok pag matingkad na green. https://www.facebook.com/hammockrepublic

    hammock republic

    hammock republic

  2. Extend Pa cake. Yung Rectangle ang size. Ayoko ng Bilog. Ang gusto kong nakasulat sa birthday cake ko, if ever, ay EXTEND PA; dahil masarap mabuhay. Ayoko makakita ng salitang Birthday. Arte lang. Nakita ko lang din ang concept sa FB.
  3. G-Shock. Hindi ako mahilig sa relo, actually. Sira nga ang relo ko ngayon, yung nabili ko lang sa bangketa sa Tutuban night market. Yung relo ko din na galing Aegis, hindi ko makita. Pero kung magkakaroon ako ng relo, G-Shock na. Pwede niyo bilhin kay Ron Rabadon. https://www.facebook.com/ron.rabadon?fref=ts

    G shock

    G shock

  4. Donation para sa Gift In Kind Foundation. Kung ayaw ninyo ako bigyan ng regalo, pwede na sa akin na mag-donate kayo para sa outreach program ng GIKF. We have been doing this for the past 7-8 years na at ang kaunti ninyong tulong ay makakaabot ng ligaya para sa isang buong eskwelahan sa Zambales. https://www.facebook.com/GiftInKind

    GIKF 2013

    GIKF 2013

  5. Sign Up sa TravelFactor.org. Kung ang susunod na trip mo ay sa Travel Factor, automatic na ako ang maga-assist sayo. Sign Up na sa next UBBE Caramoan or CONQUER Pulag.
  6. Tumatanggap din ako ng mga usual na regalo. Small kapag T-Shirt or polo. Medium kapag briefs. Sports socks, shorts, pwede na sakin yun. Pwede rin naman na mga malalaki like DSLR or Flat Screen TV. Ok na din ang mga panyo, sumbrero, shades. Bahala na kayo. Pero ang sabi ko nga, PRESENCE is more important than Presents.

Ayan, Wishlist na yan. Pag may magtatanong pa, dito ko na lang din iri-refer. 9 days to go na lang KeepCalm na. Excited na sila!

Dear Mark Oyelle

Dear Mark Oyelle,

Naalala ko pa noon, taga taas ka. Tatawid pa ng putol na kalsada para makapunta sa inyo. Takot kami sa mga malalaking aso sa may itaas kaya napipilitan kang bumaba sa may amin para makipaglaro. Paborito pa natin noon yung pag-akyat ng bubong.

Lahat na ata ng larong bata, nagawa natin; nag-teks, basketbol, moro-moro, tumbang preso. Yung pag-akyat sa hachoo volcano, perfect mo pa non dahil ikaw ang pinakamabilis. Nakapaglaro din tayo ng sipa, taguan, mataya-taya, mangki-mangki. Pati yung modified na taguan na hango sa counter strike ay tinawag natin nag Bang-Shock.

Pati mga katarantaduhan na bot at swak, ginagawa natin sa isa’t isa. Walang hiya-hiya.

Nakapaglaro din tayo ng Mario, NBA Jam, at Battle City. Hindi lang tayo marunong maglaro sa kalsada, marunong din tayo mag laro ng computer.

Natapos lang yun nung nagsimula na tayong magseryoso sa pag-aaral. Alam ko, ikaw naging seryoso ka. Parati kang umaakyat sa stage kapag recognition day. Nakakatuwa dahil mga taga zone 7-8 ang parating umaakyat sa stage noon. Feeling ko, lahat ng katalinuhan, nasa kalsada natin.

Masipag ka mag-aral e. Nang magsimula kang magsuot ng salamin, mas lalo kang nagmukhang matalino.

Nag High School, College, hindi na tayo nakapaglaro ulit.

Nakita na lang kita one time noong nagtuturo ka na sa Lasalle. Kinainggitan kita noon. Gustung-gusto ko na rin kasi magturo pero hindi ko alam bat hindi ko pa sinisimulan. Gusto kong maka-impluwensya ng mga buhay ng mga estudyante. Gusto kong mag-transform ng lives, at alam kong ginawa mo na yun.

Pero bakit ba, ano bang nangyari? Pabalik-balik ka raw sa ospital. Yung sakit mo, nagpatung-patong na. Unfair siguro ang tadhana, kung sino pa ang mabait, ang matuwid, ang matalino, siya pa ang tinatanggal sa mundo.

Ngayon tuloy, naiisip ko, sino na ang papalit sayo? Wala na akong hihintayin na bumaba ulit sa may amin para makipaglaro, makipag-taguan, makipag-teks, at moro-moro.

Baka kailangan ko na mag-step up. Baka kailangan ko na gawin ang matagal ko nang gusto, ang bumalik sa klasrum at mag-share ng knowledge ko. Baka kailangan ko na gawin ang iniibig ng puso ko. Baka nga.

Salamat sa mga alaala. Pakinggan mo ang awit ko, nangungulila sayo. Mami-miss kita.

 

KnP visits Sky Fitness gym

Nabitin ako sa Mt Pulag kaya naisipan ko mag-gym. Akalain mo nga naman na may Sky Fitness gym sa 4th floor ng Podium. One ride lang yun from my house kaya dun na ako pumunta.

schedule

selfie at the gym

selfie at the gymsky f

Bago ang session, bibigyan ka muna ng assessment ng iyong fitness coach. Titignan niya yung built mo at yung muscles mo kung alin ang dominant at active. From there, gagawan ka ng isang program depende sa targets and goals mo.

Since 1 time session lang naman ang trip ko (worth P1,800), diretso na kami sa stretching at warm up sessions. Tinanggal na kagad yung lamig gamit ang rollers.

Kung tutuusin, kaya mo gawin ang mga exercises sa bahay. Ang kaso, you will not really feel motivated kung wala kang trainer.

What Sky Fitness has is a bunch of coaches that are schooled and trained to make you fit. They can be very sure of what they are doing. With the program designed specifically for you, I am confident that there will be zero injuries.

Safe na safe ka sa kamay ng coaches mo.

Eto ang pictures na nakuha ko. Pasensya na,  onti lang sila dahil busy ako sa pagwo-work out.

360here always one on one notjust agym premiummerch schedule sky fitness wall

Mahirap Mag Expect

Kung nanliligaw ka, or galing kayo sa isang fight, or war talaga kayo, o kahit yung alam mong exclusively dating kayo pero wala pang umaamin, mahirap yung bibitaw ka ng I LOVE YOU pero nage-expect ka ng I LOVE YOU TOO pabalik.

Mabigat yun. Yun yung parang binigay mo yung best mo, yung buo mong tiwala, yung puso at kaluluwa mo ay ibinenta mo sa demonyo pero wala kang nakuha kahit katiting.

Para kang bumili ng item sa toy store na buo ang presyo at walang sukli. Para kang nagbigay ng limos pero itinakbo lang niya ito. Para kang bumili ng kendi na maraming langgam at hindi na napakikinabangan. Parang umakyat ka sa puno ng mangga para pumitas ng bunga pero nadiskubre mo na puno ng acacia pala yun.

In short, nagpakatanga ka.

Nagbabasa rin kasi ako ng 2sides-of-dating nang maisipan kong magsulat tungkol dito. Bumibitaw na sila ng I Love You at I Love You Too sa isa’t isa pero hindi pa sila. Wala pang titles ang pagiging girlfriend-boyfriend nila. Nakakakilig din kung tutuusin.

Kinakalat rin ng Travel Factor ang ad namin na may kadikit na Valentine kilig. Hinding hindi papalya ang beach sa pagsasabi ng I Love You More.

i love you more

i love you more

Malapit na rin kasi talaga ang araw ng mga puso. Sa totoo, hindi ko alam ang gusto kong mangyari. Gusto kong mag-celebrate kasama ka pero busy na ako. Hindi ko rin magawan ng paraan ang schedules ko para sayo dahil hindi ko rin sure kung ano ang feelings mo para sa akin.

Para akong nagbibitaw ng I Love You araw-araw, oras-oras, minu-minuto, at nage-expect ng I Love You Too pero hindi ko natatanggap.

Well, pathetic post. Ngayon na lang ulit ako nagsulat ng ganito.