Category Archives: Legacy – GC 2

girlfriend chronicles 2. outdated. case closed.

Anniversary Sa Zoobic Safari

Anniversary ng pagkikita at unang beses ng pag-uusap namin ni Pentells sa Sabado. To celebrate the occasion, dadalhin namin si Hayley sa Zoobic para tumingin ng mga animals.

Wait lang, pipilitin ko ma-konek kung bakit. Sandali lang, wag kayong mainip.

Eto na.

Gaya ng mga hayop sa Zoobic, kailangan ikaw ay malaya para magsimula ulit. Malaya sa kung anong nagho-hold back sayo para kumilala ng bagong pag-ibig. Sabi ni Papi John Lloyd, 3 month rule daw. Pero kung naka move on ka na sa mas lalong madaling panahon, why not. Pareho kaming malaya noon kaya swak sa pagkikita namin.

Ayan, na-konek ko na. Ibibigay ko naman ngayon ang details ng trip namin.

zoobic safari

http://www.metrodeal.com/deals/Metro_Manila/Zoomanity-Group/658796393

Kumuha kami ng voucher sa Metro Deal para sa celebration na ito. Mura na siya kung tutuusin dahil 500 pesos din ang entrance. Kung apat na tao ang covered ng deal na ito, sulit na dahil may lunch pang kasama.

Makikipagkita kami sa mga alligator, tiger, squirrel, birds, snakes, at ostrich. Puro kahayupan ang gagawin namin doon.

Excited na ako!

 

Hatian Sa Bahay

May tatlong buwan na rin kaming naninirahan sa Cainta. Hindi madali ang bumukod at makisama sa isang hindi mo naman talaga kaanu-ano. Nagiging madali lang ito dahil marunong kaming mag-usap at may respeto kami sa isa’t isa.

House sa UK. Hindi amin to, nakita ko lang sa internet.

House sa UK. Hindi amin to, nakita ko lang sa internet.

Paano nga ba natin hahatiin ang chores sa bahay? Trial and error din kasi ang sagot dyan. At syempre, likes and dislikes.

Kaya eto, uunahin natin ang likes and dislikes ng bawat isa. Kaunti lang, para hindi masyadong mabigat.

Promking  Pentells
Favorite Color Green Red
On Travel Wala kang mararating pag mabagal ka. Hindi mo mae-enjoy pag masyado kang mabilis.
Number of Footwear sa House 7 pairs 19 pairs

 

Ngayong alam na ninyo ang likes and dislikes, mas madali na maghati ng chores.

Promking  Pentells
Hugas plato. Luto
Magpa laundry ng damit
Pick up ng tubig

 

At syempre, eto ang hatian na sigurado akong makaka-relate ang may mga housemate dyan. Pantay na hatian para sa ikasisiya ng lahat.

Promking  Pentells
Water – 200 Rent – 3400
Electricity – 700
Internet – 1800
Cable TV – 500
Laundy – 200

 

Hati na! Hating kapatid!

RakSaCebu 3 | HIGHLIGHT | Tanduay First Five Cebu

Kaya sinakto din namin ang pagpunta sa Cebu ng August 10-12 ay dahil sa Tanduay First Five. Anim kasi na artists ang kasama sa lineup this year. Actually lima lang pero parating kasali si Gloc-9 kaya nagmumukhang anim.

Yung bagong lugar sa Cebu, yung tinatawag nilang South Road Properties or SRP, dun ginanap ang event. relatively malayo siya mula sa City. Aabutin ng 100 pesos ang pamasahe sa Taxi kung galing ka sa Mactan Shrine. Madalang daw ang mga pumapasada na jeep papunta doon. Buti at naisipan nilang maglagay ng maraming bus papunta at paalis sa venue althroughout the event.

Tanduay First Five Tickets

Tanduay First Five Tickets

Like ka muna sa page nila bago tayo magpatuloy: https://www.facebook.com/SouthRoadProperties

Para makakuha ng tickets, nagpunta muna kami sa Chi Hing Grocery sa may Colon St para bumili ng dalawang Tanduay Light na long neck. Dun lang kasi kami makakakuha ng libreng tickets. Pinamigay na namin yung mga alak sa mga manong na nakasalamuha namin.

Chi Hing Grocery

Chi Hing Grocery

Backpackers ang style namin. Hobby din namin ang magtanong kaya natunton naman namin ang lugar kaagad.

Medyo antukin, hindi kami nakarating sa oras. Hindi namin naabutang tumugtog ang Spongecola at Wolfgang. Happy naman kami at tumutugtog na si Gloc9 pagdating namin.

Pentells with Spongecola

Pentells with Spongecola

Gloc 9 on stage

Gloc 9 on stage

Pinakanagustuhan ko yung performance ni Rico Blanco. May mga back up siya na nakapang-Sinulog, angkop na angkop sa Cebu. Fiesta pa yung atmosphere.

May mga nakainuman din kami sa labas ng venue. Konting shot lang naman. Hindi namin nakuha ang mga pangalan nila, sorry. Kung sino man kayo, paki-add na lang kami sa FB or follow ninyo kami sa Twitter (@pentells  and @pepideleon)

Enjoying Tanduay Light!

Enjoying Tanduay Light!

Yung performance ng Kamikazee, talagang malupit. At pinakanagustuhan ko naman na presence ay yung kay Chito Miranda Jr. Hindi pa naaalis sa isip ng tao yung scandal nila ni Neri pero walang nag boycott sa event. Yung suportya ng mga parokyano, nandun pa rin. SOLID.

Nakakaiyak pa rin kapag kinakanta nila ang mga songs ni Francis M. Nag Bagsakan nang wala si Kiko, kumanta si Gloc 9 ng Kaleidoscope World. Astig talaga.

Next year siguro, sasabayan ulit namin ang mga Pinoy artists sa pagbisita sa iba pang lupalop ng Pilipinas.

Nagbibilangan Na Ba Kayo Ng Jowa Mo part 2

Let us keep score of our relationship. Why not, di ba?

Iba talaga kami pag tinamaan ng boredom. Naglalaro kami ng pudpuran ng utak. Ito yung mga laro na on the spot lang gagawan ng rules. Nakakatuwa lang talagang isipin na kapag nakita kami ng ibang tao, maiinggit sila dahil masaya kami sa mga munting laro namin.

mahilig kami magpudpuran ng utak

mahilig kami magpudpuran ng utak

Kapag pauwi kami ng Sta. Mesa mula sa Makati, sa PRC-Sta.Ana-Kalentong kami dumadaan. Iniiwasan kasi namin ang traffic sa EDSA. Personally, ayoko na talaga dumaan ng EDSA kahit na kung tutuusin e dalawang sakay lang yun. Mas pinipili ko ang apat na salinsakay para sa mabilis na paglalakbay.

Pagdating namin sa may Sta.Ana, napapadaan kami sa maliit na eskinita kung saan may ale na nagtitinda ng yosi sa umaga. Andun siya ng mga 7am. Bibili kami ng tig-isang yosi at gaya ng dati, mayroon kaming walong minuto para maka-isip ng laro.

Munting laro, munting bilangan. Basta kung ano ang maisipan, yun na yun!

BILANGAN NUMBER 3:

  • sa palengke, pagsasalitan na sasabihin ng bawat isa ang statement na “ buy fda approved Clomiphene online Gusto mo ba ng ______“.
  • papalitan ang patlang ng kung anong pwedeng makita sa palengke.
  • kailangang bigkasin ang tanong sa loob ng limang minuto matapos magsalita ng kalaban.
  • ang umulit ng bagay na nasabi na ay talo.

Simple lang yung laro di ba? Inaabot kami ng hanggang sa jeep na masakyan bago namin matapos ito. Talagang kailangan mong pakinggan ang sinasabi ng bawat isa. Dapat rin mabilis ang mata mo para alam mo kung ano ang mga bagay sa paligid mo. Kailangan rin na mabilis kang maka-recognize ng objects. Sa pressure ng laro, makakalimutan mo kung ano ang pangalan ng isang prutas o ng isang klase ng laruan.

Natalo ko si @pentells dahil inulit niya ang salitang “eagle”

Di ba simple lang?

Pero nung napadaan ulit kami sa kaparehong kalsada, binigyan namin ng twist ang laro.

BILANGAN NUMBER 4:

  • sa palengke, pagsasalitan na sasabihin ng bawat isa ang statement na “ Oborniki Gusto mo ba ng ______“.
  • papalitan ang patlang ng kung anong pwedeng makita sa palengke.
  • kailangang bigkasin ang tanong sa loob ng limang minuto matapos magsalita ng kalaban.
  • ang umulit ng bagay na nasabi na ay talo.
  • dapat WALANG LETTER “A” ang mga bagay na sasabihin.

Natalo ko si @pentells nung hindi na siya nakapagbigay ng salita after ng 5 seconds matapos ko sabihin na “Gusto mo ba ng Diesel?”

Sa parehong laro, ako ang nananalo. Mas magaling kasi ako sa mga ganitong laro e.