Category Archives: Event Coverage

You have an event? Let me attend it and do a review.

The #SeeTheWorld Campaign By AirAsia and World Vision Started by…

Isang araw, nagpunta sa isang city sa Mindanao ang magkaibigan na sina Aira Aseana at Kuya Foydi.

Aira Aseana: Maganda naman ang Mindanao a, bakit hindi pa ganun kabilis ang pagdevelop nila dito?

Kuya Foydi: May talent dito. Masasaya ang mga tao. Marurunong makisalamuha at mabilis matuto. Wala lang silang oportunity para matupad mga pangarap nila.

Aira Aseana: Aba, I think everyone should have to #SeeTheWorld. Dapat lahat ng tao may equal chances. Alam mo bestie, dapat talaga mabigyan sila ng suporta. Sinu-sino ba ang mga tumutulong sa kanila ngayon?

Kuya Foydi: May kakilala ako. Alam ko nandito lang din sila sa Davao e. Mahilig sa Durian yun.

After a few minutes of walking, narating nila ang tindahan ng Durian. Sakto, andun ang friend ni Kuya Foydi na si Atlas Cornea.

Atlas Cornea: Uy Foydi! Andito ka pala.

Kuya Foydi: Sakto! Natanggap mo pala yung text ko. Buti nandito ka sa Minda.

Atlas Cornea: Oo, sakto nga at nagki-crave ako ng Durian.

Kuya Foydi: Atlas, papakilala ko sayo ang seksi kong friend na si Aira Aseana. Aira, meet Atlas.

Atlas Cornea: May friend ka pala na mala-flight attendant ang tindig. Hi Aira, kumusta?

Aira Aseana: (Kilig na hindi pinahalata), Okay lang…

Kuya Foydi: Uy, bagay kayo ha. It’s like the sky meets the earth on an ENDLESS HORIZON.

****

Sa tagpong ito nagsimula ang friendship ng AirAsia at ng World Vision. After eating sa isang masarap na raestaurant na sa isang palengke lang sa Davao matatagpuan, they were able to decide on a project.

It is called the #SeeTheWord campaign.

For every flight booked in AirAsia this December, regardless of the flight schedules, AirAsia will donate LIMANG PISO to World Vision. This will help the foundation educate Filipinos around the country and create a playing field.

Singer / song writer / lodi ng mga rapper na si Quest – is aiming for 5 million pesos in booking. This is not imposible, he says.

Kuya mong Christian Bautista who agrees, just like how his songs agree with the Mandaluyong Children’s Choir.

#SeeTheWorld campaign with AirAsia X WorldVision

#SeeTheWorld campaign with AirAsia X WorldVision

mandaluyong childrens choir

mandaluyong childrens choir

with kuya mo christian bautista

with kuya mo christian bautista

with lodi ng mga walang imposible - quest

with lodi ng mga walang imposible – quest

Kaya naman kung may plano kayong lumipad and #SeeTheWorld in 2018, please book them this December in AirAsia and help a WorldVision scholar #SeeTheWorld for himself.

Galaxy Battles Season Will Be Hosted in the Philippine Arena

Nakakatuwang isipin na ang Dota 2 sa Asia ay kinikilala na ang Pinoy audience. Peenoise kung tawagin, pero tayo ang pinaka masaya at pinakamagulong audience. Ang hiyawan natin ay kayang punuin ang napakalawak na Philippine Arena.

Doon nga magaganap ang Galaxy Battles.

Yung New Blood Championship Philippines, which is the first leg of the Galaxy Battles kung saan ang mga non-pro players ay naglalaban-laban, ay natapos netong weekend lang. Sa totoo lang, ito ang kauna-unahang big screen dota experience ko.

Iba ang pakiramdam na parang nanonood ka ng sine habang nilalaro ng mga malulupit na players ang paborito mong game.

Mas matutuwa pa siguro ako kung may Techies sa game.

The Galaxy Battles will be held on January 19-21 sa Philippine Arena. Nilatag ng organizers ang plano nila kung ano ang magiging itsura ng lugar. Magkakaroon ng concert para sa music lovers, ng Dota Town para sa mahilig mag instagram, at ang 3-day tournament para sa mga pro players. Natanggap na ng Newbee, Infamous, at TNC Pro Team ang kanilang invites.

Welcome ang lahat kahit yung mga hindi naglalaro. Gusto ma-share ng e-sports community ang experience. Multi-million industry na kami. Kahit ang Games and Amusement Board ay join na rin.

Join na rin kayo.

 

TNC Pro Team is ready for the Galaxy Battles

TNC Pro Team is ready for the Galaxy Battles

My cousin and I are looking forward to this big eSports business

My cousin and I are looking forward to this big eSports business

Continue reading

Showing Moral Support To SEA Games Athletes in 2017

Southeast Asian Games na next week. Kuala Lumpur ang venue. Pupunta sana ako kung wala lang naka assign sa akin na work orders.

It has been rough for the Pinoy athletes this week, after the Gilas winning in basketball, while TNC Pro Team and Execration losses in Dota2; everyone is hungry for a continuous victory, at sana makuha natin ang medals sa Sea Games.

Our athletes need us.

AirAsia sponsors for the 29th SEA Games. Go Pinas! Laban!

AirAsia sponsors for the 29th SEA Games. Go Pinas! Laban!

Thanks Comco

Thanks Comco

Naalala ko yung mommy ko, nagli-leave pa siya sa work para lang mapanood ako mag sack race sa Intrams ng school. Grabe moral support na ganun. Just like that, AirAsia is inviting us to be supportive to our athletes.

Paano tayo susuporta?

A series of videos made for the #DaretoDream initiativebtell us the challenges and joys of Alyssa Valdez, Jessie Lacuna, and Marestella Torres-Sunang of Volleyball, swimming, and long jump competitions respectively. Michele Gumabao will be hosting the series hosted on Facebook.

A simple comment would raise their morale. Yung pagshare mo rin ng content para makita ng 4,265 friends mo sa fb ay malaking tulong na rin.

The Facebook page to follow is http://www.facebook.com/AiraAsiaPH

salamat Draft para sa Food.

salamat Draft para sa Food.

follow @gumabaomichele on IG and TW for her personal updates

follow @gumabaomichele on IG and TW for her personal updates

Game highlights and team standings will be closely monitored by AirAsia’s #DaretoDream campaign.

with swimmer, Jessie Lacuna and Nadine from AirAsia

with swimmer, Jessie Lacuna and Nadine from AirAsia

with #DareToDream Web series host Michele Gumabao (@gumabaomichele)

with #DareToDream Web series host Michele Gumabao (@gumabaomichele)

At sana, this would touch the hearts of our aspiting athletes to strive more and fly high, with AirAsia.

Experience Chorale Perfection – Haraya, a send off concert – the Manila Chamber Singers

Maliit na concert venue, mailan-ilang mga bisita, libreng concert, malamig na kwarto, akala mo talaga simpleng kantahan lang ang magaganap. Kundi pa sa engrandeng lighting and sounds na nirentahan a few days ago, hindi mo aakalain na concert pala ito ng isang grupo na higit isang dekada na binuo.

Haraya, a send off concert by the Manila Chamber Singers.
July 1, 2017. Saturday.
8pm.

Excited akong pumasok a good 30 minutes before the concert started. Kilala ko ang mga miyembro. Minsan na akong umupo sa mga rehearsal nila. May time na nakakatulog ako pag malumanay ang awitin. Minsan nang napatayo ako sa sakit ng ulo nung kinanta nila ang Arcturus, isang kanta tungkol sa insomnia. May mga oras na gusto ko sumabay sa kantahan pero nahihiya ako dahil makakasira ako sa blending ng mga boses nila.

Confident din naman ako na marunong din ako kumanta. Alam ko, nasa tono ako. Hindi pa ako nasabihan na sintunado. Kilala nyo naman ang papa nyo.

Pero iba kapag kasama mo e yung mga nag-aaral talaga ng nota. Alam nila ang difference ng Re sa Mi-Flat – kahit na half note lang yun. Kaya nila mag sustain ng Sol at mag-jump from octave 1 to octave 32. Yung laru ng bibig natin pag natutulog, kaya pa nila ilagay sa tono. Pag nakakita nga sila ng ipis, hindi nakakahiya ang tili nila dahil hindi ito sintunado.

Ang gagaling nila; mga boses na may tamang tiyempo, mga salitang may tamang bigkas, may pagbilis at pagbagal na naaayon sa piyesa, at team work na makukuha lang ng araw-araw na pagpa-practice.

Handa na nga sila lumipad papuntang Singapore.

May laban sila doon next week. Dadalhin nila ang boses ng Pilipino sa isang kumpetisyon na kinabibilangan ng marami pang mga chorale. Makikipagsagutan sila ng kantahan gamit ang mga boses ng mga doktor, engineer, accountant, nurse, estudyante, ina, ama, anak, kapatid, at jowa. Kasama sa kanilang laban ang mga dasal ng mga umattend at mga hindi umattend ng concert.

They are off to sing it out, and bring home the bacon. May kasama pang smoked ham.

The full line up of the Manila Chamber Singers - Haraya

The full line up of the Manila Chamber Singers – Haraya

Good Luck sa Manila Chamber Singers!

***

The Manila Chamber Singers (MCS) is composed of students and non-professional singers from different vocations who share a passion for choral music. The group have visited numerous cities in Europe, Asia, North America and Australia,and has performed in various international and national choir festivals and competitions where they received top prized and critical acclaim. Some of the group’s notable awards and achievements in the last 10 years are:

JULY 2012
15th International Choral Kathaumixw (Powell River, British Columbia, Canada)

  • FIRST PRIZE  –  Folk and Cultural Traditions Category
  • FIRST PRIZE  –  Contemporary Choral Music Category
  • SECOND PRIZE  –  Adult Mixed Choir Category

JUNE 2011
3rd Internation Anton Bruckner Choir Competition

  • GOLD DIPLOMA  –  Musica Sacra Category
  • SILVER DIPLOMA  –  Mixed Chamber Chour Category
  • FINALIST  –  Anton Bruckner Prize

APRIL 2011
3rd Antalya International Choir Festival  (Antalya, Turkey)

  • GRAND PRIX WINNER
  • FIRST PRIZE  –  Mixed Choir Category

APRIL 2007
8th International Choir Copetition  (Bad Ischl, Salzkammergut, Austria)

  • GOLD MEDAL  –  Folksong Category
  • SILVER MEDAL  –  Mixed Choir Category
  • SPECIAL PRIZE OF THE CITY OF BAD ISCHL-  Best Folkloric Program

 

In 2013, MCS completed its first concert tour in Australia. MCS presented the Shine On! Goodwill Concert Tour from October 25 to November 12, 2013, covering the cities of Brisbane, Sydney, and Canberra.

The Choir is the organizer of two of the Philippines’ choir festival: The Colors of Worship: A Festival of Sacred Choral Music, featuring church-based choirs (since 2004) and the Manila Choral Festival (since 2007) featuring some of the Philippines’ internationally -renowned choirs.

MCS Alumni enjoyed the concert, wishes current MCS members well.

MCS Alumni enjoyed the concert, wishes current MCS members well.

Through all these efforts, MCS aims to share their passion for music and promote Filipino cuture to audiences in the Philippines and all over the world.

 

friendships inside the group. the Manila Chamber Singers

friendships inside the group. the Manila Chamber Singers

wacky ones . The Manila Chamber Singers.

wacky ones . The Manila Chamber Singers.

yes, She is Soprano One. Manila Chamber Singers

yes, She is Soprano One. Manila Chamber Singers

with Choirmaster William Lloyd Cordero

with Choirmaster William Lloyd Cordero