Category Archives: Reviews

The Russians are Winning – Virtus Pro and Red Sparrow

Pag nabanggit ang salitang Russian, ang naiisip ko lang ay Nuclear reactors at mga bruskong lalaki na malalaki katawan kagaya ni Zangief sa Street Fighter. Nagtataka lang din ako kung bakit naka-briefs lang tong si Zangief e samantalang natatabunan ng yellow ang Moscow.

Pero lately, medyo may mga dagdag na akong kaalaman tungkol sa Russia – dahil Russian ang Virtus Pro, ang DOTA 2 team na nanalo sa Katowice 2018 majors. Skip mo na ang paragraph na to kung hindi ka naman nagdodota. Tandaan mo na lang na ang premyo sa contest na yun ay $400,000 US. Biruin mo yun, higit 20 million pesos sa paglalaro lang ng DOTA.

 

Virtus Pro sa Katowice 2018

Virtus Pro sa Katowice 2018

Marami pa akong gustong malaman tungkol sa Russia. Siguro, manonood na lang ako ng “Red Sparrow” starring Jennifer Lawrence this week sa Ayala and SM Cinemas.

Mas maganda daw kung IMAX.

Also, marami daw na Rated-Adult scenes. Kahit daw yung crew ng movie, na-awkward nung nagsimula nang umarte si Jennifer Lawrence.

*****

JENNIFER LAWRENCE’S “RED SPARROW” NOW SHOWING IN PHILIPPINE CINEMAS AND IN IMAX SCREENS NATIONWIDE

The latest adult spy movie “Red Sparrow”, arrestingly visceral and cerebral at the same time introduces high-end assassins and spies ready to kill and destroy at all costs without the usual gun and gadgets fare typical of recent spy films.

Based on the tome by Jason Matthews, “Red Sparrow” is directed by Francis Lawrence that stars an impressive, international cast that includes Jennifer Lawrence, Joel Edgerton, Charlotte Rampling, Joely Richardson, Matthias Schoenaerts and Jeremy Irons. Continue reading

Galaxy Battles Season Will Be Hosted in the Philippine Arena

Nakakatuwang isipin na ang Dota 2 sa Asia ay kinikilala na ang Pinoy audience. Peenoise kung tawagin, pero tayo ang pinaka masaya at pinakamagulong audience. Ang hiyawan natin ay kayang punuin ang napakalawak na Philippine Arena.

Doon nga magaganap ang Galaxy Battles.

Yung New Blood Championship Philippines, which is the first leg of the Galaxy Battles kung saan ang mga non-pro players ay naglalaban-laban, ay natapos netong weekend lang. Sa totoo lang, ito ang kauna-unahang big screen dota experience ko.

Iba ang pakiramdam na parang nanonood ka ng sine habang nilalaro ng mga malulupit na players ang paborito mong game.

Mas matutuwa pa siguro ako kung may Techies sa game.

The Galaxy Battles will be held on January 19-21 sa Philippine Arena. Nilatag ng organizers ang plano nila kung ano ang magiging itsura ng lugar. Magkakaroon ng concert para sa music lovers, ng Dota Town para sa mahilig mag instagram, at ang 3-day tournament para sa mga pro players. Natanggap na ng Newbee, Infamous, at TNC Pro Team ang kanilang invites.

Welcome ang lahat kahit yung mga hindi naglalaro. Gusto ma-share ng e-sports community ang experience. Multi-million industry na kami. Kahit ang Games and Amusement Board ay join na rin.

Join na rin kayo.

 

TNC Pro Team is ready for the Galaxy Battles

TNC Pro Team is ready for the Galaxy Battles

My cousin and I are looking forward to this big eSports business

My cousin and I are looking forward to this big eSports business

Continue reading

Hindi Ako Natuwa Na Ka-DATE si Wonder Woman.

Hindi ko na-enjoy ka-date si Wonder Woman. Marami siyang red flags at nakaka-off yung ibang mga katangian niya. I have high hopes for this girl, pero nabigo ako.

Ka-date ko si Wonder Woman nung Thursday eh. June 1, first screening ng movie across the globe. Sa Glorietta 4 Cinema 3 ako nanood.

Ang usapan namin, 7pm. Ang problema, hindi ako nagising on time. Actually, 7:09 pm na ako nakabangon. So late na ako. Nagmadali na lang ako sa paliligo at pagbibihis para maabutan ko siya. Lagot na ako neto. Wala pa naman cellphone si Wonder Woman. Hindi siya marunong magtext. Patay na talaga.

Pero mali ang akala ko. Hindi man lang nagalit sa akin si Wonder Woman.

di nakaka enjoy ka-date si Wonder Woman

di nakaka enjoy ka-date si Wonder Woman

Mahilig manlatigo si Wonder Woman. Hindi ka makipagsinungaling sa kanya.

Mahilig manlatigo si Wonder Woman. Hindi ka makipagsinungaling sa kanya.

Hindi rin siya marunong tumingin ng oras. Hindi siya naniniwala sa orasan. Ewan ko, pero feeling ko, first time lang niya makakita ng relo. Ang sabi pa nga niya sakin, “You let that stupid item tell you when to do things? Do you have no balls to do what you want?”

Na-off ako dun. Taga-isla ata itong si Wonder Woman. Walang alam.

Isa pa, wala na siyang nabanggit kundi si Aries. Ewan ko, pero, mukhang mainit ata ang dugo ni Wonder Woman sa ex niya. O baka ang tito mo na si Aries, nangutang sa kanya at hindi nagbayad.

Papatayin daw niya si Aries. Pag nagawa niya daw yun, magiging ok na ang lahat.

Hindi pa ata nakaka move on si Wonder Woman sa ex niya. Ayoko sa ganyan. Baka maging panakip butas ko.

Hindi rin kumakain tong si Wonder Woman. Ang hilig pa sumigaw, tumakbo, makipag-bungguan sa mga strangers at manlatigo ng hita. Buti na lang maganda siya at hindi siya gaano pinapatulan. Pero pag nakaharap siguro siya ng katapat niya, hindi ko siya kaya protektahan.

Nung natapos yung date namin, napansin ko siya na naglabas ng laptop at nag-email sa isa pa niyang boylet na pangalan ay Bruce. Player talaga tong si Wonder Woman. Ayoko sa player.

Reserved at defensive si Wonder Woman

Reserved at defensive si Wonder Woman

always galit sa ex niya na si Aries tong si Wonder Woman

always galit sa ex niya na si Aries tong si Wonder Woman

Sa Dinami-Dami, Bat Ako?

May kakaibang sangkap ang kape pag naihanda ng mainit, lalo pa kung hindi lang ikaw ang iinom.

Kung gaano katagal ang pag-antay na lumamig ang kape, ganun din karami ang chance para matanong mo sa kasama mo kung (1) san siya nakatira, (2) pang ilan  siya sa magkakapatid, or (3) open minded ba siya sa business?

malabo si dj

Kaya nung nagkaron ng chance na tanungin ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa commercial nila ng Nescafe – kung sa dinami-dami bat ako; NO CHOICE si kuya mo Dj kundi sumagot ng vague answer na “parang kape, iba ang creamy chuchu, echos, kuning-kuning.”

Para sa fans ng Kathniel, nakakakilig ang sagot.

Para sa akin, malabo si Dj.

Dahil hindi pa malamig ang kape para higupin, naibalik ni Dj ang tanong ke Kathryn. Bakit daw siya? Sabi ko, malabo na to. Wala nang sasagot ng tama sa kanila. Magpu-promote na lang sila ng kape.

At ganun na nga ang nangyari. Continue reading