Category Archives: Book Review

book reviews. whatever book interests me. no plot. no summary. just comments.

Book Review: Bakit Hindi Ka Crush ng CRUSH MO?

at iba pang technique kung paano makaka-move on sa wasak na Puso
by Ramon Bautista (yung POGI)

Una sa lahat, salamat kay Janille Policarpio. Sa kanya nanggaling yung libro na binasa ko. Paki-like ang FB picture niya na sa link na to: CLICK HERE.

The Cover and its Pages.

Unahin na natin ito, marami kasing nagja-judge ng book because of its cover.

Nakakatuwa yung libro. Iba pala mag-publish ng libro ang PSICOM. Yung ibang libro kasi, kumakapal siya pag nabasa mo na. Siguro dahil sa lumuluwang yung pages dahil sa pag-turn mo ng mga ito.

Bakit Hindi Ka Crush ng CRUSH MO?

Bakit Hindi Ka Crush ng CRUSH MO?

Ang kinagandahan ng libro, bukod sa mala-classic na picture ni Papi Ramon Bautista, maganda ang pagkaka-bind na nanananatiling manipis ang libro. Hindi tuloy siya mahirap bitbitin. Mukha pang parating bago.

Sa presyo nito na P160 pesos, sulit na sulit na! Mas ok pa siguro kung mapapapirmahan mo kay Papi Dragon ang kopya mo.

Madali rin basahin. Q&A type na copy paste mula sa Formsping.Me accout ni Ramon Bautista tapos may mangilan-ngilang pictures mula sa instagram niya. Parang kang may kaharap na laptop sa presyo ng isang Jollibee Champ meal.

Favorite Line.

Napapanahon ang linyang ito sa kakatapos lang na discussion tungkol sa RH Bill.

Tanggapin na natin ang katotohanan na mas marami sa inyo ang nagse-sex at magse-sex kayo kahit bago pa kayo ikasal. Dala ito ng pwersang tinatawag na KALIBUGAN, na minsan ay nagbabalat-kayo bilang “Pag-ibig”.

May ilan pa akong paborito pero tinatamad akong hanapin at i-type. Obvious naman din kasi yung magagandang lines sa book dahil ginagawa niyang caption yun sa mga instagram pictures niya.

Pero dahil nakopya ko na ito sa FB Status ko, ire-relay ko na lang ulit:

Pag may dahilan na hini nao-overcome ng “okay lang yan, mahal ko naman siya e” break na agad yun.

Target Audience.

Pang College level ang libro. Naka-relate naman ako dahil tumungtong din ako ng College, pero kung sobrang tanda mo na, yung parang may anak ka na na nasa College, parang hindi ko masabi na para sa iyo ang libro. Pangkabataan kasi ito.

Tungkol sa pag-ibig, bagsak na subjects, moving on, mga problemang pangkabataan. Buti na lang hindi pa ako tumatanda. Favorite book mo siguro ito kung ikaw si Peter Pan.

At oo nga pala, hindi para sa mga may ubo/sipon ang librong ito. Lalo na sa kagaya ko na inaatake ng sore throat at hirap tumawa ng Hahahaha. Sumasakit ang lalamunan ko at napapaubo ako kapag tatawa ako. Sa dami ng pagkakataon ko na tumawa, nasasaktan lang ako. Badtrip ka Monra!

Sino Si Ramon Bautista (yung pogi)

Sino Si Ramon Bautista (yung pogi)

Magandang pang-exchange gift itong libro. Buti na lang at nakakuha ako ng kopya! Sana dala ko ito nung nagkita kami ni Papi Ramon Bautista ng album launch ng Gracenote para nakapagpa-autograph ako!

May bonus track nga pala yung libro; lyrics ng kanta ni Lil Coli na “Sino Si Ramon Bautista (Yung Pogi)”. Astig

 

Book Review: Lumayo Ka Nga Sa Akin

Lumayo Ka Nga Sa Akin
by Bob Ong
Lumayo Ka Nga Sa Akin

Lumayo Ka Nga Sa Akin

Ito ang pinakabagong libro ni Bob Ong. Ni-release niya noong pinagbuntis ni Sta. Ana si Maria sa taong 2011.

Trilogy, tatlong kwento sa iisang libro. Ang unang kwento ay may pamagat na “Lumayo Ka Nga Sa Akin”. Pangalawa naman ang “Shake, Shaker, Shakest” na horor ang dating. At ang last part ng story ay drama na pinamagatang “Asawa ni Marie”.

May humor insert ang bawat kwento. Pero parang nagsawa ako sa mga humor inserts at napurga ako dahil wala talagang istorya. As in dull.

Walang kwenta ang story dahil ganun naman talaga ang kwento ng mga pelikula natin, gasgas na.

Ano Ang Gusto Niya Sabihin

Ganun talaga pag nagbabasa ka ng Bob Ong na libro. Hindi mo magi-gets ang gustong iparating sayo ng author pagkababang pagkababa mo ng libro. Hindi mo alam kung bakit mo binasa ang libro kahit tapos mo na basahin ang huling pahina nito.

Ako nga, kailangan ko pang makipag-kwentuhan sa isa kong ka-opisina para malaman ko na dull ang libro at ganun yun na mismo ang lesson. Wala nang story na kailangan mong paikutin pa.

Style Of Writing

Playwright style ang ginamit ng idolo ko sa pagsulat ng libro na ito. Pwede mo nga siya gawing play kung wala ka nang maisip na bago at kinulang ka sa creative juice. Hindi ko sasabihin na wala kang creativity kung gagawin mo ngang play ang libro na ito, ang sinasabi ko lang, hindi mo na dapat pa siyang gawin na pang-teatro.

Kung gaano ka-dull ang pelikulang Pilipino, ganun naman ka-dynamic ang pagsusulat ng libro ni Bob Ong. Hindi lang puro narratives ang kaya niyang gawin. Kaya rin pala niya magsulat na parang isang theatrical play.

Naghahanap nga ako ng iambic pentameters pero wala akong nakuha. Baka yun ang susunod na project ni Bob Ong.

Favorite Line

“Bata, kanya-kanya tayo ng paglalakbay. Wag kang magpakarga, katamaran yan.”

Kung hihiramin mo sa akin ang libro, mag-comment ka sa baba. Ipipila kita sa mga nanghihiram sa akin.

Book Review: Pugad Baboy 23

Hindi ko alam kung dapat kong ginagawa ito. Nang matapos ko ang libro, parang ayoko na magsulat tungkol sa Pugad Baboy 23. Ok lang naman kasi ang mga jokes pero I was expecting better.

Honest review lang, ito ang pinaka-panget na Pugad Baboy book.

Mas exciting pa nga ata yung kwento nung araw nang pagbili ko ng libro na to sa Comic Alley, Megamall.

Pugad Baboy 23

Pugad Baboy 23

CONTENT

Puro political ang content ng libro. Banat ke Gloria, kabig ke PNoy, pati mga banat sa iba pang political figures, andyan. Parang napakadali kasing mag punchline sa politics e. Nakaka-umay nga lang.

I suggest, bumanat siya sa mga mas controversial na tao. Banatan niya ang mga Ampatuan imbes na si PNoy. Bigyan niya ng kakaibang punchline si Vice Ganda kesa ke Justin Bieber. Tirahin niya ang blogging community kesa sa obsolete banat ke PGMA.

I dare you!

LOOK AND FEEL

Napaka-dull. Sana sinamahan ng crayola para pwede kulayan ang libro.

Kapag nilagyan mo ng kulay yung libro, baka naging mas makulay pa ang content. Medyo walang kulay na nga ang content, wala pang kulay ang cover. Magandang art nga ang Polgas na naka senyas na 2 and 3, pero mas may igaganda pa ata to.

 

Hindi ko naman sinasabing sobrang panget ng libro. Karapat-dapat pa rin naman siya ilagay sa collection. Kulang nga lang sa story, korni ang punchlines at walang kulay. Kung ikinain ko ang pinambili ko ng libro, tae rin naman ang lalabas kaya ayos lang.

Book Review: ang mga kaibigan ni mama susan

Ito ang ikawalong Libro ni Bob Ong. Released lang this month. Buti nakahiram agad ako ng kopya.

Tutal Christmas season naman, maganda itong ipan-regalo sa mga Bob Ong fanatics. Yung mga wala pang regalo sakin, pwede na to. Available sa National Bookstore. Php150. May presyo pa kasi sa likod yung nahiram ko e. Kulay purple ang cover at madaling hanapin.

Not your usual Bob

Iba ang style na ginamit ni pareng Bob dito. Walang prologue at epilogue. Journal writing ang style. Yung unang 20 pages nga, naisip ko na kaya ko rin gumawa ng ganito kung parang blog writing lang din ang theme.

Pero mali ako.

Habang nagpapatuloy ako sa pagbasa, nabubuo sa isip ko ang isang Blair Witch Project. Creepy siya sobra. Hindi ganun kadali ang pagsulat ng buhay na hindi naman sayo. Pero baka napulot lang ni Bob Ong ang journal ng tunay na nagsulat at inangkin na lang ng ating idol ang honor. Hindi ko alam.

Second Time

Masasabi ko na ito ang pangalawang libro ni Bob Ong na hindi ko tinapos. Yung “Bakit Baliktad…” hindi ko yun tinapos dahil nainis lang ako sa pagiging TRUE ng mga stereotypes sa pinoy. Dito naman, hindi ko talaga tinapos dahil sobrang creepy niya.

Kung sinehan ito, nauna na akong kumaripas papalabas ng movie house.

I dare you, tapusin mo basahin ang libro. Bibigyan pa kita ng extra credit kung babasahin mo ang librong ito “Out Loud”. Ipapaputol ko ang daliri ko sa paa kung babasahin mo ang libro “Out Loud” sa isang upuan lang.