Category Archives: aldub notes

These 50+ lines in IMAGINE YOU AND ME.

  1. Simula pa lang, Magnolia Ice Cream na kagad. Eto na nga ba sinasabi ko eh.
  2. MRT? Toll Gate? Ano ibig sabihin nito? San na si Yayadub?
  3. Anlaki nung family niya ha.
  4. Wow. Happy Meal!
  5. Ayun Stoplight. At yumuko pa, dancing traffic enforcer oh. Kendeng mo pa manong.
  6. Ambilis ng flight ha. Straight flight.
  7. Si Kakay talaga inaantay ko dito eh.
  8. Magnanakaw sa Italy. Adik siguro yan. Deads yan kay Digong.
  9. Kung patay na po si Sir Leonardo ng dalawang taon, bakit nyo pa niluluto yung paborito niya?
  10. Sobrang husay ng panning ng bahay nila sir Leonardo. One take lang ba yun?
  11. Sanay na sanay sa live at rolling camera. Nice one camera man. Parang Sugod Bahay lang.
  12. Bakit kaya ang dimples, pag nakangiti lang lumalabas? Pag malungkot, pwet lang ang may dimples.
  13. And I found the thief. Salvage na yan. Summary Execution.
  14. Akala mo kung sinong gwapo, may dimples ka lang HUY! Si Jose Manalo, may dimples din!
  15. YANG TATAA? Ilang beses ko kaya maririnig yan?
  16. Everything must end here in Como… Suicidal.
  17. Don’t push it, e kung ikaw kaya i-push ko dito?
  18. Ba’t naman kita susundan? Di ako alagang aso noh? Che!
  19. Stop following me ok? Stop… in the name of love, before you break my heart.
  20. Sobrang kwela ni Maine dito. Non-stop antics. Paano kaya siya pag nag stand up comedy?
  21. I have to do something na matagal ko na dapat ginawa. Thank you for everything.
  22. The musical scoring makes the movie light. Magpapakamatay na si Alden, Kengkoy pa rin?
  23. Ok, so hindi ka nga magnanakaw, chismosa ka lang…
  24. You are not part of my life, and YOU ARE NOTHING TO ME!
  25. That dubsmash on the passenger seat scene. Wag mo hahawakan ang cellphone!amos and pets - Imagine You and Me
  26. Sabi ng Lolo ko, makikilala mo ang isang tao sa choice of songs niya. E gusto ka namin makilala, kaya kumanta ka na.
  27. Inom ka ng inom, di naman kaya. In fairness, mukha ka naman mabait pag tulog.
  28. That’s the difference between amos & pets. Ang amo, walang buntot at marunong mag move on.
  29. Di mo ba namimiss yung dati mong sarili?
  30. Baka na-traffic lang o nadelay sa customs ang lovelife ko. Di bale, si Digong na bahala sa Customs. Magtitino din mga yan.
  31. Para sakin, mas tragic yung hindi mo man lang mararanasan magmahal.
  32. Anlaki ng Church! Pray muna tayo.
  33. Diba Italy din yung movie ni Claudine at Piolo? I remember the scarf on the neck.
  34. Brava Capacce, Bela, Tu.
  35. Gerlad Napoles and Kakay!
  36. Hindi ka pa nakaka experience ng totoong heartbreak. Subukan mo mabarahan ng dugo sa puso.
  37. Diba? Diba? Diba?
  38. Mas maganda to kung tayong dalawa. Hindi na selfie yun, Twofie na yun!.
  39. Ngiting tagos hanggang bone marrow.
  40. Hindi pa ata siya maka move on sa ex niya. Traffic pa rin sa EDSA.
  41. Sino gusto mong imagine-in ko?
  42. Oh shit, wala akong kabisadong linya sa Romeo & Juliet.
  43. Anong shampoo ni Maine Mendoza? Anong shampoo ni Molly?
  44. May mababago ba? I am still dying. Don’t you think I have the right to be selfish?
  45. No ate, you have the right to be Jasmine Curtis.
  46. Hindi flat yung sahig. Naka-lean forward si Andrew kay Isay.
  47. You, you don’t know how I feel right now.
  48. E kaya ko nga yun ginawa, kasi mahal na mahal ko si Andrew Garcia.
  49. Oy, Preno!
  50. Oy, Maleta!
  51. Oy, Sahig!
  52. Bed scene. Wow.
  53. Lips to lips na yun, wala pang tumili?
  54. Verona, Italy? May Travel Factor Trip ba dun?
  55. This is the first day of the rest of our lives.
  56. Hala! Lola Nidora oh!

8 Things To Watch Out for – ALDUB Movie – Imagine You And Me

#IYAM

Ugali kong gumawa ng list na uunahin ang title at mapapasubo na lang sa content. Ganun talaga  pag susubukan mo magsulat tungkoil sa much awaited movie ng sinusundan mo na love team kahit hindi ka naimbitahan sa blogcon kahapon. O well, basta ako, manonood ako on its frist few days.

Kaso wala pa akong kasama.

Habang nag-aantay ng reply ng possible date, tirahin ko na tong list na to. Bago pa matira ng iba.

Here are my 8 things to watchout for in ALDUB’s first movie Imagine You and Me: Continue reading

Pinakamabigat Na Feeling

Mahal mo e.

Mahal na mahal. Alam mo ang totoo. Handa kang sabihin. Handa kang ipaglaban. Handa kang magsakripisyo.

Pero hindi pwede.

Kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo. Isuot mo man ang brief mo sa labas gaya ni Superman. Maglagay ka pa ng sinturon gaya ni Batman. Gamitan mo man ng kutsara, kutsilyo, lagari. Ilawan mo man ng lampara, lighter, kandila, flashlight, o spotlight. Ilang ulit mo man nguyain ang Lotte Blueberry chewing gum. Tumalon ka man sa susunod na pagtapat ng orasan sa Bagong Taon. Hindi pa rin mangyayari.

Imposible.

Posible pero hindi pwede.

Gusto mo.

Pero ayaw ng tadhana.

Feeling mo handa ka na.

Handa na kayo.

Pero hindi pa ito ang Tamang Panahon.

Hindi pa hinog ang bunga.

Hindi pa angkop ang sangkap.

Hindi pa mainit ang kawali.

****

Yan yung naramdaman ko sa Kalyeserye episode kahapon, October 14. Kababalik lang ni Alden mula sa 7 day absence. Busy ata siya sa mga commitments niya here and abroad. Sakto naman na aalis si Yaya. Pupunta daw ng Cebu. Magbabakasyon sa mga kamag-anak niya doon.

Wala kang magagawa. Yun ang dapat mangyari. May kanya-kanya kayong buhay.

Sabi nga ni lola,

“Masyadong malaki ang mundo para paikutin mo lang sa iisang tao.”

“Ang mga mata ninyo ay nagtatagpo, nag-uusap. Ipikit niyo lang at higit niyong mararamdaman ang tibok ng puso niyo.

“Ang hindi kayang hawakan ng kamay mo, hawakan mo ng puso.”

 

 

Special Moments:

Na-late ka ng dating.

He shouted “Maine” instead of “Yaya”.

Ipikit niyo lang, at higit niyong mararamdaman ang tibok ng puso niyo

ALDUB notes : #ALDubEBforLove RECAP

25M tweets. Wow.

Pero syempre, hindi ako magpapahuli.

Sa dinami dami ng quotes / lessons / learnings ng September 26 episode, hindi ko na dadagdagan pa. Umakayat na ng ligaw si Alden, at kinilig tayong lahat. Sapat na yun.

Pero gusto ko lang i-point out ang scene na ito.

Pauwi na si Alden. Nakapagpaalam na siya sa mga lola. Nagpapaalamanan na sila ni YayaDub. Naibigay na ni YayaDub ang love letter na sinulat kanina. Hindi natin alam kung kailan sila magkikita uli.

Per kailangan ng souvenir. Hindi sapat ang pictures na lahat naman ay makakakita. Dapat may something special. Dapat may take away. Something na common pero pahahalagahan.

Pwedeng ticket sa sinehan kung nanood kayo ng sine.
Pwedeng resibo sa restaurant kung kumain kayo sa labas.
Pwedeng tissue paper, di ko alam kung saan galing, basta kung meron, GO!

Pero sa eksenang ito, panyo ang naging souvenir.

panyo 2

panyo 2

Pinagpawisan.

Galing sa kaba.

Galing sa hindi mapakaling pagkakakilig.

Galing sa hindi maipaliwanag na nadarama.

Something na pwedeng itago ni YayaDub. Amuy-amuyin, langhap-langhapin. Ilagay sa altar at dasalin na agad silang magkita muli.

At alam na niyo siguro kung kanino galing ang panyo:

panyo

panyo

Malupit pa rin talaga si bossing pagdating sa mga panliligaw moves.

More power bossing!